Buhat buhat niya parin ako hanggang sa maka pasok kami sa sasakyan niya at agad niya itong pina harurot pa alis ng SM.
"Teka saan tayo pupunta?" Tanong ko sabay daing ko dahil sa mga sugat na natamo.
"Sa bahay ko" diritsong saad niya.
Hindi na ako umimik pa dahil naka tulog ako sa byahe dahil na rin sa sakit ng katawan.
At nagising nalang ako dahil binuhat niya nanaman ako papasok sa malaking pinto , Ang laki ng bahay niya parang ganon din sa mansion namin.
"Pwede ba eh baba mo na ako" medyo akward kung sabi
Pero patuloy parin sya sa pag lalakad hanggang sa umabot kami sa isang kwarto at agad niya akong hiniga nasa akin pa din naka tapis ang jacket niya.
"My room" tipid niyang sabi.
Agad nilibot ng mata ko ang kwarto niya sobrang laki at black ang theme pati kama
"Thankyou Mr.sy" nahihiyang sambit ko sakanya
"Just call me klyde" tipid parin niyang bigkas
"Umm bakit dito mo ko dinala klyde?dapat sa bahay nalang namin" pa bebe kung sabi kasi naman ang gwapooo.
"Hmm I was about to ask you kanina tulog kanaman kaya dito nalang at papunta na dito si doctor. Fernandez para gamutin ang mga galos mo" seryosong sabi niya.
Oo nga naman knock out nga naman kasi kanina ang lola niyo
"Huh?nako nag abala kapa eh kaya ko na to at uuwi nako nakakahiya Naman if i stay here pa" tatayo na sana ako ng pigilan niya ako
"Wag na dito kana mag dinner hahatid nalang kita mamaya mag pahinga ka muna at mag bihis" sabay abot niya sakin ng isang over size t-shirt
Agad ko naman kinuha yung t-shirt at agad nag hubad huli kona natanto na nandyan pala siya sa harap ko nakita ko siyang nag iwas agad ng tingin saka ako ngumisi at nahuli niya ang pag ngisi kung ito.
"Stop laughing mag pahinga ka na muna" seryosong sabi niya at tinalikuran ako
Maya maya dumating na din ang doctor na gagamot sakin at mabilis lang din ang pangyayari pagka tapos nun ay agad din akong naka tulog dahil sumasakit pa din yung mga sugat ko
Nagising ako dahil sa ingay ng cellphone ko at ng tingnan ko nag alarm pala ,nilibot ko ang tingin ko sa paligid ng kwarto ni klyde ng biglang may pumasok na isang babae sa kwarto.
"Ma'am pinapatawag na po kayo ni sir sa baba para mag hapunan" magalang na sabi ng babae.
Agad naman akong tumango at bumaba na din, naabutan ko siyang naka upo na at mukhang ako nalang ang hinihintay maraming pagkain ang mga nakahain pero mukhang dalawa lang ata kami kakain.
"Kumain kana" malamig niyang sabi
Nag simula na kaming kumain tahimik lang kami pero hindi kasi talaga ako sanay na tahimik gusto ko daldalan eh kaya binasag ko ang katahimikan.
"Ikaw lang ba nakatira dito?" Tanong ko
Tumingin siya sakin at nag patuloy sa pag kain
"Eh sino tumawag sayo kanina multo?" Pa balik na tanong niya sakin
Ay grabe si koyah
"What? No I mean maliban sa mga kasambahay mo" maarte kung sambit
Parang hindi siya interesado pero sumasagot naman.
"My parents is out of the country for business" sambit niya
"Ahh kaya naman pala siguro madami ka ng nadalang babae dito no?nako palagi ka sa club alam ko yan"
Tiningnan niya ako ng masama bago mag salita.
"Shut up ang ingay mo" supladong sambit niya
Nanlumo ako dahil akala ko ako lang dinala dito madami na pala amfee talaga ako amfeeler , tiningnan niya ako at nakita niya ang reaction ko.
"Wala akong dinadalang babae dito ubosin mo na yan at hahatid na kita" sabi niya na nakatingin parin sakin.
"Tsk okay wala naman akong pake" sabi ko at umirap sakanya.
Nag iwas nalang siya ng tingin at nag patuloy sa pagkain, totoo kayang ako lang? Feel ko na talaga char
Matapos kumain naghanda na ako para umuwi papunta ako ngayon sa kwarto niya upang sabihin na ma uuna na ako .
Kumatok ako sa pintuan at agad naman bumukas ito.
"Umm uuwi na sana ako kasi pa gabi na din sobrang nakaka abala na ako sayo at salamat dahil dinala mo ko dito at pinakain na din pero sayang hindi ikaw yung nakain char i mean the food is really good." pangisi ngisi kung sabi sakanya
Madilim ang mga mata niya na nakatingin sakin at hindi mo talaga mababasa kung anong sinasabi ng mga mata nito.
"Hintayin moko sa baba hahatid na kita" seryusong saad nito
*
"Nako nakakahiya naman sayo okay naman ako sa taxi nalang" sambit ko
Pero gusto ko talaga eh hatid niya ko makakatanggi kaba naman pag ito hahatid sayo nako pero syempre dalagang pilipina yeah ka muna hehe.
"Bumaba kana hintayin moko sa ayaw at sa gusto mo hahatid kita" sabi nito at tinalikuran siya.
Bumaba nalang siya at hinintay ang binata sa labas habang hinihintay niya ito muli niyang na alala ang nangyari sakanya kanina sa harap ng madaming tao at hindi niya iyon malilimutan at sigurado siyang magkikita pa sila ng mga bruhang iyon at sisiguraduhin niyang ma jujumbag niya na ang mga iyon.
Nang nasa byahe na sila tahimik lang silang dalawa habang papunta sa bahay niya
"Nag aaral ka ba?" Basag ng binata sa katahimikan
"Umm o-oo naman bakit mo na tanong?" Pag sisinungaling niya
Well mag aaral naman talaga kami ni betina pag may ipon na at maayos na trabaho yung malaki ang sahod at hindi nakaka baba sa pagkatao.
"Ilang taon kana ba?" Tanong uli ng binata.
Tito boy?
"Umm 20" tipid kong sagot
Muling nag hari ang katahimikan ng makarating na kami sa labas ng tinitirhan namin ni betina syempre alone nanaman ako wala dito ang lola niyo hays.
"Umm nandito na tayo dito na bahay namin eh pasensya na ha cute yung bahay namin syempre like me diba"
sabay ngisi ko na awkward
Tipid naman siyang siyang ngumiti
Luhhhh ang GWAPOOOO!!
"Salamat talaga ha! nako hayaan mo babawi ako sayo " sambit ko na kina ngisi niya
"Talaga?ano namang klaseng bawi ang gagawin mo? Sabay pilyong ngiti niya
Aba aba aba koyah ha wag me ene be keseng bewe yennn
"Bakit anong bawi ba gusto mo?" Sabay haplos ko sa dibdib niya
Tiningnan niya lang ako ng madilim at nag iwas ng tingin
"Ilagay mo nalang dito yung number mo" sabay bigay niya sakin ng iPhone niya
Agad ko naman inabot at nilagay dun ang number ko at akmang baba-ba na ako ng sasakyan ng hilahin niyang ang kamay ko dahil hindi ko daw binalik phone niya HAHAHAHAHAHA charr ,hindi ganun ang nangyari noooo.
Hinila niya ako at hinalikan sa labi yung sabik na halik
Pero agad din niya akong pinakawalan natulala ako at biglang bumaba na sa kotse niya.
"See you tommorow" aniya at napatango nalang ako habang tulala parin.
"Good girl" aniya at umalis.
......................................
Hi guys! Please vote and comment din po kayo para sana malaman ko kung may interested ba HAHAHAHA pero if Wala okay Lang din po mag uupdate parin po ako love u all!!!♥️
BINABASA MO ANG
Love Shot
Romancemeet Faridah Velgara the sexy club dancer and Klyde Patrick Sy the Jerk (luul) kaya ba nilang lampasan ang hamon ng tadhana?o kaya hahayaan nalang mabura ang pagmamahalan nila? ABANGAN NYO KUNG ANO ANG EXCITING NA MGA KAGANAP GANAP!! READY COMMENT A...