Chapter 15 Engagement Party

11 0 0
                                    

Nag mamaneho ako papuntang condo namin ni Aki, hindi ko parin alam kung pano nya nagawa yun.

"bat ka nandon?" pagbasag ko sa katahimikan namin.

"pumunta ako sa mansion pero walang tao kaya tinawagan ko si kuya. eh nasa bar daw sya kaya-"

"fuck. Aki alam kong nandun kuya mo edi sana umupo kanalang sa tabi nya, hindi yung nakikipag sayawan kapa sa iba" pagputol ko sa sasabihin nya.

"bakit? sayo lang ba ako pwede makipag sayaw" taray nito sakin na ikina tahimik ko.

Naka rating na kami ng condo at pinark ko na ang car, nauna na si Aki sa condo, kaya pupunta nadin ako. dahil sira ang elevator ay nag hagdan nalang ako, my nakita akong patak ng dugo, kaya nag madali akong umakyat sa hagdan ng makita ko si Aki.

Naka upo ito at tinitignan nya ang dugo sa bandang binti nya kaya agad akong lumapit.

"anong ng yare" yun agad lumabas sa bibig ko.

"hindi ko na malayan na my bubog pala na bumaon sa binti ko kanina" pilit nitong ngiti.

Hinawakan ko ang binti nya "masakit ba?"

Umiling lang to na nagsasabi ng hindi. kinuha ko ang tuxedo na nasa balikat nya at tinali ko sa bewang nya na parang jacket at umupo ako sa harap nya.

"b-bakit ka naka ganyan?" takang tanong nya.

"sakay" seryoso kong sabi.

"pero mabigat ako" nahihiya nitong sabi.

"sakay na" inis kong sigaw sakan nya, bakit pag dating sakan nya hindi ko maiwasan na mag alala.

Hinawakan ko ang kamay nya at nilagay ko sa balikat ko, kaya lumapit sya at sumalabay na.

tahimik kaming nag lalakad papa akyat ng hagdan at inaamin ko medyo mabigat sya sa payat ng katawan nya.

"baba mo na ako" hindi ko sya pinansin.

"bakit?" Irita ko.

"nahihirapan kana" kumurap lang ako.

"hindi!... magaan kalang" pag sisinungaling ko.

"ahh ok" natahimik kami "Noro sorry kung na sigawan kita kanina" panghingi nito ng paumanhin sakin at lalong ni yakap ang leeg ko.

Naka rating na kami sa condo,dahan dahan ko syang inupo sa sofa at kumuha ng first aid kit, tinangal ko muna ang bubog at ginamut na.

ⓐⓚⓘ ⓟ.ⓞ.ⓥ

Ginagamot ni Noro ang sugat ko ngayon, habang ako naka tingin lang sakan nya.

sana lagi nalang kami ganto. nag aaway pero magkaka ayos din naman.

"pano mo nagawa yun?" seryosong tanong nya habang naka tingin parin sa binti ko. Nabigla ako sa tanong nya.

"huh! ang alin?"tanong ko dito na my halong pagtataka.

" yung pag ilag mo sa bote, pagsalo mo sa kamay ng lalaki at pag ilag mo sa mga suntok... Pano mo ginawa yun?"napa tingin ito sakin at tinitigan ako ng napaka lamig na tingin.

Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Umiwas ako ng tingin" ahh ehh... Malay ko"palusot ko at tumayo.

"hindi mo masasabing malay yun" seryoso nitong sabi at tumayo sa harapan ko.

"a-ano ba Noro" tinulak ko sya at naglakad papuntang hagdan.

"pano nga Aki!?" sigaw nito sakin na iki na lingon ko, humawak ako sa hawakan ng hagdan.

"kung sasagutin ko ang tanong mo, ito lang masasabi ko" seryosong ang muka ko. " secret" nginitian ko sya ng malawak at kinindatan sya, umakyat na ako sa kwarto.

That Guy Become My Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon