Kabanata LABING-PITO

3 0 0
                                    

Pagkatapos namin kumain hindi parin maalis sa akin isipan ang sinabi ni Summer. Napatulala ako ng sandali. Kung sakaling tama ang hinala ko may tyansa kaya ako mapaamo to.

Tumingin ako kay Summer habang naglalakad. May mga estudyanteng tila'y nagtataka kung bakit hindi nako nakabihis pang katulong. Ang iba naman ay masama tumingin sanay nako araw-araw sa kanila.

Nag-paalam ako kay Summer na may dadaanan lang ako sandali. Kahit ako'y kinakabahan pinagpatuloy ko parin ng nandito nako sa tapat ng pintuan ng ginang. Wala ng atrasan to at pinihit ko pabukas.

Pagkapasok ko nakita ko si Ma'am Francia nakatalikod sakin. Mukhang may ginagawa ito. Nang isinarado ko ang pintuan tsaka lang to lumingon sa gawi ko.

"Ikaw pala iha, maupo ka"sabi nito sabay niligpit ang papel.

Sinunod ko ang kanyang utos, ang ngipin ko ay nanginginig sa kaba pero hindi ko to ipinahalata sa ginang.

"Natapos mo na ba ang iyong ginagawa, sana'y hindi na maulit pa"panimula nito.

"Opo Ma'am katatapos lang po namin ni Summer, paumanhin po sa aking nagawa"nahihiyang sabi ko.

Tumango ito"Bakit ka naparito, ano ang iyong sadya"tanong nito.

Ang mga daliri ko ay nanginginig sa kaba"Naparito po ako dahil hihinge po ako sa inyo ng permiso kung papayagan niyo ako makapasok ulit sa Ferio"kabang tanong ko.

Ang pagkakabigkas ko ay paputol putol. Hindi ko alam kung bakit na gusto kong gawin ulit kahit may nagawa ako kahapon. 

Tumitig sa akin ang ginang"Bakit gusto mong makita ang nasa loob"seryosong sabi nito.

Ang mga daliri ko ay pinaglalaruan ko sa ilalim ng lamesa. Kanina lang ang pawis ko ay walang tumutulo pero ngayon nagsisitakbuhan sila sa bilis.

"Gusto ko po malaman kung bakit ko nahawakan ng hindi ako sinasaktan, kagabi po kasi may narinig akong ingay mula doon pero biglang nawala rin ito"sabi ko.

Sa sinabi ko hindi man lang ito nagawang ibahin ang kanyang tingin"Ang dragon na nakita mo ay sa iyong ama, siya lang nakakapagcontrol dito pero nun lumisan ito nagsimula magwala ang kanyang alaga, kaya ikinulong namin ito upang wala mabiktima. "kwento nito.

Napamangha ako sa aking narinig, tila'y nakaramdam ako ng lungkot nun banggitin nito ang aking ama.

Hinawakan nito ang aking kamay at tumingin ako sa kanya"Ilan beses namin sinubukan paamuhin ito ngunit ni isa walang nag-tagumpay, ilan dekada na nakakalipas, noon sinabi sakin ni Feliz ang nangyari kahapon tila'y alam na namin ang sagot, maaaring ikaw ang magpapaamo sa kanya,"nakangiting sabi nito.

"Sa ngayon iha, sa susunod na araw ipapadala kita dun pero hindi muna ngayon"dagdag nito.

Naiintindihan ko ang sinabi ng ginang sa akin. Tumango ako at ngumiti"Nauunawaan ko po, mauna na po ako salamat"sabi ko sabay tayo.

Pagkaalis ko sa silid nayun, pagkaharap ko nakita ko si Blake sa aking harapan, ang amin pagitan ay kaunti galaw ko ay mahahalikan nako.

Tinulak ko siya ng mahina para lumayo"Ano ba bakit kaba nandyan"nauutal na sabi ko.

Ngumisi ito "May ginawa ka na naman kalokohan ano kaya ka pinapunta jan"sabi nito.

Ano ba pinagsasabi ng mokong nato, tinaasan ko siya ng kilay"Wala ha, tsaka may importante lang ako sinabi"sabi ko habnag nakapameywang.

Tinaasan rin ako ng kilay, ano ba nangyayari dito, ang lakas ng topak ng lalaking ito. "Talaga"sabi nito sabay lapit ng mukha sakin.

Naduduling ako sa ginawa niya. Kinakabahan ako dahil baka may makakita sa amin guro. Ayaw ko ng dagdagan pa ang aking kasalanan.

Trinity AcademyWhere stories live. Discover now