Blaire's POV
Pagkarating namin sa apartment nagluto kaagad ako ng sinigang. Binili ko talaga 'yun. Marunong naman ako magluto. Sabi nga ni mama, masarap pa daw eh. Nakaupo lang sa sofa si Reigan. Nanonood siya ng tv. Oo, may TV kuryente lang babayaran. Ang sosyal nga ng apartment na 'to. Buti ito kinuha ni mama.
Natapos ko ang niluluto ko at tinawag na si Reigan. Gusto pa nga niya kanina na tulungan ako pero sabi ko ako nalang. Ako na nga nagpasama sa kanya eh. Mabait talaga si Reigan. Kaibigan na ang turing ko sa kanya. Since siya palang naman ang kilala ko dito maliban sa landlady na minsan lang din na nandito.
"Reigan, kain na tayo." Sabi ko. Tumayo naman siya at pumunta siya sa mini table na kasya lang sa dalawa. Sumunod na din ako nang matapos ko ang pagsasandok ng kanin.
"Wow, mukhang masarap ah." Sabi niya.
"Hihi, thank you. Tikman mo muna."
Tinikman niya naman at parang nagningning ang mata niya. Well, I'm so proud of you self. Hihi.
"Wow, masarap nga. Nilagyan mo ba 'to ng magic?"
"Nope. Nilagyan ko lang ng pagmamahal ang niluluto ko." Proud na sabi ko.
"Napakabait mo sigurong anak." Sabi niya.
"Hindi masyado hihi."
"Kain kana din."
At 'yun nga. Masarap pala talaga. Nagkekwentuhan lang kami habang kumakain.
Natapos na kaming kumain. Nagpaalam na din siyang aalis dahil baka daw hinahanap na siya ng lola niya. Punyetang 'to. Hindi pala nagpaalam.
Hinatid ko siya sa labas.
"Thank you, Reigan."
"Thank you din sa pa dinner. Ang sarap ng luto mo." Hihihi.
"Sa uulitin." Kumaway ako at ganoon din siya.
Pumasok na ako sa loob at nagligpit na.
Huhubels, namimiss ko na sila mama. Nakakalungkot pala kapag mag isa ka lang. Sana dumating na 'yung ka roommate ko para may kasama na ako. Saka sana hindi siya mataray. Huhubels.Pagkatapos kung magligpit nanood muna ako ng tv. Wala pa naman kasing pasok. Pagkabukas ko ng TV kinuha ko ag selpon ko at nag facebook. Free data lang ang gamit ko kaya hindi ko nakikita mga picture. Wala naman kasi akong load. Saka walang wifi dito.
Huhubels. Kailangan ko na talaga ng trabaho. Habang nag sscroll ako may nakita akong post. Napatayo naman ako bigla.
Wanted; Female or Male 18-23
Waiter
Hindi na kailangan ng Bio-Data
ASAPPs.Kailangang kailangan lang talaga.
Tiningnan ko ang location niyon. Malapit lang sa University! Yown! Isang sakay ng tricycle at jeep lang naman nasa University na 'ko. Bukas nalang ako pupunta.
Pinatay ko na ang TV at matutulog na'ko. First time kong magtrabaho pero kakayanin ko dahil hindi ako mabubuhay kung hindi ako didiskarte. Wala sila mama dito kaya kailangang maging independent.
Kinabukasan ay maaga pa din akong nagising. Mukhang magiging busy ako dito sa Manila ah.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Roommate
Roman d'amourIsang babaeng nangarap mag aral ng kolehiyo sa isang sikat na Unibersidad. Matalino naman siya kaya nakapasa siya at nakatanggap ng Scholarship. Kailangan niyang mahiwalay sa Nanay at Tatay niya. Kailangan niya pang lumuwas ng Manila at mamuhay mag...