Chapter 36 Picture

13 0 2
                                    

Hindi ako mapakali sa kinaka upuan ko. Hindi talaga mawala sa isip ko kung gaano ako nahiya kagabi. Ikaw ba naman pag diskitahan ng dalawang tukmol. Akalain mo ba namang itanong sakin kung bakit ako na mumula at piliting sabihin ang nangyare samin ni Jack.

Asa naman sila! I'm not crazy anymore.

Tumayo ako sa swivel chair ko at naglakad papunta sa view ng city. Nakikita ko mula dito ang kalsada at building ng ibang company.

Tumatama ang sikat ng araw sa buo kong katawan. Maaga kase akong pumasok ngayon. Kala ko kase ay maraming trabaho ngayon. Yun pala ay tinapos na lahat ni kuya kahapon. Binigay nalang sakin ni Annet yung limang paper work. Kakadating lang daw kase kanina.

Napa dako ang tingin ko ng biglang bumukas ang pinto. Namilog ang mata ko at hindi ko inaasahang pupunta dito si Noro.

"why are you here?" agad kong tanong. Hindi ko alam kung ano ba ang tumatakbo sa utak nya, kung bakit sya pumunta dito ngayon.

"nothing... Naboring kase ako sa bahay ni dad" tumingin to ng deretso sa mata ko. Napa iwas nalang ako ng tingin.

" edi sana namasyal ka nalang"

"wala kong kasama"

"ano ka? bata! Dapat laging my kasama!"

"bata karin naman ahh... Isip bata ngalang" luminga linga ito, habang nag sasalita. Ano ba tinitignan nya.

Ewan ko kung mapipikon ako o hindi. Ayoko naman umaktong immature. Gawain lang yon nila kuya. Hindi ko style yon.

Pumunta nalang ako sa sofa. Kase naman, sya ang umupo sa swivel chair ko. Ngayon naman binabasa basa nya ang work papers ng company. Pakilamero.

"wala ka bang magawa sa buhay mo" bigla nalang lumabas sa bunganga ko.

"wala" simpleng sagot nito. Nagpakawala nalang ako ng hangin.

"sa company ng dad mo? Malamang my problema don" random na ang utak at pananalita ko ewan ko ba. Gusto ko lang talaga sya paalisin. Naiilang kase ako at hindi ako maka kilos ng maayos.

"wala!"

"panong wala?"

"natapos ko na ang lahat ng paper work ko at walang dadating na iba pang paper work ngayong araw" so! kaya sya nandito ay dahil na bo-boring sya at wala syang mahalungkat na gagawin sa company nila.

"sa nakaraang two years!?" nagka tinginan kaming dalawa. Sabay kase kami sa pag sasalita at same pa ang sasabihin.

"you go first" cold na sabi nito na ikina ikot ng eyeballs ko.

"no ikaw muna"

" nahiya pa" mahinang sabi nya pero sapat para marinig ko.

"ok fine! Sa naka rakaraang two years. Ano ang ginawa mo?" pag uumpisa ko.

"nothing. Tatlong lugar lang naman ang pinupuntahan ko ehh" walang emotion ang bawat pangungusap na lumalabas sa bibig nya.

"tatlong lugar?"

"yeah! Company, bar at bahay namin ni Nami. Yun lang  ang pinupuntahan ko" napa kurap nalang ako.

Hindi ko alam pero ang sakit parin talaga. Parabang tinutusok ng daang daang karayong ang puso ko. Wala talaga syang alinlangan sa mga sina sabi nya. Hindi nya ba alam na naging fiance nya ko, at kailangan pa talagang sabihin na magkasama na sila sa iisang bubuong. Sabagay ano paba maaasahan ko sa lalaking mysteryoso.

"ohh! I see" tanging nasabi ko. Napa tingin nalang ako sa lapag.

"are you done questioning me?" napa tingin ako sakan nya at tumango " so it's my turn. Sa nakalipas na two years. What are you doing here?" napa lunok nalang ako.

That Guy Become My Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon