Chapter 38

74 8 0
                                    



Blaire's POV

Nagising akong nasa hospital. Expected ko na 'yun. Umayos ako ng higa at nakatingin sa kisame. Napapabuntong hininga, iniisip ang mga nangyayare kahapon. Hindi pa rin ako makapaniwalang si Mr. Dela Cruz ang ama ko. I was supposed to be Dela Cruz. At si kuya, pero pinili niyang gamitin ang apelyido ni mama.



Hindi ako nagtatampo o galit. Naiintindihan ko si mama. Ganon din ang ginawa ko kay Killian and I feel so bad for him. Nagpasalamat pa rin ako dahil nakilala na ni Killian si Kyle ngayong bata pa siya. Hindi ko rin alam kung paano ko kakausapin si Mr. Dela Cruz bilang tatay ko. Wala pa siyang alam. At hindi ako ang magsasabi sa kaniya, si mama.



Tumayo ako dahil gusto kong puntahan si Mr. Dela Cruz. Alam kong nasa hospital din siya. Hindi ko alam kung ano ang ginawa nila bakit ganon nalang katagal na hindi gumising. Huminga ako ng malalim. Wala akong kasama sa kwarto ko. Hindi ko alam kung nasaan sila.





Tinanggal ko ang karayom na nakatusok pa sa'kin. Ayos na naman ako, nakapagpahinga na. Though, pagod ako mentally, ayos lang. Lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa nurse's station.



"Chris Dela Cruz." Aniko sa isang nurse. Naghanap naman siya.



"Ma'am it's room 201 po." Oh, katabi lang pala ng room ko. Natawa ako sa isiping 'yun.



"Thank you." I took a deep breath bago maglakad papunta sa kwarto ni Mr. Dela Cruz. Inhale, exhale. Saan na ba kasi si Kyle? Bakit niya naman ako iniwan dito? Tss. Nasa harap na ako ng kwarto ni Mr. Dela Cruz. At ito ako, hindi alam kung papasok ba o hindi. Kinakabahan ako. And finally, nabuksan ko na ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag nang nakapikit pa rin siya. Kasama niya si Blaize at Killian. Nandito rin si Kyle. Nandito sila lahat samantalang ako walang kasama. Pumasok na ako ng tuluyan. Napatingin silang lahat sa'kin. Nandito rin si mama at tita Gina.



"Love, why are you here?" love mo mukha mo! Inirapan ko siya at hindi pinansin. Dumeretso ako kay Killian at niyakap siya.



"Hi, baby. How are you?" tanong ko sa kaniya.



"No, mommy. How are you?" aww. Binalik niya sa'kin ang tanong.



"I'm okay baby. I'm okay." Ngumiti ako sa kaniya. Tiningnan ko si Blaize, dahil may namumuong luha sa mga mata niya. "Okay ka lang?" nakakunot noong tanong ko sa kaniya.





"Hindi lang ako makapaniwalang may anak kana tapos ako wala pa." hinampas ko naman siya. Natawa nalang ako. "Kidding, hindi lang ako makapaniwalang totoong kapatid pala talaga kita." Ngumiti lang ako at hindi na sumagot. Ako rin, hindi ako makapaniwala. Ni hindi sumagi sa isip ko na tatay ko pala si Mr. Dela Cruz. Hays. Napatingin ako kay Kyle na kanina pa nakatingin sa'kin. Inirapan ko lang siya. Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko.



"Hiramin ko lang si Blaire sandali." Hinila niya ako palabas at pumasok kami sa kwarto ko. "What's the problem, love? Are you mad at me? Why are you mad at me?" malambing niyang aniya. Akmang tatalikod ako pero hinigit niya ako at niyakap. Hindi pa rin ako nagsasalita. He tucked my hair in my ear. I feels heaven. Oh, my God! Para akong teenager na kinikilig. Pero hindi ko pinapakita. "Why, love?" hinalik halikan niya ang noo ko. Hindi ko na napigilang ngumiti. "You're smiling." Nakangiti ring aniya.



"Nakakainis ka kasi! Nandon kayo lahat samantalang ako dito walang kasama." Tampo ko kunyare kahit sa loob loob ko ay nakangiti pa rin ako.



"I'm so sorry. Sorry, love." Niyakap ko siya. Wala na rin naming magagawa. Hinalikan niya ako...sa labi. Woaah! Hinalikan ko rin siya pabalik. I can sense that he's smiling. Bigla kaming napapitlag ng may pumasok. Nagulat ako kaya napahiwalay ako pero nakayakap pa rin sa'kin si Kyke.



"Iw, that's gross. Are you two together na ba mom? Dad?" tanong ng anak namin. Medyo naiilang ako sa tanong ni Killian.



"Are we?" nakangiting tanong ni Kyle. Kay Killian ako nakatingin.



"Uhm... yes baby!" ngumiti ako kay Killian at lumabas na kami ni Killian sa room, iniwan namin si Kyle doon na speechless. Hinila ko na si Killian palabas ng kwarto. I finally said it! Ano pang rason bakit papatagalin pa diba? I mean, I love him. Pero agad napawi ang ngiti ko nang makapasok kami sa room ni Mr. Dela Cruz. Gising na siya at mukhang naguguluhan. 

Tiningnan ko si kuya and he just shrugged. Hinawakan ako ni Killian sa kamay at ngumiti siya sa'kin. Parang sinasabi niya sa akin na "You can do it, mommy!" aww. I am so proud of you son. 

"Why are you all here? Son, what's this?" tanong niya kay kuya pero hindi siya sumagot. "Where's my wife?" natameme kami sa tanong niya. Lalo na ako. Dahan dahan akong naglakad sa bed niya at dahan dahan ding umupo sa katabi niyang upuan. Hindi ako makapagsalita dahil inuunahan ako ng luha ko. Sakit sa lalamunan. Parang hindi ko kaya. Hindi ko na napigilan ang luha ko at tumakbo ako kay kuya at sinubsob ko ang mukha ko sa dibdib niya at umiyak ako ng umiyak. Hinahaplos ni kuya ang buhok ko at maya maya ay nagsasalita na si mama. Umiiyak siya habang nagbibitaw ng mga salita. Hindi pa rin ako tumigil sa kakaiyak. 

"W-What?" 'yun lang ang nasabi niya. "H-How come? Why did I know nothing? Why?" walang sumagot sa kaniya. Biglang may pumasok na doctor. 

"Sorry for interrupting you guys. I just want you to know that they give them pills for losing memory. That's why wala siyang maalala. I don't know what was the reason but 'yun po ang lumabas sa test result ng pasyente. Thank you. I have to go." napatingin ako kay Mr. Dela Cruz. 

"They gave you a memory pill? And you didn't know that?" tanong ko sa kaniya. 



"I don't know. Hindi ko naman alam na she can do such thing. I don't know." oh, my God. Sobrang nasasaktan ako para sa kaniya. Nalaman niya ang buong katotohanan, at nalaman pa niyang hindi niya anak ang tinuturing at minahal niya bilang isang anak. Lalo na at wala na rin ang asawa niya at anak niyang isa. Dahan dahan akong tumayo at naglakad papunta sa kaniya and I hugged him.


Sana maging okay na ang lahat. Gustong gusto ko na maging normal ang buhay ko. At ngayong masaya na ang love life ko, sana happy family na rin.




Last:))

I'm Inlove with my RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon