1: Jealous

89 0 0
                                    


Agad kong tinanggal ang seatbelt nang nakapagpark ang MUX niya sa usual parking space.

"Thanks," Salita ko. Agad kong niyakap ang dala-dala kong laptop at naghanda para lumabas sa shotgun nang bigla siyang nagsalita.

"3:00 PM pa round ko."

I turned to him and smiled. "I'll be there."

"You sure? Busy ka ata ngayon," His brows meet. Kumunot din ang noo niya. Tila nang hahamon ang kanyang tono.

Is he implying na hindi ako sisipot? Lahat ata ng mga taekwondo games niya dito sa school ay nakita ko na. Ngayon pa ba siya magdududa?

"I'll be there." Ulit ko. This time, with conviction.

Teka, bakit ba siya nagkakaganito? Hindi naman siguro ako required na pumunta sa mga games niya. Kaya niya naman sigurong sumipa kahit wala ako!

"Okay. Wait for me. Hatid kita sa conference room mo." Agad siyang lumabas sa driver's seat. Lumabas na din ako habang kinukuha niya ang gamit niya sa likod ng sasakyan.

Nanatili ako sa kabilang side ng sasakyan at naghintay na matapos siya. Hindi nagtagal ay nagpakita na siya. Hudyat na 'yun na tumayo ako nang maayos dahil nakahilig ako sa sasakyan niya. Agad na 'rin ako naglakad.

"Akin na," Agaw niya sa laptop ko. Hindi ko naman inakalang kukunin niya kaya hindi ko na siya pinigilan pa.

As if hindi ka na sanay, Lumi.

Medyo naunang maglakad si Archer. Hindi ko na hinabol pa. Kontento na ako sa aking bilis. Hindi naman kailangan palaging magsabay sa lahat ng bagay diba?

I stare at his broad back. Naka-hang sa kanan balikat ang kanyang gym bag. His right hand is clutching my laptop. He's wearing the usual clothes before his games. White v-neck shirt, athletic shorts, socks, at all-black slides. Katamtama lang ang cut ng buhok niya, quiff where the front part ends with a bit of curls. His long legs explain why hindi ako makahabol sa mga hakbang niya. He is six one tall and I would probably look short beside him, around seven inches shorter.

Pagkadating na'min sa building, dumiretso kami sa elevator and he immediately pressed the button on the elevator at pumasok kami. He pressed 4 dahil doon naman ang reserved conference room ng mga kagrupo ko.

Hindi lang kami ang nasa loob ng elevator. There were a bunch of other people too. The girls in front of us were looking back dahil kay Archer.

Napangisi na lang ako at yumuko. This happens often. Actually, always. Girls have always fixed their eyes on good-looking guys, on Archer. Well, I cannot deny that. Paano ba 'yan? My flatmate really has the looks. His lineaments are definitely masculine, especially the jaws and eyes.

Archer. That says it all.

Huminto ang elevator sa fourth floor kaya agad kaming lumabas. He began walking slowly.

Did he notice how slow I was?

I stopped in front of the conference room. Ganoon din siya. I extended my hands to get my laptop from him, pero hindi niya ito binitawan.

"3:00 PM, Lumi." Paalala niya.

"I'll be there," Ulit kong sabi. This time, with much assurance. Tinitigan ko ang mga mata niya.

His gaze has always been dark. The way he looks at me always screams authority and respect. They don't really hurt if you don't do anything stupid in front of him.

He releases my laptop from his firm grip and hands it gently to me. He pulled the glass door para makapasok ako. Agad akong pumasok at agad din siyang umalis.

Dulo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon