Ang Pag-Ibig

37 3 0
                                    

Pag-ibig nga naman,
Sadyang hindi kumukupas kailanman
Na sa iyong mga nararamdaman,
Na sadyang hindi mo maintindihan.

Na nasa puso mo na nagpapaligaya
Na hindi mo makontrol ang saya,
Nasa araw-araw,
Siya ang iyong nagiging ilaw,

At hindi mo maintindihan
Kung bakit sya laging na sa iyong isipan,
Kahit pag-ibig nya sayo'y pinagkait
Patuloy mo pa rin syang di pinagpapalit.

Pag-Ibig na patuloy lumalago
Kahit mundo man ay magbago
Pag-ibig ko'y para lamang sayo
Kaya sa piling mo hindi na lalayo,

Pag-ibig nga ay nakababaliw
Ngunit pag-ibig ko sayo'y hindi magmamaliw
Ang minsang puso kong puno ng kasiyahan
Ay minsang nagiging puno ng kalungkutan,

Dahil sa pag-ibig kong hindi mo pansin
Hindi kaya ng puso mo ako'y naisin,
Sana sa iyong puso, ako'y nakatatak
Ano mang buhos ng ulan ang papatak.

Pag-ibig na hindi kailanman mabibili ng ginto
Patuloy na hindi hihinto,
Mula sa makabagong henerasyon
Tungo sa makabagong relasyon.

Ang Buhay Ng TulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon