Prologue

527 16 2
                                    

PAGPASOK pa lang ni Sam sa campus gate ay agad siyang sinalubong ng nobyong si Shaun. Alam niyang sinadya nitong mag-abang doon para makausap siya tungkol sa mensaheng ipinadala niya rito nang nakaraang gabi.

Ipinagpatuloy niya ang paglalakad patungo sa campus ground na mayroong mga mayayabong na puno na pwedeng masilungan sa mainit na sikat ng araw. Ramdam niya ang pagsunod sa kaniya ni Shaun at halata ang galit sa mukha nito. Maging siya ay nagpupuyos din sa galit ngunit pilit niyang hindi iyon ipahalata upang hindi makagawa ng eskandalo.

Nang makarating doon ay agad niya itong hinarap. "Shaun, we're done," aniya sa mahinahong tinig kahit pigil-pigil niya ang kaniyang galit.

Nagtagis ang bagang ni Shaun. "So, ganoon na lang 'yon Sam? Bibitawan mo na lang ang ilang taong pinagsamahan natin dahil lang sa pagkaliit-liit na dahilan mo?"

Napabuntong-hininga siya. "Hindi iyon maliit, Shaun. Alam mo 'yan. Ilang beses na natin 'tong pinag-awayan ngunit parang wala lang sa'yo. Oras 'yung hinihingi ko! Hindi iyon materyal na bagay, Shaun. Bakit ba hindi mo maibigay ? Mas marami ka pang oras sa barkada mo! Ako! Ako na girlfriend mo, hindi mo mapagtuunan dahil sa barkada mo? Akala ko ba pareho kami ng lebel ng barkada mo para sayo? Bat lumalabas na mas nakakahigit sila, Shaun?" Hindi na niya napigilan ang pagpatak ng mga luha. Tinangka siya nitong lapitan ngunit umatras siya. "Ako na lang ba palagi ang mag-aadjust? Lagi ko na lang ba talagang tatanggapin ang mga sorry mo? Pinagsabihan na kita noon. Hindi ko kailangan ng mga materyal na bagay lalung-lalo na sa tuwing may mga importanteng okasyon sa buhay nating dalawa. Oras at atensyon lang ang hinihingi ko, pero pati iyon ipinagdadamot mo pa. "

"Hindi ko iyon ipinagdadamot, Sam. Alam mo naman 'yung sitwasyon ko hindi ba? Anak ako sa labas kaya minsan tumatambay na lang ako kasama ang mga kabarkada ko para mawala yung—"

"Anong koneksyon no'n sa hindi mo pagsipot sa anniversary date natin, Shaun? Tiyaka, hindi pa ba ako sapat para maibsan iyang mga diramdam mo? Nang dahil sa mga dahilan mong iyan, mas pinapatunayan mo sa akin na mas mahalaga sila kesa sa akin," aniya. Pinahid niya ang mga luha saka pilit kinakalma ang sarili. "Ginawa ko ang lahat para sa'yo. Naging mabuting girlfriend ako dahil sabi ko sa sarili ko, ikaw yung unang boyfriend ko sa personal, kaya ibibigay ko ang lahat ng aking makakaya para madama mo ang pagmamahal ko. Para hindi ka maghanap ng iba. Para maging sapat na ako para sa'yo at para sabay nating tutuparin ang mga pangarap na binuo ko para sa ating dalawa. Ngunit nagkamali yata ako,Shaun. Ibinigay ko ang lahat pero ano ang natanggap ko bilang kapalit? Sakit, poot, disappointment, mental and emotional depression at kung anu-ano pang negatibong bagay na sumisira sa buo kong pagkatao. Kaya patawarin mo ako, Shaun. Hindi ko na talaga kaya na ipagpatuloy pa ang kung anumang namamagitan sa ating dalawa."

"Sam,h-huwag mo namang gawin sa akin 'to. Alam mo namang ikaw na lang 'yung sinasandalan ko. Ikaw na lang iyong maaasahan ko, Sam. Please, bigyan mo pa ako ng isa pang—"

"Stop." She laughed." Really? Ako na lang ang masasandalan mo? Do you really think of me like that? Hindi ako sandalan lang, Shaun. Girlfriend mo ako.Stop asking for another chance because I'm so sick of it already. Matagal na, Shaun. Alam mo iyan,"aniya.

Napahawak siya sa kaniyang sentido. Hinilot niya iyon dahil kumikirot na naman.

"S-Sam, o-okay ka lang ba?" tanong ni Shaun.

"W-wala 'to. Anyway, I think deserve ko ang freedom na makukuha ko mula sa pakikipag-break sa'yo, Shaun. Maraming oras ang nasayang ko para sa'yo dahil sa huli ganito lang din pala ang patutunguhan natin," paliwanag niya. "Y-you know I have a lot of plans for the two of us. But now I realized na hindi na pala kita maaaring maisama pa doon. Hindi ko puwedeng iasa ang kinabukasan ko sa taong hindi ako kayang panindigan ng buong-buo."

Tila natauhan si Shaun. Nakita ni Sam ang pamamalisbis ng luha sa mga mata ng lalaking labis niyang minahal ngunit siya ring sumira sa buhay niya.

"Hindi na ba talaga puwede,Sam? May iba na ba? Hindi mo na ba ako mahal?" Tanong nito.

Tinitigan niya ito sa mga mata. "Shaun, let's just accept na hindi tayo para sa isa't-isa. Siguro nga mga bata pa tayo. Wala pa sa tamang edad para seryosohin ang mga bagay na ito. Ang relasyon na ito. Ang dami-dami ko pang kailangang abutin para sa sarili at pamilya ko, Shaun at ayokong itong relasyon na ito na unti-unti na akong sinisira ang siyang magiging hadlang para hindi ko maabot ang mga iyon. So now, before I choose you, I need to choose my self first. Before I love you, I need to love my self first and before I hold on to you, I need to hold my self first. I am not being selfish, Shaun. I am just choosing my self over you. We're done. Someday you'll realize that what I did now is the best option for the two of us."

Tumalikod na siya at nagsimulang humakbang. Ngunit bago paman siya nakakalayo ay narinig niya itong nagsalita. Hindi niya ito nilingon. Pilit niyang pinigilan ang kaniyang sarili.

"Tandaan mo 'to, Sam. Darating ang araw na makakaahon ako at papatunayan ko na tayo talaga ang para sa isa't-isa. Pagkakataon lang ang mali, hindi ang relasyon nating dalawa."

"Siguro tama ka, siguro mali ka. Pero isa lang ang nasisiguro ko, sana nga nasa mabuti ka na sa muli nating pagkikita."

Tuluyan nang humakbang si Sam. Mas binilisan niya pa iyon, at sa bawat hakbang niya ay mas humahaba ang distansya at layo nilang dalawa ni Shaun. Ilang taong pinagsamahan ay nasira lang ng mga walang kuwentang dahilan. Ayaw niyang ibunton lahat ng kasalanan kay Shaun dahil alam niyang may mga pagkakamali din siya pero bilang nobya nito, wala ba talaga siyang karapatan na humingi ng oras mula rito kung ito nga ay labis na nagde-demand sa kaniya niyon kung hindi nito kasama ang barkada nito? Alam niya sa kaniyang sarili na ginawa niya ang lahat para maging mabuting nobya dito— oras, pagmamahal at pagkalinga.

Wala siyang makapang pagsisisi sa kaniyang kalooban. Siguro ay dahil iyon sa alam niyang ginawa na niya ang lahat upang mabago at maituwid ang buhay nito ngunit umabot na sa puntong hindi na niya kaya, not just emotionally but also mentally. Mahal na mahal niya ang binata ngunit para saan pa ang pagmamahal kung hindi naman iniingatan at pinapahalagahan?

Kung bibigyan man sila ng tadhana ng muling pagkakataon para maituwid ang kung anumang nangyari ngayon sa kinabukasan, sisiguruhin niya na handa na talaga silang dalawa at kaya nang panindigan ang isa't-isa.




Hi guys! First of all thank you sa pagbabasa! Muwahhh :) anyway, this is the first update ng first story ko entitled "Return of Her Ex". I hope nagustuhan niyo po. Please express your opinions in the comment box and I will gladly read it or answer it because your comments matter to me :) .

Return of Her Ex- (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon