Curse 8: His Precious Flower

11 0 0
                                    

Luther Pezyro

PINAPAKALMA ko lang ang sarili na hindi taposin ang lalaking nakatayo at nakangising ngayon sa harapan namin. Kung pwede lang na ako na ang tatapos sa lalaking to ay ginawa ko na para maipaghigante ko siya ngunit alam kong magagalit siya sa 'kin. Naalala ko pa ang sinabi niya sakin bago siya mawalan ng hininga dahil sa lalaking 'to.

'Wala siyang kasalanan, Lulu! Biktima rin siya kagaya ko kaya sana huwag kayong magalit sa kaniya.'

Hindi ko maintindihan ang mga katagang tinuran niya ng oras na 'yon, paanong walang kasalanan ang lalaking nasa harap namin ngayon kung kitang kita ng dalawang kong mata ang pagtama ng kapangyarihan niya sayo. Napahigpit ang pagkuyom ng kamao ko, ramdam ko na rin ang hapdi ng pagkakabaon ng kuku ko sa palad ko. Nakatayo lang kaming lahat doon nag-aantay nang susunod na mangyayari. Nagulat na lang kaming lahat ng may bumukas na portal sa likod namin at lumabas mula doon ang ilang Neimos, ang alumni ng school namin ang Highest Army. Nagbago ang hilatsa ng mukha ni Lyzhein dahil alam niyang talo na siya sa oras na 'to. Bumalik na sa dati ang kaniyang hitsura at nilapitan ang babaeng nakakulong ngayon sa barrier na ginawa ni Eiarah habag nakahanda naman ang babaeng Solidus sa maaring mangyari. Ngunit di pa nakakailang habang si Lyzhein ay may rumaragasang Water Dagger na ang patungo sa kaniya kaya napatalon siya paatras at tinignan kami ng masama.

Umayos siya ng tayo at pinagtitigan ang babaeng nasa loob ng Barrier, "Siguro nga'y hindi pa ngayon ang ating itinakdang pagkikita, ngunit sa pagbabalik ko. Walang nang hahadlang sa pagsasama natin." Umilaw ang kanang kamay niya. A gray smoke encircle his hand and there's something forming in his palm.

Bago pa pakawalan ni Eiarah ang palaso ay nakapasok na si Lyzhein at ang babae sa portal kasunod nito ang paglaho ng lagusan. Tinanggal ko na ang lava barrier na nakapalibot sa babae, dali dali naman itong lumapit doon sa babaeng nakahiga ng walang malay. Bakas parin sa mukha ng babaeng lumapit ang takot at pamumutla dahil sa nasaksihan. Tumingin ito samin, "Hindi kayo... tao?" Hintatakotang sabi nito kaya bago pa siya maghysterical ay pinatulog na ito ni Shanhaira gamit ang S-dust, lahat ng makakaamoy nito ay makakatulog ng mahimbing.

Agad na sinalo ni Yzhein 'yong babae bago pa 'to patumba, lumapit si Shanhaira sa babaeng kinidnapp ni Lyzhein and to our surprise there's a flower.

A dark Flower beside her.

"Yzhein..." Di alam ni shanhaira kong sasabihin niya ba o hindi dahil may pagaalinlangan siya. "May iniwan si Lyzhein." Dagdag niya at sa iba tumingin.

I looked at the dark flower and only one things register on my mind... He finally found his mate.

Shanhaira Lazilos

I BLINK my eyes three times before everything register in my whole system. Nilapitan ko agad agad 'yong babae, "Miss gising!" Tinapik ko ng tatlong beses ang mukha niya ngunit wala pa rin siyang naging respond sa ginawa ko.

Tinignan ko silang lahat at nasa babaeng katabi ko ngayon ang tingin nila kahit si Yzhein ay seryoso ang mukha, "burn that damn flower Luthier." Utos niya kay Luthier isang tango ang isinagot nito bago magpalabas ng fire ball, pinagmasdan lang naming matupok ng apoy ang bulaklak hanggang sa naging abo nalang ito at tinangay ng hangin.

Dark flower in the Dukedom of Arkandia means an eternal love.

So... That means this girl beside me, is the other half of Lyzhein.

Crystallum Academia: The CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon