5: Rely on me

62 0 0
                                    


"Eat more," Sambit ni Archer nang nagsimula akong magligpit ng aking pinagkainan.

"I already did."

"Sit. More." Ikli niyang sabi at tahimik na kinain ang kanyang blueberry pancake, his left forearm resting right above the counter just before his very own plate. He is leaning by his elbow.

Hmpt.

Ngumuso na lang ako at naupo. Hindi naman siya nangingialam noon. Ngayon, parang tatay ko na kung makapag-utos.

Kumuha ulit ako ng avocado at inilagay ito sa plato ko. I hear him groan.

"Are you trying to lose weight? Are you trying to get any paler?" Malamig niyang tanong. Umiling ako.

"Good. Eat your pancakes." Seryoso niyang sabi. "Who eats plain avocados for breakfast?"

Apparently, I do!

Napabuntong-hininga na lang ako at kinuha ang natitirang pancakes. Madalas kasi akong walang ganang kumain sa umaga kaya hindi ko na pinipilit ang sarili na kumain pa.

Tsaka, baka sabihin niya namang nagsasayang ako ng pagkain...

Nang natapos ay agad kong niligpit ang pinagkainan na'min. Pumanhik naman si Archer at hindi nagtagal ay bumaba naman siya dala-dala ang kanyang leather sling bag.

"Arch," Tawag ko sa kanya. Inilagay ko muna sa dish rack ang nahugasan pinggan. Muntik pa akong makabasag dahil nabitawan ko ito sa walang dahilan. "I'll use my car today."

I see him holding his car keys when I informed him of my plan. He then threw me a confused look.

It has been quite some time simula noong sumasabay na ako sa kanya papunta at pauwi galing uni.

His confused expression relaxes. He then opens his bag ang drops his car keys inside.

"Do you want to drive? Or do you want me–" Agad kong pinutol ang pagsasalita niya.

"Uh no. I will be using my car today. I have to pick up things for this Saturday's visit, kaya mauna ka nang umuwi mamaya." Paliwanag ko.

Bibisita ang volunteers ng AEO sa orphanage ng Dior. This year, nagvolunteer din ako sa organizing committee kaya medyo naging busy ako sa mga nakaraang linggo.

Mom decided to extend help by adding supplies to what we already have kaya laking tuwa ko nung tumawag siya at sinabing pwede ko na raw pick up-in ang mga donations. Plano ko sanang ihatid ang mga kukunin sa org room para naman mahanda na na'min for Saturday.

"Okay." He said, acquiescing to my plan. "Let's go?"

Nang nakarating sa parking lot, I made my way straight towards my car's door. Bubuksan ko na sana nang bigla siyang nagsalita.

"If you have to pick up a lot of supplies, we can use my car." He coolly said.

Napaisip ako. Mom says what I need to pick up is of good quantity. I'm not even sure if everything would fit my car. I was thinking of taking two trips...

"Hindi mo ba gagamitin ang sasakyan mo today?" Tanong ko. It actually is a good offer. Mas may space ang MUX niya kesa sa Rogue Sport ko.

He grins boyishly. He must have found something amusing in what I just said.

"What I'm saying is let's just use my car." Malinaw niyang sabi.

Let's? Sasama siya?

"Hindi ba't busy ka?" Tumango lang ito.

Dulo.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon