Chapter 41 Stories

19 0 0
                                    

Minutes is fast. Dumating sila Jack at Rihon. Hindi ko alam kong bakit naka semento ang kamay ni Rihon. Pero alam kong alam nya na den ang tungkol kay Kiro. Dahil nalaman ko na pumupunta syang US para makita si Aki. At for sure ako na alam nya ang tungkol kay Kiro. Lumapit sakin si Rihon.

" i guess! Alam mo na ang tungkol kay Kiro na anak-"

"Rihon!" Tawag ni Queer. Lumingon at umapit naman si Rihon kay Queer.

" Bakit?"

"Bumili ka ng tubig para kay Aki" tumango naman si Rihon at umalis. Napa tingin ako kay Aki at Jack.

"Mag pahinga kana kaya" alala ni Jack.

"Ayoko. Gusto kong hintayin si Kiro" nangilid nalang ang panga ko. Bigla naman bumukas ang pinto ng emergency room at niluhanon ang doctor. Lumapit kaming lahat sa doctor.

"Doc kamusta po ang anak ko?" Tanong agad ni Aki at halatang nag aalala.

"The patient is fine. Pero maraming nawalang dugo sakan nya. Nagsalin na kami ng dugo sakan nya pero hindi tinatangap ng katawan ng patient. Kailangan nya ng dugo galing sa kadugo nya at kailangan nyang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon... Sino ang ama ng bata?"

"Ako!" Agad kong sigaw. Good opportunity to sakin. Para malaman ko kung ako ang totoong ama ng bata.

"Follow me. Titignan namin kong magka match kayo" tumalikod na ang doctor. Tumingin ako kila Aki na naka tingin din pala sakin.

"Once na mag match ang DNA ko sa DNA nya... Asahan nyo kukunin ko sya!" Tumalikod na ako. Narinig ko pa ang iyak ni Aki.

"Kuya anong gagawin ko! Ayoko mawala sakin si Kiro"

"Baby Girl! Everything will be alright!"

Nasasaktan ako pag nakikita at nalalaman kong umiiyak si Aki, sa di malaman na dahilan. Ewan ko kung bakit ako nagkakaganito. Kung bakit ako nasasaktan pag lumuluha sya. Pero ang masakit pa don! ako ang dahilan ng pag luha nya! Wala naman akong masamang intention, ang gusto ko lang makasama ang anak ko, kong sakaling anak ko sya. Hindi ko naman alam kong anak ko ba sya pero my nag tutulak sakin na gawin ko to.

Pag sunod ko palang sa doctor pinagtitinginan ako ng mga tao. Hindi ko alam kong bakit pero wala akong paki sakanila, ang focus ko lang ay ang DNA ngayon. Pinaupo ako ng doctor kala ko nurse ang kukuha sakin ng dugo, pero yung doctor kanina ang kumuha ng dugo ko.

" i test mo agad to!" Sambit ng doctor sa nurse. Tumango naman ang nurse.

" kamusta na po si Kiro?" Agad na tanong ko.

"It's complicated. Masyadong maselan ang dugo nya... Naka sagupa na din kami ng ganito dati. Pero dahil walang pamilya ang patient at ang iisang anak naman ay hindi naka abot, kaya namatay sya. Kakaiba ang dugo nya at gaya ng dugo ng babaeng yon ang dugo ng anak mo. Hindi ko alam kong magkamag anak kayo pero magka muka kayo"

"Matagal ng patay ang mom ko pero impossibleng makuha ng anak ang dugo ng ina!" Pag sasawalang bahala ko.

"Possible yon. Marami na akong nahawakan na my kundisyon na ganon . Kaya kung hindi kayo mag match ng anak mo. Baka ang kadugo nya ay ang asawa mo" hindi ko alam pero bakit ang kalmado nya lang. Baka siguro sanay na sya.

" excuse me lang pero mali kayo ng inaakala, wala pa akong asawa at yung batang nasa emergency room hindi ko pa sure kung anak ko sya. Kaya lang naman sinabi ko na ako ang ama nya dahil-

"Dahil sa tingin mo magandang opportunity to para malaman mo ang totoo" pag putol nya sa sasabihin ko. Tumpak sya sa sinabi nya.

"Ganun na nga"

That Guy Become My Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon