Blaire's POV
Ok na ako ngayon. Magaling na. Papasok na ako sa school. So alam niyo na. Hindi na naman ako makakapag breakfast nito. Bibili nalang ulit ako ng rice cooker at mga kaldero. Andito pa naman 'yung kalan.
Kanina pagpasok ko sa Cr nagulat ako. Marami ng gamit at may shower na. Isa lang naman kasi ang Cr dito kaya share kami. Pero parang nahiya naman ako gumamit. Pero sabi niya "It's okay, It's okay. You can use it. That's ours." parang kinilig naman ako do'n. That's ours daw. Mabait naman pala siya. Kaso lang masungit talaga.
So eto na nga, palabas na ako ng kwarto. Naka suot lang ako ng T-shirt na white at pants. Nakatali din ang buhok kong mahaba. Maaga pa naman ngayon kaya pupunta muna ako kay Reigan. Sasabihin kong magpapasama ako sa kanya mamili ulit. Kainis naman kasi talaga 'tong si Kyle.
Paglabas ko. Nakita ko si Kyle sa table, kumakain. Nakita niya din ako.
"Hindi ka kakain?" Tanong niya. Eh ano naman? Kasalanan niya naman.
"Alam mo kung bakit?"
"Why?"
"Kasi tinapon mo mga gamit ko."
"You can use mine."
"No thanks. " Sabi ko at umalis na. Baka kasi sumbatan niya pa 'ko,'wag na. Ba't niya ba 'ko pinapakealaman? Hindi ko na nga siya pinakealaman. Halos sa kanya na 'yung buong apartment. Parang nakikitira nalang ako e. Nakakahiya naman sa kanya. Mayaman naman pala siya pero bakit sa gan'to pa ang tinirhan niya. Pwede naman siya kumuha ng condo. Ano kayang dahilan niya? Matanong nga mamaya.
Pumunta ako kay Reigan.
"Reigan? Ba't ganyan ayos mo? Sa'n punta?" Tanong ko pagdating doon. Nakasuot kasi ng polo at pants. Ang gwapo niya ah. "Gwapo natin ah?" Dagdag ko.
"I'm an Engineer, actually." Sabi niya.
"Talaga? Ba't ngayon mo lang sinabe?" Gulat na tanong ko. Kasi baman kaya pala!
"I don't know. I just remembered. Someone saw me yesterday and he called me Engineer. Sanchez. I don't know why. My Surname is not Sanchez." Paliwanag niya. Sanchez? Si Kyle Sanchez 'yun eh.
"May kapatid ka ba?" Tanong ko.
"I don't know either. But I feel like I have one brother but I don't remember him." Sabi niya. Weh? Hala! Baka magkapatid sila? Tapos nagkahiwalay? Weh? Matanong nga si Kyle mamaya.
"So ba't ganyan ayos mo?" Tanong ko ulit.
"I'll look for a job."
"Akala ko ba Engineer ka?"
"Hindi ako naniniwala. Graduate na'ko pero hindi ko matandaan na isa akong Engineer. "
"Eh?"
"Malelate kana. Anong kailangan mo?"
"Huhubels, magpapasama lang sana ako ulit sayo. Kaso mukhang may lakad ka pa. Kaya ako nalang. Ingat ka ha! Goodluck!" Sabi ko at umalis na.
Nakucurious tuloy ako sa pagkatao ni Reigan. It was as if he had a past he couldn't remember. 'Yan napapa english na 'ko. Kasi naman. He doesn't look poor. Unang kita ko palang sa kanya hindi talaga siya mukhang mahirap. Aalamin ko 'yan.
Pagdating ko sa school, nagtataka ako na halos wala ng studyanteng naglalakad. Tiningnan ko ang relo ko na binili ko pa sa palengke tig 150 lang. Late na pala ako! Shit! Lutang ba ako?
Nagmamadali na akong tumakbo. Kumatok ako sa pintuan. Binuksan naman ng Prof namin.
"S-Sir, sorry I'm late." Sabi ko.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Roommate
RomanceIsang babaeng nangarap mag aral ng kolehiyo sa isang sikat na Unibersidad. Matalino naman siya kaya nakapasa siya at nakatanggap ng Scholarship. Kailangan niyang mahiwalay sa Nanay at Tatay niya. Kailangan niya pang lumuwas ng Manila at mamuhay mag...