CHAPTER 3

34 1 0
                                    

SERAPHIEL

That dinner was the worst. Why do they have to ask about that? Pagkatapos kong umalis doon ay nagkulong ako sa cabin ko. I was crying until Raphael showed up to comfort me. I still can't forget about it.

I'm such a weak person.

"Hey stop crying" Raphael hugged me. He never shows affection too much but whenever I cry he will always be soft.

"I still can't...I still fvcking remember everything that happened. I even dream about it" I cried in his shoulder.

"You think that was rude of me to walk out just like that?" I asked him.

"Well nagpaalam ka naman diba? At maiintindihan naman siguro nila. Lax was there to explain things." He said.

"But..."

"It's ok. You'll get through all of this. Nandito lang ako. Anjan si Dad. You still have friends. So stop crying now and sleep. You need to rest." Raphael tucked me in bed before leaving. But I still can't sleep.

I let my emotions run me down again. And I shouldn't let that happen again. Wag kang bibigay self.

MY SLEEP was not comforting enough to forget last nights dinner. Kaya maaga akong pumunta sa tent na inassign saakin. Magiging busy nalang ako para mawala sa isip ko iyon.

"Doc. Ann, ito po yung medical files ng mga sundalo na gusto mag undergo ng consulting at therapy." Nag-abot naman saakin ng mga papel ang assistant na kinuha ko. I only hired two of them kasi wala naman talagang masyadong trabaho para saakin dito. I don't really know why my father thought I would be of any help here. Nagmumukha akong display dito.

Raphael is in the kitchen. Nag supervise siya sa cook doon para magbigay ng proper diet sa mga sundalo. After that sa medical team siya pupunta para sa physical exams. He's being busy tapos andito ako hindi alam kung ano ba talagang silbi.

"Uhm, pwede muna kayo mag break wala naman tayong trabaho ngayon. Kung gusto niyo ay tumulong nalang muna kayo sa pag set up ng ibang medical facilities. Wala muna rin akong tatanggaping kliyente ngayon" ang totoo gusto ko lang talaga mapag-isa. I was scanning the papers when I saw Laxelles's form. Gusto ba talaga nitong magpa-consult or mangungulit lang ito sa kanya?

Without taking my eyes of the papers naramdaman kong may pumasok sa tent. "Aya, I told you wala munang kliyente ngayong araw"

"But I'm an important client" sabi ng isang baritonong boses. I recognized his voice. It's the soldier from the dinner last night.

"Who says you're important?" Tanong ko dito pero hindi ko parin inaalis ang mata sa mga papeles.

"My family?"

"Good for you" sabi ko nalang sa kanya. Why is he even here? Diba at dapat nandoon siya kasama mag training ng ibang sundalo. Nagsasayang lang siya ng oras dito. Is this a new way of starting a conversation? Wala na ba itong ibang pagkakaabalahan.

Tumayo ako para mag-ayos pa ng ibang gamit doon. But he held my hand to make me face him.

"Look, I just want to say sorry for what I've said wrong last night" he has piercing dark eyes, tall nose, toned jaw, yeah he has dark circles under his eye pero nakadagdag lang iyon sa pagka-mapungay ng mata niya, he even have perfect eyebrows and lashes na kahit yung ibang babae ay mahihiya. This look is illegal! And why am I even checking him out!

"Oh you don't need to. Freedom of speech, I understand" tinalukaran ko na siya bago pa ulit ako matulala. Damn that was so wrong.

"You're not much of a talker type huh?" Umupo naman siya sa patients chair. He's just there looking at me. "But that's your line of work. Communication. Nakikipag-usap ka sa mga problemadong tao-" I cut him off.

"Like you said. In work. Wala naman akong pasyente ngayon at hindi naman kita pasyente para kausapin." At anong ibig sabihin niya sa Talker type? Sa pagkakatanda ko dalagang pilipina ang tipo nito.

"Is Vice admiral Ramirez one of your patients kaya mo siya kinakausap?" Well technically out of the question iyon pero nagpasa ng medical form sa kanya si Lax so...

"Yes. He did make arrangements to be my client" pumunta naman ako sa lamesa ko para ayusin iyon. Aalis na ako. Nakakabaliw kasama ang isang toh.

"Should I make mine too?" Tanong niya ng nakatingin saakin. Natawa naman ako. "What? Is there something bothering you lately?" Tinanong ko siya na para bang totoong nagcoconsult.

"Yeah. Pero hindi ata makakatulong kung sayo ako lalapit" kumunot naman ang noo ko. Is he saying I'm not good enough for the job? Naglakad na ako papalabas ng tent. I can't stand him.

"Cause it's you who's bothering me Doc"

Napatigil naman ako at tumingin sa kanya. He looks like someone who needs comforting. "Ooh. That was smooth. But your not getting me with that simple trick soldier" kung ibang babae pa siguro ay madadala sa sinabi niya. Naglakad nalang ulit ako. Maraming sundalo ang nasa field ang iba naman ay nasa dagat at mga topless. Well halos lahat naman ata ng sundalo na nakikita ko ay naka topless.

I was walking again when I happen to pass by a bridge. It's made of wood and steel bars, and a rope in each side. Mukhang bagong gawa? Pero anong meron sa kabilang isla? Wala namang nabanggit saakin si Aven tungkol don.

Pero parang pamilyar...or I might be just imagining things. Matagal nga naman akong wala dito sa Pilipinas, baka naninibago lang ako sa mga ganitong bagay.

Napalingon naman ako sa narinig kong ingay.

"67...68...69...70! Soldiers keep it going!" Nakakabingi ang buo at malakas na sigaw ng isang iyon. That's the Lieut. General ng Army. Ofcourse I'd remember him, matalas din ang dila ng isang ito. Ngumiti naman ito sa kaniya. Dimples. Napatitig siya doon.

"Hi Doc!" Bati nito sa kaniya. Hindi naman sila close kaya bakit ko siya babatiin pabalik. "May hinahanap ka ba Doc? Kung gusto mo ay ililibot nalang kita" masaya nitong paanyaya.

"Nah. I'm just observing. Look, may hand tremor ang isang iyon, hindi mo siya dapat ilagay sa ganyang shooting position. Help him to find a comfortable phase" sabi ko sa kaniya. Behavior is really important in work. And I like to observe my surroundings.

"Thanks Doc! Iaadvice ko yan sa kanya. By the way, nagkita na ba kayo ni Lanze?" He ask. "I mean yung sundalo kagabi na...ano...you know..."

This one's friendly.

"Nagkita kami kanina" natulala naman siya sa sinabi ko. Lumaki pa ang mga mata niya. Is that even shocking?

"Woah! Talaga? Ambilis niya talaga sir! Grabe! Alam mo kasi Doc, type pa naman kita kaso-" napatigil siya sa pagsasalita ng may sumigaw. Kahit ako nagulat doon. Tinalo pa ang megaphone eh.

"LIEUTENANT GENERAL VILLEGAZ!"

"Oh so Villegaz na ngayon? Dude! Thought we're friends! Your my bestfriend" the soldier is whining as if a girl rejected him calling by his first name. Tumingin naman siya bigla saakin at napatango na parang may na solve siyang krimen.

Nakita namin ang papalapit at nakasimangot na sundalo. He is here again. Natawa naman itong katabi ko. May mga sinto rin palang sundalo katulad niya.

"Anong ginagawa mo?" Tanong nito kay Villegaz. That's what I heard. Sa pagkakatanda ko Alexander ata ang pangalan nito.

"What? Nakipag-usap saakin si Doc. Diba?" Humarap naman silang dalawa saakin. "Uh, yeah. Alexander right? Gusto ko pumunta sa medic area saan ba ang daan?"

"You know my name? Cool. See? Naalala niya ang pangalan ko. So Doc-"

"Sasamahan nalang kita doon" pero hindi ko siya pinansin. "I'm not asking you" lalo namang lumakas ang tawa nito ni Villegaz.

"So ayun nga Doc. Just straight ahead beside the main office cabin near the kitchen hall." Nagpasalamat naman ako sa kanya at nagsimula ng maglakad. Narinig ko pa siyang sumigaw.

"Take care!" Tinaas ko lang ang kanang kamay ko to let him know that I'll be fine. Kaso sumigaw siya ulit.

"Galing nga pala yon sa Lieutenant general ng air force Doc!"

*****

Maikli lang today babawi ako next chapter! Labyu alls!

Walking in Time (Soldiers Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon