Kabanata APAT

59 28 0
                                    

Gumising ako ng maaga para makapaglibot sa trinity naligo muna ako bago lumabas, sa akin paglilibot pumunta ako sa likod kung saan nakaburol ang aking ama, sa paghahanap ko nakita ko ito , nakaukit ang kanyang pangalan sa gold na lapida, Wenz Cruz November 10, 2030 - April 1, 2055 RIP.

"Hindi man lang kita nayakap at naabutan lumaki kasama ni mama, alam mo ba pa pinalaki ako ni mama na maayos at may takot sa panginoon. Pero namatay rin si mama ng may naghahabol sa amin papunta dito sa trinity"sabi ko habang umiiyak na parang bata.

Bumalik na naman sa akin ang ala-alang nangyari sa amin ni mama parang ito ay isang bangungot na hindi ko malilimutan hanggang sa pagtanda.

Tumingin ako sa kalangitan at pumikit na mariin naramdaman ko nalang na umuulan sabay sa pag-agos ng aking luha.

Bago pa ako mabasa tumayo na ako, pinunasan ko muna ang aking luha bago pumunta sa dining hall. Tumunog ang isang malaking orasan hudyat na mag-aalmusal na.

Umupo na ako sa isang sulok, ang mga estudyanteng paparating ay parang kagigising lang ang iba naman ay bagong ligo. Nagsiupuan na ang lahat.

Dumating ang mga Head ng Trinity, nandito sila Sir Mavis, Butler, Ma'am Francia at iba pang namamahala.

"Announcement!" Sigaw ni Sir Mavis.

Nagsilingunan ang lahat.

"Ngayon araw na ito ay magkakaroon kayo by group, ang isang grupo ay sa dungeon mag training at ang isa naman ay sa training room lang,"sabi nito sabay ayos sa salamin.

Ang mga estudyante ay sumang-ayon sa binalita.

"Si Sir Travis ang makakasama niyo sa dungeon, babanggitin  ang mga pangalan ng magkakasama,"sabi ni Sir Mavis.

Si Sir Travis ay nakasuot ng coat kulay gold , matangkad ito kumpara kay Sir Mavis. Ang kanyang mata ay kulay berde.

" Elenor , Ryan , Peter , Yuan , Lance , Justin , Aira, Ivan, Quin , Wendel at si Elizabeth" sabi ni Sir Travis.

"Sa training room ay si Dwayne, Tom, Victor, Axiel, Diane , Summer , Alyana, Alyza , Rachel, Richie and Hiro ako ang makakasama ninyo"sabi ni Sir Mavis.

"At sa ibang naiwan ay magpapahinga muna kayo."sabi ni Ma'am Francia.

Maraming sumang-ayon ang iba naman ay nagmamaktol dahil hindi sila nakasama.
Umalis na ang mga Head at pinagpatuloy ang amin pagkain.

Nagsisitayuan na ang ibang estudyante hudyat na tapos na sila kumain, ang iba naman ay nagkwekwentuhan at seryoso sa pagkain.

Pagkatapos kong kumain ay dumiretsyo na ako sa training room. Pagkapasok ko mayroon na ibang estudyanteng nakaupo na naghihintay sa kasamahan. Umupo ako sa isang sulok. Ang iba kong kasamahan ay nilalaro nila ang kanilang kapangyarihan sa kanilang palad.

May lumapit sa aking babae at nakangiti ito. Ang kanyang buhok ay maiksi, mata naman niya ay kulay itim na walang halong puti at sakto lang ang height.

"Hello, ako pala si Summer pwede makipagkaibigan"sabi nito na nakalahad ang kamay.

"Hi, ako si Diane, oo pumapayag ako "nakangiti kong saad sabay nakipagkamayan sa kanya.

"Bakit ka pala nandito" sabi niya.

"Mahabang kwento eh"sabi ko.

"Ahh ganun ba, matagal na ako dito, noon bata pa lamang ako dinala na ako dito ni mommy, hanggang sa nalaman ko na may kapangyarihan pala ako at nacocontrol ko  na ito"sabi niya.

Trinity AcademyWhere stories live. Discover now