Kabanata LIMA

34 14 0
                                    

Noong gabing iyon hindi ko maiwasan mag-alala kay Hiro, pagkatapos namin maglaban hindi ko na siya nakitang sumabay sa dining hall.

Nakatanaw ako sa balcony kung saan makikita mo ang ibon na umaawit, mga isdang naglalangoy at mga taong nakatambay sa fountain.

Tumingin ako sa direksyon kung saan ang dungeon na nakatayo, isang maze na may halimaw na kailangan mong makatakas, kailangan mo rin mahanap ang isang baso na may laman na tubig na nagsisilbing pwede kang pagalingin nito. Marami ng sumubok sa larong ito pero ni isa walang nagtagumpay.

May kumakatok sa pintuan , tumingin ako sa aking palad sabay may lumabas na tubig, ginawa ko itong kamay na ibinato ko sa may lock ng pintuan upang mabuksan.

Tumambad sa akin si Summer na may dalang damit.

"Pasok"sabi ko.

"Hello Diane, may biglaan event na gaganapin kaya nagtanong ako kay Sir Travis kung saan ang iyong kwarto at dinalhan kita ng damit."sabi nito na nakangiti sabay baba ng kanyang dala.

Tube dress, kulay black ito hanggang tuhod may glitters na nakapalibot dito na kulay gold nagbibigay ganda sa damit na ito.

" Salamat pero hindi ako makakasama"sabi ko na nakayuko.

"Bakit? Mahalagang pumunta ka, pag-isipan mo ng mabuti, Maiwan na muna kita may dadaanan pa ako "sabay alis nito.

Nakaalis na si Summer, pinasadahan ko ng tingin ang damit, pumunta ako sa harap ng salamin kung babagay ba ito sa akin.

Tumingin ako sa orasan sabay baba ng damit sa couch, oras na pala para mag-almusal, napagdisisyon ko na hindi ako kakain at wala akong gana.

Pagkahiga ko sa kama sabay nakatulog na ako. Lumipas ang oras hindi namamalayan ni Diane ay hating-gabi na.

Naalimpungatan ako may natapik sa akin, isang nalipad na pakpak naglaho rin ito.

Nakatulala ako sa kisame, napapaisip ako kung dadalo ba ako o hindi, dahil hindi naman ako kabilang sa kanila. Pero nagpasya na rin ako pumunta at naligo na.

Pagkatapos kong magbihis,humarap ako sa salamin at umikot ikot, bagay lang ito sa aking katawan, hapit ito sa akin na lumabas ang aking cleavage. Kinuha ko ang hikaw sa lamesa, ang design nito ay star nagkikintaban sa dilim at sinuot ko ito.

Bago ako umalis sa kwarto sinigurado ko muna nakalock ito.
Naglalakad ako sa hallway ng nakita ko si Summer sa di kalayuan, nakasuot ito long dress kulay maroon bumagay naman ito sa kanya. Ang ibang mga estudyante ay busy sa pakikipag-usap sa kaibigan nila ang iba naman ay nakaupo na tila'y napilitan lang pumunta.

Nang lumapit ako kay Summer ay nagbeso ito sa akin.

"Wow you look sexy, sakto lang pala sayo akala ko hindi ka na sisipot."sabi nito habang pinasadahan ako ng tingin.

"Salamat summer"nahihiyang kong sabi.

May nagsalita sa unahan na si Sir Mavis, pumunta na kami sa kanya kanyang table at umupo.

"Good evening, Ladies and Gentlemen , Please welcome the birthday celebrant Miss Francia De LaPaz  "sabi nito sabay pumalakpak ang lahat.

Naglakad si Ma'am Francia sa unahan na may kasamang lalaki, kasing edad lang namin ito, maganda ang pangangatawan ang mata niya ay parang mansanas na kulay apple green, may peklat ito sa pisngi dumagdag naman sa kanyang kagwapuhan.

"Thank you, Nice to meet you everyone, Natutuwa akong nandito kayong lahat wala na akong hihilingin pa"sabi ni Ma'am Francia.

Itinuro ni Ma'am Francia ang lalaking katabi nito.
"Siya ay bagong student sana turuan niyo siya ng itinuro namin sa inyo hindi ko na papahabain pa simulan na ang kasiyahan"sabi nito sabay taas ng wine glass.

Kinuha namin ang Wine glass itinaas namin sa ere sabay nilagok ng tuwid.

Gumuhit ito sa aking lalamunan dahil hindi pa ako nakakatikim nito, Katabi ko si Summer parang wala lang sa kanyang ang alak, tumugtog na ang musikang pang-sayaw. Ang ibang estudyante ay nasa dance floor nagsasayaw, May lumapit kay Summer na lalaki para yayain ito. Mag-isa lang ako nakaupo habang nanunuod, Kitang kita mo ang kasiyahan ng bawat isa,
Nagsimula ako magsalin ng alak at nilagok ito hindi kona mabilang kung ilan tagay na.Luminga-linga ako sa palagid para hanapin si Hiro pero wala akong nakita.

Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa harapan ko. "Pwede ba kita maisayaw magandang binibini"sabi nito na nakalahad ang kanyang kamay.

Maraming nakatingin sa aming direksyon, ang iba naman ay naiinggit sa nangyayari, Naghihintay ang lalaking pinakilala kanina ni Ma'am Francia.

Walang ano-ano pa ay tinanggap ko iyon at naglakad sa dance floor. Ang tugtog na masaya kanina ay tila'y naging slow, Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa batok niya, siya naman ay hinawakan ako sa may bewang.

Nayuko ako habang nag-sasayaw dahil ang mga mata ng lahat sa aming nakatingin.

"Ang ganda mo pa naman kung nakayuko ka lang"sabi nito na nakangiti.

Tumunghay ako at tumingin sa mata niyang direstyo, ang paningin ko ay naikot dahil sa epekto ng alak.

"Bakit ako nilapitan mo?"Sabi ko dito.

Lumapit ito sa akin na tilay mahahalikan na, bumulong ito sa aking tenga, ramdam ko ang kanyang hininga na nakakapagkiliti sa aking pagkatao.
"Ang isang kagaya mong babaeng maganda hindi binabalewala sa isang tabi, kaya niyaya kita"sabi nito na may halong landi.

Lumayo ako ng kaunti sa kanyang ginawa, wala akong naisagot sa kanyang sinabi, Tumawa sa akin si Blake ang mga mata nito ay tila'y nanghihigop. Matagal kaming sumayaw sa dance floor.

"Excuse me pwedeng ako naman"sabi ni Hiro.

Napatingin ako sa kanya,ang mata niya ay nakatingin sa akin, ang suot niyang tuxedo na puti ay bumagay sa kaniya, buhok niya ay bagsak lalo itong gumwapo.

Bago umalis si Blake nakita kong paano ito nagsmirk kay hiro at iniwan na kami.

Kinuha ni Hiro ang aking kamay at nilagay niya ito sa kanyang batok, Nilagay naman niya ang kamay sa aking bewang, Sumabay na kami sa indayo ng tugtog.

Pinasadahan ko siya ng tingin sa mukha,may peklat ito sa noo.

"Anong nangyari diyan"tanong ko.

Tumingin siya sa akin mata, wala akong narinig sa kanyang sagot.

"May nangyari ba?tanong ko ulit.

"May mission lang pinapatapos sa akin kaya ako nasugatan"sabi nito na parang napilitan lang sumagot.

Naramdaman ko na sumasakit ang aking ulo, pumikit ako ng mariin para mawala ang sakit pero pagmulat ko ang aking paligid ay nagdidilim.

Nakita ko si Hiro na nagtataka sa akin, bago ako mawalan ng malay, nasalo kaagad ako ni Hiro.

Trinity AcademyWhere stories live. Discover now