Chapter Sixteen

208 8 0
                                    

GUSTONG-gusto nang ibato ni Shaun ang kaniyang cellphone sa sahig nang hindi sinasagot ni Sam ang kaniyang mga tawag. Mas lalo pa siyang nainis nang tuluyan na nitoy pinatay ang cellphone nito dahil puro 'subscriber cannot be reached' ang naririnig niya sa operator.

Pinindot niya ang elevator ngunit hindi pa rin iyon bumubukas. Malayo-layo pa bago iyon tuluyang makarating sa palapag kung nasaan ang lobby. Alam niyang doon dadaan si Sam.

Galit na pinagsisipa niya ang pader na nasa tabi ng elevator. Nang hindi nakuntento ay pinagsusuntok na rin niya iyon. "Bullsht! Bullsht! Bullsht!"pagmumura niya.

"Shaun, tama na 'yan. Iniwan ka na niya. I'm here,I'm here for you. Like the old times,"untag ni Bianca sa kaniya.

Galit na lumingon siya rito. "Iniwan? Ikaw ang dahilan kung bakit niya ako iniwan ngayon! You screwed everything!"bulyaw niya rito.

"Why are you angry at me? I didn't do anything,"naiiyak nitong sabi.

Natigilan siya nang bigla itong humalakhak na parang baliw o sinapian. There's really something about Bianca's behavior. Mas malala lang ngayon.

Nakita niyang yumuko ito at medyo natabunan ng mahaba nitong buhok ang mukha nito. Tapos bigla na naman itong tumawa ng malakas. Napatitig pa ito sa kisame.

"Bianca,ano ba?! Tigilan mo na ang ginagawa mo! Nauubos na ang pasensiya ko sa'yo!"aniya rito.

Tumingin ito sa kaniya na...galit? Hindi niya mapangalanan ang emosyong dumadaloy sa pagkatao nito ng mga oras na iyon. 

Parang hindi ito ang Bianca na kilala niya. Ang Bianca na masayahin at mabait. Noong una, iniisip niya na medyo nagbago ang ugali nito dahil siguro sa impluwensiya ng pag-aaral sa ibang bansa lalung-lalo na sa mga nakakasalamuha nito sa pagmo-modelo. Ngunit ngayon, sa nakikita niya, hindi iyon ang dahilan kundi...siya?

"Ginagawa? May ginagawa ba ako?"pagmamaang-maangan nito bago tumingin ng matalim sa kaniya. "Wala akong ibang ginawa kundi mahalin ka! Yun ang ginagawa ko!"

"Hindi ko na alam ang gagawin ko sa'yo,"pag-amin niya.

Ngumiti ito na tila nasisiyahan. "Alam mo kung anong dapat mong gawin?"tanong nito sa kaniya bago nagsimulang maglakad patungo sa kaniya. "Ang mahalin ako. 'Yon ang dapat mong gawin, dahil mahal na mahal kita!"

"Hindi kita mahal,Bianca. And I will never do because I belong to Samantha! Not to you!"galit na bulyaw niya rito. "Hinding-hindi kita mamahalin kagaya ng pagmamahal ko kay Samantha. Mahal kita bilang kaibigan at hindi na iyon lalagpas pa doon."

Lumamlam ang mga mata nito hanggang sa hindi na ito tumigil sa pag-iyak.

"Hindi mo'ko mahal? Pero 'di ba, mahal mo ako? Magpapakasal pa tayo. Magkakaanak. Heto o. 'Diba ikaw ang nagbigay sa'kin nito?"naiiyak nitong sabi at ipinakita sa kaniya ang singsing na inilaan niya para kay Sam noong birthday nito four years ago.

Nagtaka siya kung paano napunta rito ang singsing na iyon. Bakit nga ba? Pilit niyang binalikan sa kaniyang isipan ang tagpong iyon apat na taon na ang nakakalipas. Then a memory flashed in his mind. Sa natatandaan niya, nakigamit ito noon ng bathroom at nagkataon namang ipinaayos niya ang cr sa unang palapag kaya ang sa silid na lang niya sa ikalawang palapag ang ipinagamit rito. Natatandaan din niya na nagmadaling umalis noon si Bianca pagkatapos nitong manggaling sa kaniyang kuwarto. Nang umaga ding iyon nawala ang singsing pati na rin ang ppael na kaniyang sinulatan.

"For years ago, when you came into my house to visit me and left immediately, was that really an emergency? Or you left because you took the ring that I bought for Sam?"tanong niya rito.

Return of Her Ex- (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon