2: Care

64 1 3
                                    

I sit on my bed for a couple of minutes bago kumilos. I do this everyday. I somehow give myself time to think of, question, and organize my day.

Mom has taught me this. Sabi niya, hindi raw maganda kung magpadalos-dalos ka sa mga bagay. Mas mainam raw kung pagpaplanuhan mo muna.

Kaya heto ako. Nakaupo lang at nakatunganga.

The problem today is I don't have anything to think of, question, and organize. Since one whole week ang intramurals, cancelled lahat ng classes ng undergraduate. Wala naman kaming pinagkakaabalahan ngayon dahil most of them are for polishing na lang. Iyong ibang klase pa ay hindi nagbigay ng advance projects at readings. Parang pinagpapahinga kami ng department.

Kinuha ko ang aking journal at napatingin sa schedule ko today: empty. Napakamot ako ng ulo. Walang doctor's appointment, organization meetings, at iba pa. Walang nakasulat. Hindi ko pa schedule ang pagluluto ngayong araw na ito dahil si Archer ang nakaschedule. 

Nagpapasalamat ako at hindi ako busy sa araw na ito, pero ano naman ang gagawin ko?

Tutunganga?

As if on cue, may mga katok akong narinig sa pintuan ko at bigla itong bumukas. It's Archer.

For some reason, he always appears by the door at the right time - just after I wake up. I never knock on his door dahil maaga siyang gumigising. I find him sitting by the counter when my schedule is up. He almost never sleeps in. 

Buti na lang at kahit binubuksan niya ang pintuan ko ay hindi kailanman niya ito nagawa habang nagbibihis o naghuhubad ako. Napaka-awkward naman kung ganoon. 

"Morning." Bati niya. Binati ko siya pabalik.

Now, I want to know this guy's secret. He wakes up fresh and fully rejuvenated from sleep. The strong scent of musk has reached my senses. He even looks so neat on his gray shirt and hoff shorts. 

On the other hand, I  look immensely tired and haggard at talagang hindi na ako nahiyang harapin siya sa umaga na hindi pa nakapaghilamos at sipilyo. 

"Breakfast." Sabi niya. Agad akong tumango at sinara na'rin niya ang pintuan. Bago lumabas ng kwarto ay minabuti kong maghimalos at magsuklay ng kaunti. Hindi ko na kailangang magbihis pa dahil disente naman ang suot ko. Nakapambahay lang na sweatpants at tshirt.

He was by the counter noong bumaba ako sa hagdan. Doon na nakalapag ang pagkain na'min.

I thank God that he definitely knows how to cook. In fact, I was shocked that he knows how! It seemed to me at first na siya 'yung tipong palaging busy sa pag-aaral at sa extra-curricular activities lamang. 

Tahimik akong umupo sa counter stool at agad sinimulan ang pagkuha ng pagkain. Nakatunganga lang ako sa plato ko. Dahan-dahan kong nginuya ang pagkain, nagiisip pa'rin kung paano ko lilibangin ang sarili sa araw na ito.

"You're awfully quiet." He commented. Napatingin naman ako sa kanya. I simply shrugged. 

Kanina niya pa ba akong tinititigan? 

"What are your plans today?" Tanong niya sabay inom ng juice.

"Mananahimik." Sagot ko. He chuckled. I suddenly had the urge to explain. "I mean dito lang ako sa pent. Ikaw?"

"Uni. Manonood siguro ng games. Wanna join me?" Pag-aaya niya. 

Lumaki akong may asthma at anaphylaxis kaya hindi ako masyadong nakapaglaro sa labas. Kung mayroon mang pagkakataon, iyon ay hindi ko na maalala. Most of my days were made indoors. Chess, scrabble, word factory, at i-ilang family board games lamang ang napaglaruan ko. Hindi ko 'rin naging hilig ang pagpapanood ng sports sa TV. Madalas ay hindi ko naiintindihan eh. 

Dulo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon