Chapter 48 Mission

10 0 0
                                    

Sabado na ngayon. Wala naman kami masyadong ginawa sa naka lipas na araw dahil dinalaw lang namin ni Kiro si daddy. Umiyak nga ang anak ko ng makita nya ang lolo nyang naka ratay sa kama. Kasama din namin si Jack at Noro non. Maaga nanamang pumunta si Noro sa mansion ganundin naman si Jack.

Ayoko na ngang pagsamahin yung dalawa dahil sa awkwardness. Bihira lang sila mag usap na dalawa kaya naman nakaka ilang talaga. Si Kiro nalang ata ang masaya sa araw na lumipas ehh. Pero dahil masaya ang anak ko masaya narin ako kahit awkward.

Huminto na ang sasakyan at umikot si Jack para pagbuksan ako ng pinto. Ngayong araw ko kase sasabihin ang plano about the orphanage. Bumaba na ako at laking gulat ko ng makita ang kagangmate ko. Ewan ko pero parang galing akong ibang planeta at hinihintay nila! Ang effort pa nila. My mga banner pa silang hawak na nag sasabing 'welcome back blue rose' at syempre meron din si Jack at Kuya.

Biglang my humintong sasakyan sa likod ng sasakyan namin. Bumaba si Lio at pinag buksan ng pinto si Nick! So sweet right! Di lang yon, nalaman pa namin na buntis si Nick! Three weeks na daw. Gosh nakaka stress na revelation. Kaya pala ang taba ni Nick at pumayat si Lio dahil laging nag grave si Nick tuwing gabi. Nag sasama daw sila even ayaw ng magulang ni Nick. Pero dahil alam na nila na buntis si Nick wala silang nagawa kundi ang pumayag. Mag papakasal din daw sila pag lumabas na si baby dahil magmumuka daw syang butete pag kinasal sya na nasa tiyan yung anak nila. Taray ni Nick no!

Lumapit na yung dalawa. "Sorry boss late kame. Ang bagal kase kumilos ni Buntis ehh" hinampas sya agad ni Nick. "Hahaha ito di mabiro" pag lalambing nito. Edi sila na. Sana kasama ko rin yung anak ko kaso bawal ehh. Hinatid muna namin sya kay mommy sa hospital para si mommy muna ang magbantay.

"Ang corny!" Naka Cross arm na sabi ni Raki.

"Anong ang Corny ang sweet nga eh!" Sambit ni Mikki habang naka tingin kila Nick. Inirapan lang sya ni Raki pero si Mikki kumikinang parin ang mata sa dalawa.

"Boss pasok na tayo!" Napa tingin ako. Hindi ko sya kilala at lalong hindi ko sya ka gangmate noon.

"Ok!" Ahh si kuya pala yung tinatawag nya "let's go na baby girl!" Tumango nalang ako at pumasok.

Pag pasok palang namin ay agad na nakita ko sila Nami, Noro at yung mga kaibigan nila. Naka upo lang sila sa sofa. "My Angel!" Ngiti ni Nio at tumayo pa talaga. Akmang yayakapin ako nito pero natigilan sya dahil sa isang himig.

"Nio stop" cold and serious. Napa tingin si Nio kay Noro.

"Why?"

"Kasama nya ang fiance nya so don't you dare to touch her" hindi ko alam pero parang baliktad ata! Dapat si Jack ang nag sasabi non ah.

Napasimangot si Nio na bumalik sa upuan nila. "Hey guy's! Simulan na natin!" My pinagulong si Kuya sa Mesa. Napa tayo naman sa sofa yung mag kakaibigan at lumapit sa mesa na pinag lagyan ni Kuya ng malaking Mapa.

"So! What's the plan?" Tanong ni Mikki.

Nagulat ako ng kagatin ni kuya ang takip ng marker "eto ang hideout at eto naman ang orphanage" bilog nito sa lugar.

"Then?" Si Norn.

"Kukuha tayo ng tatlong sasakyan!" Pag papatuloy ko.

"Para saan ang tatlong sasakyan?" Si Nick.

"Yung dalawang sasakyan ay para sa Pera at yung isa para sa paen, at doon kami sasakay ni Kuya at Jack kase iisipin nila na kami ang mag hahatid dahil kami ang anak"

"Wait! Kayo ang paen?" Kunot nuo na sabi ni Noro. Ayy ang unli Noro ahh.

"Yeah" tanging nasabi ko.

That Guy Become My Husband Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon