EXHAUSTED na bumangon si Sam sa kaniyang kama nang hindi na makatiis sa sobrang ingay ng kaniyang alarm clock. Alas sais na nang umaga. Ang duty niya nang araw na iyon ay alas-otso kaya mabilis pa sa alas-kuwatrong nagmadali siya sa pagkilos upang makapaghanda.
Hindi na siya nag-abalang magluto ng simpleng almusal. Nakuntento na siya sa cereals at medyo mainit na hot choco drink.
Nang natapos sa pagkain ay inasikaso niya naman ang kaniyang hitsura. Simpleng bloody red matte,foundation at eyeliner lang ang ini-apply niya sa mukha. Ang buhok naman niya ang kaniyang pinatuyo gamit ang hair dryer. Nang natapos ay itinali niya iyon ng ponytail style.
Minutes later, she found her self inside her car. Driving it on the way to RMH. Tinawagan niya rin ang sekretaryang si Marie upang malaman at mai-recall nito sa kaniya ang schedule niya nang araw na iyon.
Nakailang ring muna bago sumagot si Marie. Inayos niya rin ang bluetooth headset na nakapaskil sa kaniyang kanang tainga upang maintindihan niyang mabuti ang sinasabi nito. Medyo maingay na rin kasi sa daan dahil oras nang pasukan ng mga nagtatrabaho. Bumibigat na rin ang daliy ng trapiko dahil sa dami ng mga sasakyan sa kalsada.
"Hello,Doc. Good morning," sabi ni Marie.
"Good morning din,Marie."
"Ano hong atin?" Tanong nito.
"My schedule today,please."
"General meeting at eight thirty am with the members of Cardio Surgery and Treatment Foundation for a new case na tutulungan ng hospital and ng sponsor para sa pagkakataong ito. Nai-prepare ko na ho ang powerpoint para sa candidate niyo."
Ang CSTF ay isang foundation na binuo ng cardio department ng ospital upang matulungan ang mga mahihirap na may komplikasyon sa puso o di kaya'y iyong makakaapekto sa puso. It was founded on the nineteen ninety-three by a cardiothoracic surgeon named Brenant McLain.
Until now, it was still solid and functioning due to the common goals of the doctors of RMH: "Ease poverty and make everyone healthy while earning money." And by the word 'everyone', that includes the poor ones who were not able to spend money for their treatment and surgery. That's why RMH doctors and developers founded the CSTF and other department-based foundations and organizations.
Napatango siya as if the words told by Marie to her would stick in her mind by doing that.
Napatikhim muna ang kaniyang kausap bago ito nagpatuloy sa pagsasalita sa kabilang linya. "Then,may scheduled surgery ho kayo para sa patient na nasa pediatric ward. Atrial septal defect ho ang kaso ng batang si Grace. After that, standby na ho kayo, Doc."
"Thank you,Marie. I'm on my way."
"Welcome, Doc. Mag-ingat ho sa biyahe."
Hindi na niya sinagot pa ang huli nitong sinabi at nagpatuloy na lang sa pagmamaneho. Ito na rin ang pumutol ng tawag.
Ilang sandali pa ay nasa hospital na siya. Agad siyang dumiretso sa kaniyang opisina upang makapaghanda para sa conference. Matagal na niyang pinaghandaan ang araw na ito at nasisiguro niyang handa siya sa kung ano mang kalalabasan ng conference. But still, she have to do her very best sa kaniyang inihandang proposal tungkol sa kaniyang candidate as the beneficiary pf the sponsor's donation.
Kailangang kailangan ng kaniyang candidate ang donation dahil mas lalong lumalala ang kalagayan nito sa mga nagdaang buwan. Lahat naman ng mga candidate ng bawat surgeon ay mas lumalala ang kondisyon kapag hindi naooperahan but she wanted her candidate to have the medication with the help of the sponsor's money.

BINABASA MO ANG
Return of Her Ex- (COMPLETED)
Roman d'amourSam didn't regret when she left Shaun one and a half decade ago. She knew that she have enough reasons why she did that. She couldn't take the pain and disappointment that it kept hurting her habang ipinagpapatuloy niya ang kanilang relasyon. After...