Blaire's POV
Pagkagising ko nakita ko si Kyle at 'yung babae. Kiara pala ang pangalan niya. Cute. Nag usap pa kami ni Kiara kaya hindi ko namalayan wala na pala si Kyle.
"Ka roommate ka pala ni kuya?" Tanong ni Kiara. Tumango lang ako. "You know what ate? You're so nice and pretty." Nakangiting sabi niya.
"Thank you. Ikaw din. Nagmana ka sa mommy mo, sa daddy mo at sa mga kuya mo." Sabi ko. Nag giggle siya. Hihi. She's cute.
"I like you ate." Sabi niya bigla.
"H-Ha? Bawal uy! Babae ak--"
"No, I mean I like you for my kuya." Putol niya sa sasabihin ko. Hay, akala ko naman. Pero teka?!!
"Ano? Hahahaha! May jowa na kuya mo." Sabi ko.
"J-Jowa? What's that?" Luh? Oonga pala. Englisherist pala 'to kaya hindi niya siguro alam. Plus mayaman pa.
"Ahh haha! Girlfriend." Sabi ko. I smiled bitterly. Ewan ko nga kung bakit eh. Tsk!
"Ah." Nasabi niya na lang. Maya maya ah may nag bukas ng pinto. Nagulat ako dahil nandito sila mama. "Ah, ate puntahan ko lang si Kuya R-Reigan." Tumango lang ako. Medyo naiilang pang sabi niya. Ikaw kaya makabalitang buhay pala ang pinagmamalayan niyo dati 5 years ago. Pft.
"Anak! Anong nangyari sayo?!" Sigaw ni mama. Ang OA naman ni mama.
"Ma, nahimatay lang po ako. Sa sobrang pagod ko lang po siguro." Paliwanag ko.
"Bakit ka naman kasi nag papagod?" Tanong ni papa. Hindi ako sumagot.
"Paano niyo po pala nalaman na nandito ako?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ko naman sila tinawagan eh. Saka makakatawag pa ba ako kung nahimatay na nga? Boba!
"May tumawag kasi sa akin na lalaki." Sagot ni mama na ikanalaki ng mata ko! Lalaki?! Inalala ko ang huling nangyari sa'kin. Si Kyle ang huli kong narinig no'n so ibig sabihin siya ang tumawag. Tss.
"Ka roommate ko po ma." Sagot ko. Tinitigan pa ako ni mama sandali kaya medyo nailang ako.
"Ikaw ba ay may gusto na sa karoommate mo?" Tanong ni mama.
"P-Po? Wala po! Ano ka ba ma. Hahahaha. May girlfriend na 'yung tao." Sabi ko.
"Eh bakit parang nasasaktan ka?" Tanong niya naman.
"Ma? Ano po bang sinasabi niyo?"
"I can see that in your eyes anak." Sabi niya at umupo sa tabi ko." Pwede ka namang magsabi sa'kin." Dagdag niya.
"Of course ma. Pero wala po talaga akong gusto doon. Saka nasasaktan? No way! Bakit naman po?" Natatawang tanong ko.
"Kasi nga gusto mo siya." Sagot niya.
"Mama naman. Hindi nga po!" Tanggi ko. Tsk! Ako? May gusto kay Kyle? Ang sungit no'n!
"Okay. So wala ka pang boyfriend?" Biglang tanong niya kaya muntik na akong masamid kahit wala akong kinakain.
"Ma naman. Pag aaral po muna." Sabi ko.
"Syempre anak iba pa din 'yung may inspirasyon." Nakangiting sabi ni mama.
"'Wag pilitin kung ayaw o wala. Hayaan mo siyang tumandang dalaga." Pati ba naman si papa? My god! Hahahaha.
Biglang bumukas ang pinto. Niluwa nito si Madame.
BINABASA MO ANG
I'm Inlove with my Roommate
RomanceIsang babaeng nangarap mag aral ng kolehiyo sa isang sikat na Unibersidad. Matalino naman siya kaya nakapasa siya at nakatanggap ng Scholarship. Kailangan niyang mahiwalay sa Nanay at Tatay niya. Kailangan niya pang lumuwas ng Manila at mamuhay mag...