Chapter 17

153 11 0
                                    


Blaire's POV

"What the fuck?!" nagulat ako dahil may sumigaw pagkapasok ko sa apartment. "What are you doing here?!" mapaos ka sanang bwesit ka. Makasigaw naman.

"Kyle! Anong ginagawa niyan dito?" tanong ko kay Kyle.

"Sinundan ako eh. Wala na akong magawa nung pumasok na siya." halatang naiirita rin si Kyle.

"Bawal ba ako rito? Oh eh ano ngang ginagawa mo rito?" sabi ni Aaron. Napagasp siya. Kung ano anong iniisip nito.

"Ang dumi ng iniisip mo! Karoommate ko siya." sabi ko.

"Kyle? Why didn't you tell me?!" reklamo ng kanahan.

"At bakit ko naman sasabihin sayo?" sagot naman ni Kyle. Tss. Hindi ko sila pinansin at dumeretso na sa kwarto ko. Hindi pa ako nakakamove on kay Jasmine. Hindi ako makapaniwalang ganun pala 'yun. Tama lang talaga na iniintindi ko siya pagi. Hindi rin ako makapaniwalang kaibigan ko na siya.

Isa pang pinagtataka ko, si Blaize. Totoo ba talagang coincidence lang lahat? Hindi ako kumbinsido eh. Tingnan niyo, una magkamukang magkamuka kami. Pangalawa 'yung pangalan namin BK, Blaize Keighller at Blaire Kehlani. Pangatlo, para siyang kuya ko talaga na kumilos, gaya nung nanliligaw si Aaron. Lastly, nong tinawag ko siyang kuya. Hays, ganito na ba talaga ako ka desperada magkaroon ng kuya?

Lumabas ako dahil maliligo ako. Isa lang kasi diba CR dito? Hmn. Pagkalabas ko nagulat ako dahil tatlo na sila. 'Di ko siya kilala, ngayon ko lang siya nakita. Hindi siya nagulat na nandito ako. Hindi ko nalang din siya pinansin at dumeretso na ako sa CR. May trabaho pa ako sa Juice bar.

Dumeretso na ako sa Juice bar. Nagulat pa ako nang makita si Luczielle.

"I want to order 1 Berry Blast, large. Thanks. And also I want to talk to you. Just a seconds." sabi niya. Ngumiti lang ako at tumango. Kinuha ko muna ang order niya bago ihatid sa kaniya.

"Here's your order ma'am. Enjoy!" sabi ko. "Magpapaalam lang po ako."

"No need. I am the owner of this Juice bar, by the way."

"Eh?" ganito siya kayaman? Edi kayo na mayaman. Someday, kapag nakatapos ako sa pag aaral magtatayo rin ako ng sariling negosyo. Someday!

"Yes, please take your sit." sabi pa niya. Umupo naman ako kaharap niya. Matagal pa kaming nagkatitigan bago siya magsalita. May balak pa atang ubusin ang smoothie niya bago ako kausapin. "You know naman na mahal na mahal ko si Kyle diba?" tumango ako. "Mahal din ako ni Kyle." edewao. Bakit niya ba sinasabi 'to?

"Ano pong gustong iparating ma'am?" pinanatili kong maging kalmado kahit gusto ko na siyang sampalin, char lang.


"I want you to stay away from him. Or else I will fire you." is she threatening me? Sigurado ba siyang nathreatened ako? Corny niya. Paano ko naman maiiwasan si Kyle kung mag karoommate kami? Saka isa pa 'yung family namin is related. Tinitigan ko siya ng seryoso. Alam ba nito na mag ka roommate kami? Tss.


"Sige." sabi ko.

"Good. From now on--"

"Sige, sesantihin mo na 'ko." sabi ko. Hindi pa ako tapos.

"What?! Are you threatening me?!" sigaw niya kaya naramdaman kong nasa amin ang mga mata ng mga tao.

"Are you threatened?" palaban kong sagot. Nakataas pa ang kilay.

"You're slut! Alam mo naman na may girlfriend na 'yung tao, dikit ka pa rn ng dikit!" magkaibigan kami eh! Kahit na siya lang may pagtingin sa'kin bilang kaibigan. Tss. Oo, aaminin ko na gusto ko na siya. Kahit alam kong may girlfriend siya. Hindi ko naman sila ginugulo.

I'm Inlove with my RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon