Curse 10: Possession

3 0 0
                                    

Jullianie Gonzales

PANAY ang pagkwekwento ni Mica sa lalaking tumulong daw sa kaniya na tinatanguan ko lang, 'di rin naman ako nakakarelate dahil hindi ko kilala ang taong tinutukoy niya. Panay din ang sulyap na ginagawa ng mga studyanteng nadadaanan namin. Ang iba'y binabati si Mica na nginingitian lang nito habang ang iba ay panay ang bulungan kong bakit kami magkasama.

"Accept him best! Baka destiny kayo, bahala ka."

Napahinto ako at napadako ang tingin sa babaeng nakatambay sa pasilyong dinadaanan namin. Tinaasan nila ako ng kilay habang nagsisikihan, pinasadahan nila ako nang may pangdidiri na parang ako ang pinakanakakatakot na nilalang sa mundo habang dahan dahan silang lumakad papalayo samin. Napabalikwas ako ng may humigit sa braso ko papaharap sa kaniya, "Earth to Lian, Ayos kalang?" Ang nag-aalala tanong nito. Magkasalubong na naman ang kilay ni Mica habang nakatingin sa akin.

Gaya dati ng ginagawa ko ay tinitigan ko siya sa mata, "May naalala lang ako." Hilaw akong ngumiti sa kaniya ngunit gaya rin ng dati ay may pag-aalinlangan pa rin itong tumango.

Hinila na ako nito sa paglalakad at di katulad kanina ay tahimik na ito. Alam kong may hindi sinasabi sa'kin si Mica sa nangyari ng araw na yun subalit hindi ko magawang magalit sa kaniya dahil kahit ako ay may itinatago rin.

An image of that mysterious moon maiden pop up in my head.

'You need to accept me Jullianie.'

Bakit niya sinabi sa'king kailangan ko siyang tanggapin?

Napailing ako sa sariling tanong na nabubuo sa isipan ko.

'They kept me from you.
They sealed me with the power of you.
The only way to unseal me is to kill you.'

Bakit ako? Bakit kailangang mamatay ako para makawala siya? Bakit siya kinulong? Para saan akin ba?

'We're not destined to see each other...
Because...
It will cause chaos..'

Kung hindi kami nakatadhanang magkita dahil magbabadya ito ng isang kaguluhan bakit nagkita kami sa panaginip ko. Ibig bang sabihin n'on ay magkakagulo? Saan at bakit?

Napabuntong hininga ako, siguro'y panaginip lang 'yon at walang ibig sabihin. Masyado konlang binibigyan ng kahulugan dahil sa nangyayari sa akin.

Sabay kaming pumasok ni Lian, may ibang bumabati at nginingitian si Mica habang ako ay parang isang hindi kalakasang hangin na hindi man lang nila matapunan ng kakaunting tingin. Pero ayos lang naman 'yon dahil wala akong proproblemahin sa kahit na sino. Inilapag ko ang dalang bag sa upuan at umupo, umubob ako sa desk ko at pumikit pilit na pinapatulog ang sarili para makabalik ako sa lugar na 'yon at makausap ang babae. Kailangan kong malaman kong ano ang ibig niyang sabihin kahit na nag-aalinlangan ako kung totoo ba ang panaginip na 'yon.

Nasa gan'on akong ayos ng sunod sunod na nag-sitilian ang mga taong naririto rin sa silid kahit si Mica na nararamdaman ko ang tingin sa'kin kanina ay mukhang nasa iba na ang atensyon. Dahil sa inis at sa kaingayan nila ay salubong ang kilay na napaangat ako ng tingin, "Quiet!" I shout frustratedly. Napalingon naman sila sa'kin kahit si Mica ay napalingon at napayuko dahil alam niyang isa siya sa mga pinapatigil ko sa pag-gawa ng kahit na anong ingay, "much better." I utter nonchalantly.

Crystallum Academia: The CurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon