Mica Hernandez
NAKAYUKONG umalis ako sa kwartong kinalalagyan ni Lian, nakausap ko na rin
sila pero kahit anong hintay ko sa paliwanag nila ay di man lang nila nakuha ang ipinapahiwatig ko, kung bakit ako naghihintay. Alam kong 'di sila tao dahil sinong tao ang makakagawa ng apoy, ugat na kulungan, ang pahintuin ang ulan at gumawa ng malaking ahas gamit lang ang ulan higit sa lahat bakit may mga tao lumabas sa bilog na nakakasilaw na liwanag, parang tulay 'yon sa dalawang dimension. Kung 'di lang ako pinatulog ni shanhaira ay dapat natanong ko na sila.Isinarado ko ang pinto, bahagya pa akong napabuntong hininga dahil sa pagdadalawang isip ko kung tama bang iwan ko si Lian sa mga nilalang na 'yon? Pero niligtas naman nila kami sa lalaking nakadrugs e! kaya baka mababait naman sila. Iniangat ko ang tingin at sumalubong sa'kin ang napakamysteryo niyang mga mata. Ang mga matang napahinto ng oras ko ng una ko itong masilayan. Ang lalaking nagligtas sa'kin mula sa atakeng 'yon-- sa lalaking muntik ng kumidnap sa kaibigan ko. Nakasandal siya sa dingding na nasa harapan nitong pinto na kinalalagyan ko, nakakross din ang mga braso niyang nasa dbdib habang nakatitig sa'kin.
Sinulyapan ko siya at agad napayuko ngunit nangunot ang noo ko at iniangat ulit ang tingin, nakuha ng sugat niya sa pisnge ang atensyon ko, sinalubong ko ang tingin niya, "K-kuya... May sugat ka tatawag lang ako ng nurse," nagaalalang aniko. Aalis na sana ako ng maramdaman ko ang paghawak niya sa braso ko na dahilan ng pagtigil ko sa pag-alis, agad kong hinigit ang braso ko mula sa kaniya at bahagyang pagdaing dahil sa nakakapasong pakiramdam na idinulot niya ng hawakan niya ako. Papatayin niya ba ako? "Ba..kit?" Kinakabahan ako sa maaring mangyari hwahaha!! Baka mapano ako sa oras na mali ang maisagot ko sa kaniya. Alam kong may kakaiba silang kapangyarihan gaya ng napapanood ko sa TV.
"'Di na kailangan, okey lang ako." Sinabi niya 'yon sa'kin habang nakapoker face. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi nito. Akala ko sasabihin niya 'kailangan mo ng mamatay!' O kaya 'marami ka ng nalalaman kaya kailangan mo ng mamatay' o! Diba dalawang pagpipilian pero isa lang naman ang maaring mapuntahan... Ang pagkamatay ko. Kaloka!!!
"Mabuti naman kong gano'n." Mahinang pahayag ko at naglakas loob na salobungin ang tingin niya, doon ko lang na pagmasdan ang kabuuan ng mukha niya.
Matangos ang ilong... Baka may retoke!
Mapulang labi... Baka naglipstick.
Mahabang pilikmata... Baka dinugtungan lang ito.
Ma---
"Are you done?" Napaiwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Umatras din ako ng ilang dipa bago ko siya harapin ulit, "hindi mo nakalimutan ang nangyari kanina 'di ba?" His question make me shiver in fear. How did he-- "I can read your mind, woman." His statement make me realize one thing. Parehas sila noong lalaking nakadrugs. Magkapatid nga sila.
"Ye-- yes! I still remember."
Tumango tango siya sa'kin, di parin niya inaalis ang mga tingin niya na lalong ikinakaba ko. Kaya niya ba ako tinititigan dahil alam niyang di ko pa nakakalimutan ang nangyari kanina? Don't tell me gagawin niya akong palaka o mas worst ay ipakain niya ako sa alaga niyang halimaw... Halos manlaki ang mata ko dahil sa pinagiisip ko, kung mangyayari 'yon ay maaring katapusan ko na. Bakit ba puro nalang katapusan ko. Jusko ka selp! Gagantihan mo pa 'yong dalawang lokaret na umaway sayo sa jeep 'di ba.
"Tsk!"
Napatakip ako sa bibig ko dahil sa naaalala ko 'I can read your mind, woman.' Hwahaha!! Alam niya ang nasa isip ko...
BINABASA MO ANG
Crystallum Academia: The Curse
FantasiDalawang taong magkaiba nang kapalaran ang mapupunta sa hindi pang karaniwang mundo. Kapalaran nila'y magkasalungat. Sino ang makakaranas nang paghihirap sakit at kalungkutan? Sino naman ang makakaranas nang masaganang buhay sa piling nang taong ka...