Chapter 15

167 11 0
                                    

Blaire's POV


Pagkarating namin sa bahay nila Ash ay dumeretso na kami papasok. Gusto ko na maligo. Nanlalagkit na 'ko. Ayoko kasi talaga sa ospital. Tapos naalala ko wala pala akong dalang damit.

"A-Ah Kiara, can I borrow some clothes of yours? Wala kasi akong dala. Biglaan kasi." sabi ko.


"Sure ate. Let's go." hinila niya ako papunta sa kwarto niya. Pagpasok namin agad din akong namangha. Ang ganda. Light and dark pink ang kulay. Ang ganda ng kulay. Ang laki ng kama niya. Parang kasya naman pala kaming tatlo dito. Pero baka hindi sanay si Luczielle sa siksikan. Kaya sa lapag nalang. Malaki naman at mukhang komportable. Ayos na 'yun. Pumunta si Kiara sa walk in closet niya at kumuha ng damit. Bigla namang pumasok si Luczielle.

"Hi, can I borrow some clothes?" sabi niya.

"Sure." sagot ni Kiara.

"You're room is cute but the color is so baduy. Why pink? It should be purple or blue." parang ang nakicringan siya. Ang cute kaya ng pink. Although black ang favorite color ko.

"Well magkaiba tayo ng taste. So shut the hell up." sabi ni Kiara.

"Kiara." nagbabanta ang boses ko. Hindi naman sa inaabuso ko kabaitan niya sa'kin pero hindi tama ginagawa niya. Mas matanda pa rin sa kaniya si Luczielle.

"Sorry ate." sabi niya at inabot niya sa'kin ang damit. Pati kay Luczielle.

"Thank you." sabay na sabi namin ni Luczielle.

"Maliligo lang ak--"

"Pwede ako muna? I want to take a bath na talaga eh. Nanlalagkit na'ko." tumango nalang ako. Pumasok na siya sa CR.

"I hate her. She's rude pala. I thought she's nice." naiiritang sabi ni Kiara.

"'Wag ganiyan. I think she's nice naman. Baka hindi lang talaga niya trip ang kulay ng kwarto mo. But it's cute, tho." sabi ko.

"Masyado kang mabait ate. Kahit medyo rude si Luczielle sinasabi mo pa ring nice siya." sabi niya.

"Alam mo kasi, hindi naman talaga ako mabait. Mabait ako sa taong mabait. Pero si Luczielle wala namang ginagawa. Hindi naman pwede 'yung magagalit nalang ako basta basta kahit wala siyang ginawang masama. Bad 'yun. Isa pa, girlfriend siya ng kuya mo. Dapat nirerespeto mo siya. Dahil kung hindi mo siya irerespeto, parang hindi mo na rin nirerespeto kuya mo. Magagalit sayo 'yun. Gusto mo bang magalit kuya mo sayo?" umiling lang siya.

"Ah basta ate, I hate her. I don't know kung saan ito nanggaling pero 'yun ang nararamadaman ko sa kaniya." sabi pa niya. Nakakunot ang noo. Hindi ko na siya pinansin dahil lumabas na si Luczielle.

Mabilis lang din ako naligo dahil ang lamig ng tubig. Sumunod naman sa'kin si Kiara. Hinintay ko muna siya bago kami lumabas para kumain. Nauna na si Mare. Si Mareng Luczielle.

Pagkalabas namin nakaupo na silang lahat sa dining. Kami nalang ni Kiara ang hinihintay.



Kyle's POV

Napatingin kaming lahat kila Kiara at Blaire. She's wearing pink sando and pink shorts. God! Ngayon ko lang siya nakitang magsando. Sa apartment namin lagi siyang naka oversize t-shirt. Ang puti pa niya. God! It was like I'm drooling. Grr. I should stop. May girlfriend na 'ko.


"Babe, let's eat na." sabi ng katabi ko. Si Luczielle.


"Later dear, let us pray muna." sabi ni mommy.


I'm Inlove with my RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon