A/N: I will write this in Third person or narration, pero siguro may iilang chapters ako na gagawing first person ang POV.
Enjoy reading!
*****
PROLOGUE
SERAPHIEL let out a deep sigh as she steps out of the plane. Tiningnan niyang mabuti ang paligid ng lupang tinatapakan niya. It did change, sa isip niya. Well ilang taon rin siyang pabalik-balik from New York to Italy dahil sa trabaho kaya hindi naman siya mahihirapan kung mag settle muna siya dito sa Pilipinas para narin sa request ng tatay niya.
That old hag!
Sa isip niya ay nakikita niya ang sarili na sinisermonan ang tatay niya dahil pinilit siyang pauwiin sa bansang ito. Never na kasing sumagi sa isip niya na bumalik dito. She doesn't have any good memory left in this country.
Kinuha niya na ang luggage niya at pinalibot ang mata. Nasaan na ba ang sundo niya? Sinabi ng tatay niya na mayroong susundo sa kanya para maihatid siya sa condo unit na pinabili niya. But she has been standing and roaming around for minutes already.
"Seffy!!!"
Napatakip siya ng mukha sa narinig niya. There's only one guy that calls her like that. Gusto niyang sapakin nalang ito kaso gagawa pa siya ng eksena dito sa airport. Tiningnan niya kung saan nagmula ang sigaw at halos gusto niya ng magpakain sa lupa dahil may malaking karatola itong dala at nakasulat doon ang pangalan niya.
"Stop calling me that. It's disgusting" sabi niya at inabot ang gamit dito. "At fudge Raphael! Nakakahiya ka! Bakit may ganito ka pang pakulo?!" Tuloy tuloy naman siyang naglakad para makaalis na doon. Nakakahiya.
Tinanggal naman ng lalaki ang shades nito at sunundan siya. "What? Wala man lang welcome hug? A thank you perhaps? Kasi sinundo kita rito kahit busy ako?"
"You're not busy Raphael. Sabi ni Dad ilang araw ka ng day off at hindi nagpapakita sa Hospital." Tumigil siya at hinarap ang kapatid. Yes, her brother, twin brother to be exact. Bumibisita naman ito sa kanya either in New York or Italy. Pinapaalis nga lang niya agad dahil ginagawa siyang personal chaperone nito. Because everytime na nagpupunta ito doon ang ending ay susunduin niya ito sa mga clubs na pinupuntahan.
"But I'm still working at home. Hindi nga lang ako nagpapakita kay Dad. You see, iniiwasan ko nga siya. Bakit kasi hindi ka nalang sa bahay tumira at may condo ka pang binili?" Inayos nito ang luggage niya bago sila sumakay sa sasakyan nito.
Dinaanan muna nila ang kotseng gagamitin niya habang nandito sa bansa. Umupo sila sa bench doon habang naghihintay.
"I know he'll ask some favor kaya pinauwi niya ako. Kung nasa bahay ako kukulitin niya lang ako lalo. Kakausapin ko lang siya sa office niya in that way hindi niya ko makukulit ng sobra. Plus gusto ko magtatrabaho sa hospital" it would be easy access for her there. Hindi niya rin kailangan mag travel sa ibang bansa habang nandito, instant vacation.
"That's why iniiwasan ko siya. He is asking a favor pero bago ko pa malaman I go MIA on him. Pero dumating ka and that's a surprise, akala ko ayaw mo na bumalik-" she stopped him from talking. "Don't go there, hindi ako bumalik para pag-usapan yan"
It's been what? 6 years? Pero hindi parin maalis sa isipan niya ang pangyayaring iyon. She dreams of it every single night. It replays on her mind. Naging bato ang puso niya dahil doon.
"I know that. But are you sure you're fine? We both know..." hinawakan nito ang kamay. "What if..."
"Hey twin, we are all waiting for that time to come pero wag muna ngayon. I mean, handa naman ako eh, you don't have to worry too much. Just spend time with me, you and Dad" ngumiti siya ng pilit para ipakitang ayos lang siya. She won't show any sign of weakness to anyone.
BINABASA MO ANG
Walking in Time (Soldiers Series #1)
General FictionSeraphiel Ann is reliving the worst nightmare she had over the past years. An accident that bombarded not only her resting peace of mind but also her whole family. She lost two of the most special persons in her life. It wasn't easy. Nagkaroon siya...