Mica Hernandez
HALOS manuyo ang lalamunan ko sa paghabol ko sa lalaking maydala kay Lian. Napakabilis nitong tumakbo at kung hindi lang ako athlete ay kanina ko pa siya naiwala. Nakarating kami sa pinakadulo na isnag liblib na lugar. Malayo na kami sa parte kung saan marmaing tao. Sa lugar na ito maraming krimen na magaganap dahil sobrang liblib at iilan lang ang dumadaan minsan mga kotse pa. "Mis-mister!" Putol-putol na pagtawag ko sa kaniya. Nakahinto na kami dito sa pinakadulo, wala na siyang matatakbuhan dahil dead end na ang nasa harapan ng lalaki. Wala na siyang matatakbuhan kong sakaling itatakas niya si Lian maliban na lang kung nakakalipad siya, dahan dahan naman itong lumingon sakin at nang tuluyan na siyang nakaharap sakin ay napaatras ako ng ilang hakbang dahil sa kakaibang kulay ng mata ng lalaki, addict ba to? Bakit violet ang mata niya? "Saan mo dadalhin ang kaibigan ko?" May galit na tanong ko sa kanya ngunit ngumisi lang ito at inayos ang pagkakabuhat kay Lian, kung kanina ay pangbridal sytle ang pagkakakarga niya dito ngayon ay parang sako ng patata sa balikat niya ang kaibigan ko.
The nerve!! Pinapahirapan niya ang kaibigan ko!
He tilt his head and the side of her chick rose up. "Ang gwapo ko namang addict!" Nagtaka ako sa sinabi niya dahil hindi ko naman isinatinih ang pagkakasabi ko noon. May saltik ba ang lalaki--- "What's saltik?" Halos malaglag ang panga ko sa pagkakanganga dahil sa pinagsasabi ng lalaking 'to. Nababasa ba niya ang isip ko? At saan ba siya galing? Sa bundok? "Yes, I can read your mind woman?at hindi rin ako nakabundok. " He grin at me ear to ear.
Napailing ako dahil sa sobrang kahigh ng lalaking kumidnap sa kaibigan ko, mukhang iniiba niya ang usapan para di ko malaman ang susunod niyang gagawin, "Are you on drugs Mister. Ibalik mo nalang sa'kin yung kaibigan ko." Sigaw ko sa kanya na ikinasama ng mukha niya. Humanda na rin ako sa maaring mangyari, nakapanood naman ako ng mga movie na may karate so baka masubukan ko sa lalaking to. Sana naman gumana sa addict na to!
Tumawa siya sakin na parang nababasa niya talaga ang iiniisip ko ngayon, tsk! Talaga bang nababasa niya? "Like what I had said woman I can read your mind. I can tell that you have a deepest secret to this girl."
Halos madagdagan ang rumagasang kaba sa dibdib ko dahil sa sinabi niya, pano niya nalaman na may itinatago ako kay Lian. Ngumiti siya sakin na parang talo na ako at kailangan kong sumuko.
Hindi ko kailan man isususko ang kaibigan ko sa adik ma to.
Iwinaksi ko sa isipan ang sinabi niya at masama siyang tinignan, "Balik mo nalang sakin ang kaibigan ko. Hahayaan kitang makaalis ng hindi isinusumbong sa police." Pagkumbinsi ko sa kaniya, napabuntong hininga naman siya sakin. Base sa hilatsa ng mukha niya ay naiinis na siya sa sobrang pagpupumilit ko.
"Bakit ko ibabalik sayo ang babaeng matagal ko ng hinintay." Sigaw nito sakin, kasabay nang pagdagundong nang kalangitan at pagdilim nito.
Napalunok ako dahil sa kaseryosohan at kawalang emosyon ng boses niya at sa nangyayari sa kalangitan, naging dark violet na rin ang mata niya, nanginginig na rin ako sa takot dahil alam ko wala akong laban sa lalaking addict na to kahit nakapanood ako ng karate sa mga palabas, "Ibalik muna si Lian sakin." Mahinang pakiuspa ko alam kong sapat na yun para marinig niya, nagsalubong at sumama lalo ang timpla ng mukha niya sa hindi ko malamang dahilan, napaatras ako dahil sa itim na usok na nagfoform sa likod niya. Ibinaba niya si Lian at pansin ko ang pag-amo ng mukha niya habang pinagmamasdan ang mukha ni Lian, nang tangkain niyang hawakan ang mukha ni Lian ay mag bumubulusok na pulang bulaklak na tumama sa mukha niya na tumagos sa pader. Lihim naman akong napangisi at nagpugay dahil sa karmang natanggap niya. Nabawasan na rin ang kaba ko dahil alam kong may tutulong na samin ni Lian.
BINABASA MO ANG
Crystallum Academia: The Curse
FantasyDalawang taong magkaiba nang kapalaran ang mapupunta sa hindi pang karaniwang mundo. Kapalaran nila'y magkasalungat. Sino ang makakaranas nang paghihirap sakit at kalungkutan? Sino naman ang makakaranas nang masaganang buhay sa piling nang taong ka...