Chapter Seventeen

278 9 0
                                    

Beware: Another malicious content in this chapter. Hehe :)

INIHINTO ni Sam ang kaniyang kotse nang naging pula ang ilaw sa traffic light. Nagmamaneho na siya pauwi sa kaniyang tinitirhan pagkatapos nilang magkita ni Borris sa isang coffee shop nang hapong iyon.

Until now, she's still in shock after hearing Borris' confession about his sister. Kahit na nga ba nase-sense na niya iyon noon habang nasa college sila, hindi pa rin niya mapaniwalaan na ganoon nga si Bianca.

Habang hinihintay ang mabagal na usad ng traffic, bumalik sa kaniyang alaala ang mga napag-usapan nila ni Borris nang hapong iyon.

Umupo si Sam sa isa sa dalawang bakanteng upuan sa pandalawang mesa sa loob ng Bite and Drink, isang coffee shop malapit sa RMH. Si Borris naman ay um-order ng maiinom at makakain nila.

Mas pinili niya na doon makipag-usap kay Borris pagkatapos siya nitong sadyain sa hospital na kaniyang pinagtatrabahuan. May mahalaga raw itong sasabihin sa kaniya. Noong una,nagdalawang-isip siya dahil baka pakana iyon ni Bianca at ginamit lang ang kapatid nito. Who knows kung anong tumatakbo sa isip ng babaeng 'yon.

Pero ilang sandali lang, nagbago ang isip niya at nagpasyang paunlakan si Borris. Kilala niya ang binata. Kahit may pagkapalikero ito noon, ito pa rin ang mas pinagkakatiwalaan niya kaysa sa iba pang kaibigan ni Shaun. Ito ang napagtatanungan niya kaagad tungkol sa sitwasyon ng kaniyang dating nobyo maging ang mga ginagawa nito. Kahit na alam niya na isa ito sa mga kasama ni Shaun sa tuwing nagbibisyo, Borris was still reliable for her.

Kahit na kapatid nito si Bianca,palagi siya nitong ipinagtatanggol laban sa kapatid nitong may saltik yata sa ulo at ang malas pa, siya ang napiling target nito. He would always defend everytime Bianca would try to humiliate her in front of the crowd.

Hanggang ngayon, ang tiwalang ibinigay niya rito noon ay naroroon pa rin. She knew that he is really a good person.

Nang bumalik ang binata, inilapag nito sa kaniyang harapan ang isang winter foam float at Turkish delight na naging paborito na rin niya mula noong niregaluhan siya ni Borris nang minsang nagbakasyon ito sa ibang bansa. Pagkatapos niyon ay umupo ito sa katapat na upuan at binuksan ang nakabalot na Bavarian donut na binili nito para sa sarili.

Siya naman ay tinikman ang turkish delight na nasa kaniyang harapan. Pagkatapos niyang kumagat ng isa sa mga iyon ay saka niya naalala ang totoong dahilan kung bakit sila nandoon. Ibinaba niyang hawak saka tumingin kay Borris.

"Anyway, ano nga palang dahilan kung bakit gusto mo akong makausap ngayon?"tanong niya rito.

Nginuya muna ng binata ang kinagat nitong donut at uminom ng ice cold coffee nito bago umayos ng upo at pinagsalikop ang dalawang kamay sa ibabaw ng mesa.

"I wanted to talk to you about Bianca and Shaun,"panimula nito.

Bigla siyang kinabahan dahil baka totoo ang sinabi ng bruhitang Bianca na iyon na engage na ito kay Shaun. Sa natatandaan niya, hindi malaman ng binata kung ano ang isasagot sa kaniya nang tanungin niya ito kung totoo ba ang sinabi ni Bianca.

Baka gusto niyang makipag-usap dahil gusto niyang layuan ko na sina Shaun at Bianca, aniya sa kaniyang isipan.

"W-what about them?"tanong niya.

Tumikhim ito. "I... I'm sorry to say this but can you please forgive them? Hindi nila sinadya ang nangyari. It was—"

Return of Her Ex- (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon