Napa tingin ako kay Kiro. Nakatingin sya sa cellphone ko. Hindi ko akalain na my picture pala si Aki sa cellphone ko. Yung picture na natutulog si Aki. Yung picture na unang beses ko syang naka tabi sa kama. Yung picture na nasa kwarto nya kami natulog at yung picture noong panahon na Fiance ko pa sya.
"Ang cute ni mommy"
mahina lang ang pagkakasabi nya pero sapat na para marinig namin ni dad. Dama ko sa boses nya ang pagka miss nya sa mommy nya. Alam ko naman yon eh. Pero sa tuwing hinahanap nya ang mommy nya. Feel ko na out of place ako. Feel ko napaka walang kwenta ko ngayon.
Biglang tumulo ang luha ni Kiro sa cellphone ko. Hindi ko alam ang gagawin ko ngayon. Satingin ko mag ngangawa nanaman sya.
"Mommy i miss you!" Pinunasan nya yung luha nya "mommy kunin mo na ako rito! Miss na kita!"
"Kiro diba big boy kana!" Tumingin si Kiro kay dad. Tumango tango naman si Kiro "ohh big boy kana pala eh. Don't cry na!"
"I miss my mommy" naka busangot sya "i want to see her" umiyak nanaman sya. Niyakap sya ni dad at sumandal naman sya.
"Don't cry na! Pag magaling kana! I'm sure papayagan ka ng daddy mo na pumunta sa mommy mo!" Naka yakap lang si dad. Habang ako naka titig saka nila. Tumingin bigla sakin si Dad.
Alam ko ang gusto nyang sabihin sa tingin nya palang. Magagawa ko ba ang gusto nya? Hindi naman sa hindi ko kayang gawin, kaya lang ayaw kong gawin. Ayokong umiyak si Kiro at malungkot. Ayokong nakikitang lumuluha sya, siguro ngayon na titiis ko pa sya pero alam kong dadating ang panahon na hindi ko na kakayanin at hindi ko na sya kayang tiisin.
Biglang huminto ang sasakyan. Kaya naman napa tingin kami kay Ziggi.
"Mga Master nandito na po tayo" tumingin ako kay dad at Kiro. Tumahan naman na si Kiro pero hindi mo makakaila na malungkot sya.
"Big boy alika na!" Aya ni dad. Binuksan naman ni butler Ziggi yung pinto ng ban. Tumayo na si Kiro pati narin si dad.
Unang bumaba si dad at lumapit naman si Kiro. Binuhat ni Dad si Kiro pababa. Sumunod naman ako.
"Ziggi gusto mo bang sumama?" Napa lingon si Ziggi kay dad.
"Hindi na po. Baka maabala ko pa po kayo. Tawagan nyo nalang po ako pag pauwi na kayo" ngiti nito.
"Okay"
Nagpaalam na kami kay Ziggi at pumasok na ng mall. Tahimik lang si Kiro habang hawak ang phone ko na my picture ni Aki. Nauuna syang maglakad samin ni dad, habang kami pinag mamasdan lang sya.
"Bakit ka my picture ni Aki sa phone mo?" Mahinang tanong ni dad. Siguro ayaw nyang parinig kay Kiro.
"Matagal na yan. Nakalimutan ko na nga yong tungkol don" mahina ko rin na sabi.
" yan ba yung araw na ginawa nyo si Kiro" feeling ko tumaas bigla lahat ng dugo ko sa katawan.
"D-Dad hindi yan yung araw na nagawa namin si Kiro. At isapa accidente lang ang ng yare! Lasing kami non that time" si dad kase mapag biro.
"So hindi mo gusto si Kiro" napa tulala ako.
"Hindi yun ang tinutuko-"
"Parang yun kase ang lumalabas" seryoso nanaman sya sa binibitawan nyang salita "oo accidente lang si Kiro sainyo pero tandaan mo anak mo parin si Kiro"
"Alam mo dad. Oo accidente lang namin sya, pero salahat ng accidente" napa tingin ako kay Kiro at napa ngiti "sya ang accidente na nagustuhan ko"
Tama! Si Kiro ang accidente na naging masaya ako. Ayoko syang mawala at baliwalain ako. Kaya nga kinuha ko agad sya kay Aki kase gusto kong tumbasan ang pag mamahal ni Aki sakan nya. Hinawakan ni dad ang balikat ko.
BINABASA MO ANG
That Guy Become My Husband
Mystery / ThrillerIkaw ay binigyan ng sweet at mapagmahal na kaibigan at pamilya ang suwerte diba.... Pano kung ikaw ay i-arrange sa taong hindi mo kilala at hindi mo pa nakikita, tapos ng nagkita na kayo para kang sira dahil yung inarrange sayo malapit lang pala say...