Tanghali na ako nagising dahil pagod ako ka gabi at mukhang na pasarap ata ang tulog ko, agad akong bumangon upang mag hilamos at nadatnan ko si ate gurl betina na abala sa pag luto ng tanghalian namin natural kasi tanghali kami na gigising pag walang trabaho at mukhang kakagising lang din niya.
"Hey gurl" bati ko sakanya at kumuha na din ng mga plato.
"Oh madam gising kana pala" pilosopo talaga ito kahit kailan talaga
"Oi nga pala nakita kita ka gabi sino kausap mo sa cellphone at mukhang seryoso pa ah" tanong ko sakanya dahil chismosa ako bat ba
"Ah yun si Sophia yung kababata ko kasi kakasal na sya sa makalawa ayun invited ang lola mo ,oh gusto mo ba sumama?"
"Awsus baka boyfriend mo may Sophia kapang nalalaman ha" pang iirita ko sakanya
"Gaga ka talaga kahit kailan bakla ka asa kapa malayo pa ako mag ka jowa no at oh sasama kaba?sumama kana baks minsan lang yun eh para ma experience naman natin" pag pupumilit niya sakin
"Ikaw nalang siguro muna kasi mag gagawin akong importanti eh" rason ko sakanya
"At ano naman ang gagawin mo?" Pag usisa pa niya
"Malalaman mo rin soon" sabi ko sabay kindat sa kanya
"Sa Palawan yung weeding so bali baka tatlong araw akong waka okay lang ba?kasi baka ayaw mo ng mag isa dito eh hindi nalang ako aalis" sambit niya na nag aalanganin pa Yata
"Wow ha ang drama super touch nemen ang lola mo gurl! Okay lang ako nako sumama kana kababata mo yun eh at para makapag relax ka din minsan balutan mo nalang ako" sambit ko sakanya sabay tawa
"Alam mo okay na sana kaso tanga ka" sabay batok niya sakin
"Hehe char"tanging na bigkas ko nalang.
Lumipas ang mga araw at ngayon na ang alis ni betina papuntang Palawan.
"Oh baka ma miss mo ko tawag lang ha" pag lalambing ni betina sakin.
Akala mo naman mag aabroad na shugis.
"Wow ha?kapalers ha?" Pangungutya ko sakanya.
Pero sa totoo lang gusto ko din sana sumama kaso may importante akong gagawin at okay na sakin na mag enjoy man lang siya at may trabaho pa ako kailangan umipon ng pera.
Actually nasaakin yung credit card ko may malaking amount dito pero hindi ko ginagalaw kasi na iisip ko dapat mag ipon pa rin ako para sa bahay na gusto ko at syempre negosyo na marangal
I'm wondering hinahanap kaya ako ng parents ko?it's been a year pero bakit ni wala man lang may umolhot?hays change topic yeah gurl.
...
"Oh mauna nako ha kumain ka ng mabuti dito ha ma mi-miss kita ingatan mo sarili mo wag mag papagutom ha uwi agad pag katapos ng work ha babye ma mi-miss kita labyu" drama ni betina habang papasok ng taxi.
Nako OVER KA TE?SAN BA PUNTA TE?
"Ambisyosa ka talaga wow ha 10 years te?ha?" Pag tataray ko sakanya
"K lang yun basta babyeeee!!!" Sigaw niya sabay kaway ng maka alis na ang taxi.
Pumasok na ako sa bahay at agad naligo dahil pupunta ako ngayon ng grocery store dahil wala na din magagalaw dito alikabok nalang.
Pagkatapos kung mag ayos nag madali na akong pumara ng taxi
I'm on my way na papuntang SM ng biglang tumigil ang taxi na sinasakyan ko.
"Manong bakit po tayo nahinto?" Tanong ko kay kuya driver.
"Nako miss mukhang nasiraan ata tayo" nahihiyang sabi ni kuya sakin.
"Umm sige po kuya dito nalang po ako dahil malapit naman na po tayo mag lalakad nalang po ako, ito po kuya bayad salamat." Sabi ko saka inabot na ang bayad ko.
Nag lalakad na ako ngayon papunta sa mall entrance nag text muna ako kay betina kung kamusta na siya o buhay pa ba or nalunod na char.
Habang nag lalakad ako nararamdaman kung may sumosunod sa akin pero hindi ko na lamang pinansin ito.
Nang naka pasok nako sa mall nilibot ko muna syempre yung paligid at napadaan ako sa isang sikat na brand ng mga damit , pumasok ako sa loob para tumingin tingin pero syempre di ako bibili hehe.
Siguro kung hindi ako lumayas ubos na lahat to pero siguro kung hindi din ako lumayas malamang hindi ako masaya sa buhay ngayon hays may mga bagay talaga na akala mo para sayo na pero hindi pa pala.
Habang tumitingin tingin ako sa mga damit ng biglang may humatak ng braso ko.
"Hey! Farridah Velgara right? Sabay ngisi ng babaeng humatak ng braso ko .
Dahil sa gulat nabitawan ko ang dress na hawak ko at biglang pinulot ito at binalik sa pinagkuhanan ko, hinarap ko ang limang babaeng mga hindi kagandahan lalo na yung humatak sakin.
" bakit?" Tanong ko rin sabay ngisi kala ninyo ha.
"Im cheya gab's girlfriend" walang kwentang sabi niya.
"Oh my gosh so cheap naman pala this girl look at her outfit, san binyag girl?" Maarteng sabi ng isa at tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa.
"Me?cheap? excuse me ha? Baka ikaw yung cheap ang arte arte mo para sabihan akong cheap eh mas maganda pa ako sayo te" galit na sabi ko.
"Hindi na ako mag paligoy ligoy pa pwede ba tigilan mo ang pag pa-pa empress sa boyfriend ko halos hindi na siya nag te text sakin dahil palaging bar nalang ina atopag dahil sa kalandian mo at balita ko nga galing na galing daw siya sayo kaya parating malaki tip mo!" Halos maputulan na ng ugat yung cheya sa harapan ko.
Pinag titinginan na kami ng mga tao ngayon yung iba nag vi-video pa KAPAL.
" Oh bakit parang kasalanan ko pa kung boring ka? Alam mo wag ako pag sabihan mo yung boyfriend mo pag sabihan mo dahil trabaho ko yung sumayaw at wala na akong pake kung mag away kayo kasi ginagawa ko lang ang trabaho ko ng maayos." Parang iiyak na ako dahil ayaw ko talaga na pinag uusapan ang trabaho ko sa ganitong pamaraan.
"How dare you to say that! ang sabihin mo gusto mong ahasin ang boyfriend ko, Bakit huh? Ilang lalaki na ba na ahas mo or should i say na kama mo?" Hasik niya pa sa akin
"Unang una wala ka ng pake kung ilan na na kama ko bakit gusto mo ba eh kama din kita? At wag mo akong tawaging ahas dahil hindi ko nga kilala boyfriend mo wag kang tanga" matapang na hasik ko din sakanya.
Humakbang na ako para sana umalis dahil madami na ang nag titinginan sakin ng biglang hinila nila ang buhok ko pinag tulongan nila akong lima halos umiyak na ako dahil hindi pa din sila tumitigil pinunit pa nila ang dress na sout ko ,yung ibang tao ina awat na sila yung iba video pa din
"Ito yung bagay sayo ahas ka" sabay ngisi ni cheya
Biglang dumating ang mga guards at pinalabas silang lima naiwan akong umiiyak at parang isang tapik nalang mahuhubadan na.
Sobrang sakit ng nararamdaman ko kasi dahil sa trabaho ko kaya ginaganyan nila ako umiiyak pa din ako dahil sa mga pasa at kalmot sa katawan ko ng biglang may yumakap sakin at pinasout niya ang jacket niya sakin para matakpan ang katawan ko at bigla niya akong binuhat palabas ng mall.
BINABASA MO ANG
Love Shot
Romancemeet Faridah Velgara the sexy club dancer and Klyde Patrick Sy the Jerk (luul) kaya ba nilang lampasan ang hamon ng tadhana?o kaya hahayaan nalang mabura ang pagmamahalan nila? ABANGAN NYO KUNG ANO ANG EXCITING NA MGA KAGANAP GANAP!! READY COMMENT A...