Kabanata LABING-APAT

8 2 0
                                    

Pagkagising ko, niligpit ko ang kumot at unan. Pumunta ako sa cabinet para isuot ang kwintas. Pumasok nako sa banyo upang maligo pagkatapos magbihis ay lumabas nako.

Nakita ko si Summer humihikab inaantok pa to, lumapit ako sa kanya tumaas ang kanyang kilay"Kakainis ka Diane naudlot tuloy"sabi nito habang pumapadyak sa sahig.

Natatawa ako sa kanyang ginagawa, ang cute para siyang bata. "Sorry "natatawang sabi ko.

Naglalakad na kami, kay ganda ng umaga para sa akin. Ibang estudyante nakatingin sa akin. Sanay nako kung araw araw ba naman sila lagi nakatingin sa maganda kong mukha.
Nang nasa dining hall na kami. Luminga linga ako sa paligid para hanapin si Hiro ngunit mukhang hindi to sumabay samin mag-almusal.

Naalala ko kagabi masayang nagkwekwentuhan. Magaan ang pakiramdam ko sa kanya.

Nang sasandok sana ako ng sabaw kasabay rin may humawak sa panandok. Dumiin ang pagkakahawak nito. Nasasaktan ako na hindi ko pinapahalata sa lahat.

Tumingin ako kay Pauleen na masama kung makatitig. Ano na naman ba ang palabas niya. Iniiwasan ko siya kung maaari.

Nagsalita si Tom ng bitawan niya agad ang aking kamay"Dito kana kumuha marami pa oh"nakangiting sabi nito.

Binaling ang tingin ni Pauleen kay Tom at ngumiti ng pagkakatamis.
"Salamat babe"sabi nito.

Parang kahapon lang ay magka-away ngayon ay halos langgamin sila.

Ang plastik ng babae nato, kung humarap sa akin parang lion pero kapag kaharap ang iba akala moy anghel. Pisting yawa.

Pinagpatuloy ko lang ang pagkain, humarap si Summer sa gawi ko"Diane"bulong nito.

Lumingon ako sa kanyang nagtataka"Ano" pabulong kong tugon.

"Gusto mo ba makita ang Abyss" sabi nito nakangiti.

Hindi ka pwede pumunta sa Abyss lalo na't wala kang permiso. Ano kaya naisip ng bruhang ito. Nililito ang aking isipan, gusto kong pumunta para makita ko ang kabuaan pero may nagsasabing bawal. Napagdisisyunan kong sasama ako kahit delikado.

Tumango ako kay Summer. Ngumiti ito ng malapad at kumain na ulit kami.

Nang natapos na kami. Naglalakad kami ng nakasalubong namin si Blake. Hindi kami nagpahalata. Tumingin ako sa kanya sabay kindat nito sa akin. Inis akong umiwas habang naglalakad.

Dumaan kami sa may tapat ng Maze at lumiko sa kaliwa. Tumigil kami sa madilim na lugar. Mayroon bato nakatayo nababalot ito ng kapangyarihan. May liwanag dito mababasa mo ang nakaukit Abyss.

Nagsimula manginig ang aking tuhod. Kinakabahan ako hindi ko pinahalata kay Summer. Wala ng atrasan to dahil nandito na kami.

Nakita kong naglabas ng susi si Summer sabay lumiwanag ang bato. Bumakas ito ng kanyang at nagsimula humakbang papasok.

Napatingin ako sa paligid habang naglalakad, may sinding kahoy na nakadikit sa dingding siyang nagbibigay ng liwanag. Maraming paniking naliliparan, ang lupang inaapakan namin ay malumot. May gitak-gitak ang bawat pasilyo.

Tila'y nakaramdam ako ng kaba ng nasa kalagitnaan kami habang naglalakad. Nang huminto kami sa malaking pintuan. Nagbukas ito at tumambad sa amin ang maraming kwarto.

"Dahan dahan ka lang baka marinig tayo, kapag may narinig sila ang mga tao sa kwarto ay mangangalampag ng pintuan at malalaman ng nagbabantay may tao rito"bulong nito.

Tumango ako sa kanya.

May naririnig ako may tao sa bawat kwartong ito dahil may speaker sa labas, Meron lalaking sumisigaw, umiiyak at natutulog.

Trinity AcademyWhere stories live. Discover now