ⓣⓗⓘⓡⓓⓟⓔⓡⓢⓞⓝ ⓟ.ⓞ.ⓥ
Isang lingo na ang nakakalipas mula ng maka alis sila sa isla. Sa isang lingo ding yon ay hindi parin gumigising ang amang si Gavin. Minamadali din ng ina ni Aki ang pag aayos ng kasal ng dalawang magkasintahan. Si Noro naman ay laging tutok sa trabaho o dika'y sa anak. Pupunta at mag lalaan talaga to ng oras para pakasama ang anak nito. Hindi lang ang anak nito ang pakay nya sa bahay ng ina ng anak nya, kundi ay bantayan din ang ina nito. Naguguluhan man sya kung bakit nya ginagawa yon ay sinasawalang bahala nya nalang dahil alam nya sa utak nya na my nobya na sya na dapat ay pinag tutuunan nya ng pansin.
Naka upo sya sa kanilang sofa sa bahay kung saan nakatira sila ng nobya nya. Nakaharap to sa lamesa kung saan ay kaharap nya ang laptop at ibang pang papeles na inuwi nya galing sa trabaho para lang magkaroon sya ng time sa nobya nya.
Nag baba ang nobya nya ng bagong timplang juice at cookies sa likod ng laptop nya at umupo sa kaharap na sofa nito. "Noro pwede ba tayong mag usap?" marahan at nag aalangan ang tono ang pananalita nito dahil sa kabang na darama nya.
Napahinto sa ginagawa ang binata at takang tumingin sa nobya nya. Maharil ay nag tatakarin ito dahil sa pag tawag sa kanya ng kanyang nobya sa pangalan nito at hindi sa endearment na kalaunan nitong ginagamit. matamang tinignan nya ang dalaga. "my problema ba?"
Nag tama ang paningin nila sa isat isa, nagulat man ang binata sa seryosong tingin ng dalaga sakanya ay hindi nya na inyon pinag tuunan ng pansin at sahalip ay hinintay ang dalaga sa pag sasalita. "wala naman"
"so... Anong pag uusapan natin?" naguguluhang ani ni Noro.
"tungkol satin" kung kanina ay nag aalinlangan ito, ngayon ay hindi na.
Binaling uli ni Noro ang mata sa laptop at sinusulyapang tinitignan ang hawak nitong papeles. "don't worry inaayos ko nayon. I'll make it faster para maunahan nating magpakasal sila Aki"
Napatulala nalang ang dalaga sa nobyo nito at di kalaunan ay tumulo ang luha. Napatigil uli sa ginagawa ang binata dahil sa pagtahimik ng dalaga at ng tumingin sya dito ay agad syang napa tayo, lumapit sya sa dalaga para patahanin ito pero isang iling lang ang nakapag patigil sakanya.
"wag kanaman umiyak. Alam kong natagalan. Kaya nga pinipilit kong mauna tayong ikasal kila Aki eh" alala nito. Ang alam kase ng binata ay umiiyak ito dahil sa saya pero nag kakamali ito. Umiiyak ang dalaga dahil sa hagang ngayon ay nasama sa usapan ang matalik nyang kaibigan.
"Noro... You don't understand" mas lalong nagtaka ang binata sa sinabi nito.
"bakit mo ko gustong maka usap?" mahinahon parinto at hindi alintana ang naiisip ng dalaga.
Pinahinahon nya muna ang sarili para masabi ng deretsa ang gusto nyang sabihin. Pinahid nya na ang luha at malalim na nagbuntong hininga. Tumingin sya ng seryoso dito. "i want to break up with you"
Ngumiti ang binata sa kaisipang niloloko lang ito kahit na alam nyang seryoso ito. "Are you joking? Well it's not funny" someryoso na ito. "ngayon pa na inaasikaso ko na ang kasal natin?"
"kasal na dapat matagal mo ng ginawa!" panunumbat nito. "Noro mahal mo ba talaga ako"
Tumawa ng bahagya si Noro. "ano bang tanong yan Nami? Ngayon kapa talaga nag drama kung kailan inaayos ko na ang kasal nati-"
"Noro hindi ako nag dra-drama. Pag balik ko palang dama ko na na parang my nag iba. Alam mo ba kung gano kahirap na kababalik ko palang sayo pero parang pinapaalis na ako" humikbi na to at napapaos na dahil sa di mapigilan na emotion.
Naalala nya no'ng panahon na kababalik nya palang pero nasabihan agad sya na my fiance na ito, sinabihan pa sya at pinaki usapan ng kaibigang si Morn na kung pwedebang hayaan nalang nya na maging masaya ang taong mahal nya sa iba at magpaka layo layo nalang sya dahil sa huli ay sya lang daw ang masasaktan. sumikip ang dibdib nya sa narinig sa kaibigang walang pasentabi syang tinalikuran paalis. Pero hindi nya ginawa ang sinabi nito, dahil sobrang mahal nya ang binata at ang nababalita sakanya ng kasama nya sa gang na nag aaral din sa paaralan nito ay naging malamig ang pakikitungo nito simula ng mawala sya. Kaya natuwa ito sa kaalaman na nag bago ito dahil sa kanya.
BINABASA MO ANG
That Guy Become My Husband
Mystery / ThrillerIkaw ay binigyan ng sweet at mapagmahal na kaibigan at pamilya ang suwerte diba.... Pano kung ikaw ay i-arrange sa taong hindi mo kilala at hindi mo pa nakikita, tapos ng nagkita na kayo para kang sira dahil yung inarrange sayo malapit lang pala say...