Kabanata DALAWA

56 28 0
                                    

Nagising ako sa isang malambot na kama na hinihigaan ko. Napabalikwas ako na kinakabahan kung nasaan ako,nilibot ko kabuuan ng kwarto sa bandang kanan ay may logo ng trinity mayroon itong diamond na may lion sa gitna na kulay gold. Sa kaliwa naman ay bookshelf at kung ano ano pa. May napansin ako sa gilid na may isang litrato, pinagmasdan ko ito may isang barkada na tilay masaya sila.

Narinig kong may tao sa labas humiga ulit ako na nagpanggap na kagigising ko lang.

"Gising kana pala"sabi nito na nakangiti.

Pumasok ang isang ginang na kaedad lang ni mama may dala siyang pagkain at inilapag sa tabi ko.

"Sino kayo? Nasan ako"sabi ko na may halong takot.

"Ako nga pala si Francia ang isang namamahala ng school na ito"sabi nito.

"Ibig sabihin po nasa Trinity na ako"sabi ko.

"Oo, dinala ka dito ng isang estudyante ko, buti naman nakaligtas ka Diane"sabi nito.

"Kilala niyo po ako?"gulat kong sabi.

"Oo, kamukhang kamukha ka ng iyong ina, ganyan din itsura niya noon dalaga pa siya"saad nito.

"Bakit niyo po kilala si mama"sabi ko.

"Noon kasi magkaibigan kami ng iyong ina, dito rin siya nag-aral hanggang sa nakapagtapos kami, Ang iyong ina ay nagkaroon ng nobyo sa labas pero hindi namin siya katulad, sa kampon ng kalaban ang minahal niya sumanib sa amin ang iyong ama dahil sa iyong ina at tinalikuran niya ang kinabibilangan niya, hanggang sa may narinig kami na may mga nagbabagsakan na apoy sa Trinity hudyat na may gyera na paparating. Nakipaglaban ang iyong ama hanggang sa napatay siya ito ng kanyang kapatid, hindi alam ng iyong ina na may buhay sa sinapupunan niya at ikaw yun. Nakita kong lumapit ito sa iyong ama na balak pagalingin pero ang kanyang katawan ay nanghihina na. Tinulungan ko ang iyong ina at kinuha ang bangkay ng iyong ama, pero hindi namin ito naibalik sa dati, inilibing namin ito sa likod ng Trinity. Nakita kong paano nagluksa ang iyong ina sa pagkawala ng iyong ama.Hanggang sa dumating ang mga araw na lumalaki ang kanyang tyan at ipinanganak kana. Nawalan na ako ng balita simula nun umalis siya dito at pinili niyang mamuhay na ordinaryong tao."Sabi nito na nakatingin sa kawalan at nakangiti.

Hindi ko namamalayan na tumutulo na luha ko. Ni minsan hindi naikwento sa akin lahat tungkol sa tatay ko, kapag nagtatanong ako sa kanya iniiba niya ang usapan.

"Maraming salamat po ito pala yun sinasabi ni mama na malalaman ko din lahat,napatay po siya habang papunta kami dito"umiiyak na sabi ko.

"Nakikiramay ako sa nangyari,naramdaman ko kayo ng iyong ina at ang kanyang kapangyarihan sa di kalayuan kaya't nagpalabas ako ng isang estudyante para matukoy kung anong nangyayari sa labas, Kumain ka muna at magpahinga lalabas muna ako."sabi nito na pinunasan ang kanya luha.

"Salamat po"sabi ko.

Nang lumabas na ito, nagsimula na akong kumain, isa itong napakasarap na tila'y mamahalin ni minsan hindi ko naranasan ang ganitong pagkain. Binilisan kona kumain pagkalapag ko sa table may lumulutang sa ere na mga damit na may nakasulat na "gamitin mo ito bukas" nawala rin ito at bumagsak ito sa kama.

Kinuha ko ito , isa siyang uniporme ng trinity ang blouse ay kulay red na may logo, ang pangbaba naman ay palda na sakto lang hanggang tuhod may isang kahon na kasama ang laman ay sandals na maroon, tila'y mamahalin dahil sa mga brilyante nito. Sinukat ko ito nagkasya naman sa aking paa.

Napagdisyunan kong maligo muna, bumukas ang cabinet na walang laman, pagkakurap ko ay nagkalaman na ito,  kinusot ko muna ang aking mata kung totoo ba at katulad rin kanina ay may nakasulat sa gilid na "iyo lahat yan" hanggang sa nawala din ito.

Pagkatapos ko maligo at magbihis, mayroon balcony ang kwarto na ito pumunta ako para makita ko ang kabuaan ng palasyo at nagpahangin.

Tanaw na tanaw ko dito ang isang bayan kung saan ako tumira, Naalala ko ang aking ina, tumingala ako sa kalangitan ng may dumaan na shooting star.

"Sana masaya na siya sa langit" nagsimula na naman umagos ang aking luha kasabay ng pag-agos ng ulan.

Tila ba'y nakikisama ang ulan sa aking pagdadalamhati, pumasok na ako sa loob,humiga na ako sa kama kinuha ko ang kumot para magtaklob  at umiyak ng umiyak hanggang sa nakatulog na ako.

______________________________________Disclaimer
⚠Copying of my works without author's permission is strictly prohibited.

Trinity AcademyWhere stories live. Discover now