Eiarah Solon
DALAWANG malakas na pagsabog ang nagpabalik samin mula sa pagkamaang, kinontrol ni Shanhaira ang hangin mula sa pag-ihip nito ng malakas papalibot samin bakas sa mukha niya na nahihirapan siya sa pagkontrol nito dahil sa kakaibang lakas. Tumagal pa nang ilang minuto ang pilit na pagkontrol ni Shanhaira bago niya ito makontrol ng maaayos, naging malinaw na rin samin ang buong paligid wala na ring nagliliparang buhangin at tahimik na ang buong disyerto.
Ang unang napansin ko ay ang babaeng hawak ni Yzhein na walang malay nakasuot pa rin ito ng Strapless white dress habang ang reyna ng mga soleter ay nasa bisig ng kaniyang asawa at wala na ito sa katawan ni Lian. Si Lian naman ay walang malay na nakahiga sa buhangin.
Dahan-dahang lumapit si Shanhaira at Luthier sa babaeng hawak ni Yzhein habang si Wharyn naman ay doon sa babaeng nakahiga sa buhangin na walang malay. Naiwan naman akong nakatayo malayo sa kanila ng ilang pulagada 'di magawang gumalaw man lang.
"Siya ba ang prinsesa?"
"Si Lian ba ang Light holder Yzhein?"
Magkasunod na tanong ng dalawa kay Yzhein ng makalapit sila dito, kahit ako ay naguguluhan. May parte sa'king gustong maging masaya dahil sa pagbabalik ng prinsesa ngunit di ko rin maiwasang mangamba dahil kay bilis naming nahanap ang pinapahanap samin at sa maaring si Lian o Mica ang Light holder.
"Hindi ito maaari..." Napalingon ako ng marinig ko ang ibinulong ng hari ng soleter. Nakakuyom ang kamao nito, may puot at pangamba ang mga mata niya habang inililibot ang tingin sa buong paligid at nang mapadpad ang tingin nito sa'kin ay nangilabot ang buong katawan ko sa 'di ko masabing dahilan, parang ang dami niyang gustong sabihin ngunit ni isa'y 'di niya maisatinig. Bumuntong hininga ito at tinitigan ako.
'Kailangan niyong mag-ingat.'
Nangunot ang aking noo dahil sa narinig kong pagbababala niya sa aking isip, magtatanong pa sana ako ng maglaho silang dalawa ng asawa at iniwan kami sa lugar na pinagdalhan samin ni Shanhaira.
Lumapit sa'kin si Wharyn habang karga ng pangbridal style ang babaeng si Lian, "Eyy, Eiarah bebs! Ako lang ba ang nakarinig ng sinabi noong Lalaking soleter?" Napairap ako dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ko. Sabay sabay naman ang tatlong umiling sa tanong ni Wharyn habang ako'y tahimik na nakikinig lang, napaangat ako tingin at ang nagtatanong na titig ni wharyn ang nakasalubong ng mga mata ko kaya nag-iwas nalang ako at naglakad papunta kay Yzhein na karga na ng pangbridal style 'yong babae si Mica.
Dinig ko ang malalim na pangbuntong hininga ni Wharyn sa likod ko, ngunit imbes na lingunin at tanungin ito na lagi kong ginagawa noon ay nanatili lang akong nakatalikod at diretso ang lakad, "Ibalik mo na kami Shanhaira, Luthier ikaw na ang bahalang magsabi kay headmaster nang nangyari para maipadala niya si Nhesha [ni-sya]." Tinuran iyon ni Yzhein habang nasa babaeng hawak niya ang tingin, "kailangan ko ring malaman kong ang babaeng ito ang hinahanap natin na pinangagalingan ng enerhiyang iyon at kung siya rin ba ang... Prinsesa."
°°°
NAKAKABINGING katahimikan ang umikot saming lima dito sa quest room ng bahay ni Lola xhanie, nakaupo si Shanhaira at wharyn sa couch na naririto sa kwarto habang sa isang single sofa na katabi ng couch nakaupo si Luthier habang nagbabasa ng libro at si Yzhein na nakatayo sa bukana ng pinto at seryoso ang mukha hudyat na malalim ang iniisip nito. Habang ako... Nakatayo dito sa labas ng kwarto at pinagmamasdan lang sila mula sa pinto. 'Yong dalawang babae ay wala paring malay na nakahiga sa kama. Naibalik na sa ayos ang buong university dahil na rin sa tulong ni Nhesha na Time Manipulator, ibinalik niya ang oras kong saan ay simula palang ng paglitaw ng araw sa kalangitan, kaya mawawala o magiging isang panaginip na lang ang nangyari sa araw na ito para sa kanila. Dumating din ang ilan sa mga Neimos upang tumulong kaya umalis na kami sa lugar na 'yon at dumiretso dito sa Bahay.
BINABASA MO ANG
Crystallum Academia: The Curse
FantasyDalawang taong magkaiba nang kapalaran ang mapupunta sa hindi pang karaniwang mundo. Kapalaran nila'y magkasalungat. Sino ang makakaranas nang paghihirap sakit at kalungkutan? Sino naman ang makakaranas nang masaganang buhay sa piling nang taong ka...