Chapter 16

47 2 5
                                    

Polmer's P.O.V

"Anong nangyari sa mukha mo? Mukha kang hindi natulog magdamag" bungad na sabi sakin ni Joseph, barkada kong abno


"Huwag ka nang magtanong, badtrip ako" malamig na sabi ko


Nandito kami sa school and today is our second day, kung nagtataka kayo kung bakit ako badtrip, 'wag nyo nang itanong.


Habang naglalakad kami papuntang classroom ay maraming babaeng sumusunod samin sa likuran at tili ng tili


Malapit na kami sa classroom nang may narining akong nagkakaguluhan


"Ang lampa naman nung babae" rinig kong sabi ng isang babae


"Excuse me lang ha. Kayo na nga itong nakabangga saakin, kayo pa ang may lakas ng loob na magsabi ng ganyan?!" inis naman na sabi ng babaeng nagwawala


"Gosh! Nandito na si PJ!" pagbabaliwala ng isang babae nang makita ako


"Sino ba yang PJ na yan!?!?" inis na sigaw ulit nung babaeng nagwawala


"Ako" simpleng sagot ko


Humarap naman siya sa'kin at tinitigan ng masama


"Hanap mo ako, miss?" tanong ko sa kanya


"Oo" sabi niya


"Pakisabihan yung mga babae mo na umalis na sila dito sa daan kasi padating na yung mga teachers natin at pakisabi na rin yung mga rules natin sa mga hallways and the consequences" dagdag na sabi niya na may pagkamaldita at hindi inaalis ang tingin sa'kin


"Palaban" pabulong na sabi ko, pero narinig niya at lalo lang siyang nainis


"What?!" inis na sigaw niya kaya tumango nalang ako at umalis sa harapan niya


"Hoy! Ikaw na PJ!" sigaw uli niya dahilan para mapatingin kaming lahat sa kanya


Kinuha niya ang bag niya na nasa sahig at lumapit saakin


"Aray!!" sigaw ko nang sipain niya ako sa tuhod


"Tara na" sabi niya sa mga kasama niya at nilagpasan akong namimilipit sa sakit


"Bro! Ok ka lang?"


"Ano sa tingin mo?!" I don't know if I will be annoyed or what, nagtanong pa kasi ang loko kahit halata namang hindi


Tinulungan niya akong tumayo at tinungo ang clinic


"Magpahinga ka muna dyan, after recess kana pumasok" sabi ni Doc


"Salamat po, Doc" sabi ni Joseph, tumabi siya sa'kin


"Pumasok ka na" sabi ko sa kanya


"Maya nalang, sabay nalang tayo" he said and went to sleep kaya natulog na din ako


Nalingat lang ako nang gumalaw si Joseph sa tabi ko


"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya nang tumayo siya


"Room. Sama ka?"


Tumango nalang ako, inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa room


"Bili lang ako ng pagkain, diyan ka muna" sabi niya pagkaupo ko


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 08, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

World Full of Love (High School Series 1)Where stories live. Discover now