Curse 2: The Necklace

17 1 0
                                    

Mica Hernandez.

KATATAPOS lang ng klase namin. Busy ang lahat sa pag-liligpit ng mga gamit nila. May ibang nagreretouch at nagchichismisan. Naunang umalis si Lian dahil mayroon pa siyang trabaho na nag-aantay sa kaniya. Sumasideline siya bilang cashier sa isang convenience store di kalayuan sa bahay ampunan na tinitirahan namin, hanggag hating-gabi ang shift niya kaya kung minsan nga ay napapagalitan siya ng mga madre dahil hindi na maayos ang tulog niya at baka magkasakit siya dahil dito. Naiintindihan ko naman si Lian. She needs to work to provide for herself. Wala na siyang maasahan hindi katulad ko na mayroon pang-ina na natutustos sa pangangailangan ko. Itinaas ko ang relong suot at tinignan ang oras. Nadismaya ako ng makita ang oras.

5:11pm

Ilang minuto nalang ay magaala-sais na. Mabigat ang loob na niligpit ko na ang aking gamit at isinilid ito sa bag. Napatigil ako sa pag-alis ng pagharap ko ay nakaupo sa desk ng upuan ang mga galamay ni Cate. Mayroon silang nginunguya na chewing gum at pinapalobo ito. Bangot ko silang tinignan.

"Hernandez, pinapatawag ka ni Cate," nabaling ako sa babaeng nakatali ang kulay pulang buhok. Gaya ng iba ay may nginunguya rin itong chewing gum.

I roll my eyes in annoyance. Nagsimula ako maglakad at nilagpasan sila. Subalit napahinto ako ng may humawak sa braso ko. Tinignan ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko bago mag-angat ng tingin sa kaniya. "Let go of me!" i firmly said but the guy whose holding me grip my arms tightly.

Napadaing ako dahil doon, hinihila ko ang braso ko para makawala sa pagkakahawak niya, "Sumama ka kapag kinakausap kapa ng maayos, Hernandez!" pinanlakihan ako nito ng mata.

"Sabi ko bitiwan mo ang braso ko."

Pinatapang ko ang boses habang nanlilisik ang matang nakatingin sa kaniya, nakakakuha na kami ng atensyon kaya binitiwan nito ang braso ko. Agad naman akong napahawak doon dahil sa pagkirot nito. Nakangisi ang mga kasama nito sa akin, naunang tumayo ang lalaki at pinantayan ako, "Sumunod ka, kung ayaw mo ng iskandalo dito." mahina ngunit nambabanta nitong saad. Nauna na itong lumakad papalayo sa akin, tinapik pa ng ilang kasama nito ang balikat ko bago sumunod sa lalaki. Inayos ko ang suot kong uniform at bag, bago sumundo sa kanila. Tinignan ko ulit ang oras at 5:20 na. Napakagat nalang ako sa ibabang labi dahil sa kabang lumulukob sa akin.

Magkakaibigan kaming tatlo noon. Si Cate, Lian at ako simula gade 7  hanggang sa maggrade 10 kami. Ngunit nagbago bigla ang ugali ni Cate simula ng maraming nakakarecognise sa talinong taglay ni Lian. Lumayo siya sa amin at nakipagkaibigan sa iba, nagsimula niyang tuksuhin si Lian at kung minsan ay pinipilit niya pa akong sumama sa kaniya na iwanan ang kaibigan namin. Tumanggi ako sa gusto niya kaya nadamay ako sa inis niya kay  Lian at lumala iyon ng malaman niya kung sino talaga ako. Nagalit siya sa akin dahil nagsinungaling ako sa kaniya at nagbantang ikakalat niya ang nalaman sa lahat. Nakiusap ako sa kaniya at tinaggap niya naman iyon ng may kapalit. Simula ng sumang-ayon ako, nagsimula na ang lahat.

"Mica!"

Nag-angat ako ng tingin nasa loob kami ng isang lumang silid-aralan sa lumang building, nasa harapan malapit sa blackboard nakaupo si Cate at nasa gilid niya ang ilan sa mga alipores.

"Anong kailangan mo sakin?"  I stated. She shrugged her shoulder and lick her lollipop, "Kung wala kang sasabihin. Aalis na ako."

Tinalikuran ko na sila at dumiretso sa pinto ng magsalita ito.

"Lian."

Napahinto ako at agad na napaharap ako sa kaniya. Masamang tingin ang pinukol ko sa kaniya. "Ano na namang ginawa mo!" inis na bulyaw ko sa kaniya.

Crystallum Academia: The CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon