Chapter 5

15 2 0
                                    

Tehillah's POV

I sure didn't got hit by a truck last night, and I'm grateful for that. You won't believe me of what just hit me right now... This is not my world!


While walking in my white classic converse, hindi ko mapigilang mag-isip ng mga bagay-bagay.


Pinagmasdan ko ang mga taong nakakasalimuha ko habang naglalakad. Their clothes are very old-fashion, very classic, but ang lakas ng dating.


Iba din ang mga usong pinag-uusapan nila. Hindi naman sa nakiki-chismis ako, pero I have my reasons naman na makinig sa pinaguusapan nila. I badly need it.


Sigurado din naman ako na hindi ito ang past, 2020 din dito. Ayon sa narinig ko, si Gng. Belleza ang Presidente dito, habang Bise Presidente naman si Ginoong Lucado. Baliktad from the world I know.


Sinubukan kong itanong ang daan ng South Carolines kahit alam ko naman ang daan nito. Just want to confirm something.


"Ahm... excuse me, saan yung daan papunta sa South Carolines?"

"Uy Phoebe, tinatanong ka ata." Pagtatapik nung kasama niya sakanya.

Napakunot naman ang kilay nilang dalawa. Mukhang di pamilyar sakanila yung South Carolines.

"Yung subdivision na malapit dito..."
I added.

"Sorry ate, but Green State lang ang alam ko na pinakamalapit na subdivision dito. Straight ahead then makikita mo na yung boundary ng Green State."

"Ah ganun ba? Sige salamat."

-

As I checked kanina sa app store... no tiktok, no facebook, no messenger, no twitter, no instagram, or kahit ano pang alam ko na social media na sikat. At higit sa lahat NO TELEGRAM :( mawala na ang lahat wag lang ang telegram. Weird.


Idagdag pa yung mga nasaksihan ko magmula kaninang umaga. Weird. Napaka weird!

And right now, tinatahak ko ang daan ng subdivision namin. From South Carolines to Green State na ang pangalan ng subdivision namin.


Pero paano nangyayari ang lahat ng ito? ilan beses ko na ding sinubukang gisingin ang sarili ko, pero hindi talaga ako nananaghinip. Same faces, but still different. Same location, but still different. Am I on a different world?

How will I get back?

Kung nandito din sa mundong ito ang mansion ni Mamita, nagbabakasakali ako na nandito din ang bahay namin. And surprisingly, hindi ako nagkamali.

Pinagmamasdan ko ngayon ito.

4:37 PM

I was just standing in front of it. Staring at it. I can't believe this. Wala pa mang isang araw ang pag-layas ko at heto ako ngayon nasa harap ulit ng bahay namin. This is stupid! -,-

Walang masyadong pinagkaiba. Same style, parehong-pareho ang bawat sulok nito. Si Da— si Eugene din siguro ang nagdisenyo nito, baka architect din siya dito?


Ang tanging naiiba lang ay mukha itong bago at hindi nagamit. Mapagkakamalan mo talaga na walang nakatira dito.

Kailangan kong magmadali dahil bahagya pa at magdidilim na. That's it, I'm going in.

Nagawa kong umakyat sa gate upang makapasok, dahil sanay naman talaga ako na inaakyat ito sa tuwing tatakas ako. Medyo natagalan nga lang ako, sa haba ba naman ng bestida ko. -,-

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Accidentally SummonedWhere stories live. Discover now