Hope soNagising ako dahil sa mga ingay na galing sa labas ng aming bahay, alas siyete pa lang ng umaga at maya-maya pa ang pasok ko mga alas nuebe.
Hindi kalakihan ang bagay namin pero pinamana raw ito ng lolo ko sa side ni Daddy pero hindi pa fully bayad ang lupa namin pero may nakatayo na ang bahay namin.
"Ma, asaan po si Kuya?" sabi ko kay Mama na naglalagay ng mga plato sa hapagkainan.
"Pinabili ko si Thomas ng kape ro'n sa tindahan, halika na rito kumain ka na para makaligo ka na..." ani Mama kaya tinali ko ang buhok ko.
Napatingin ako kay Papa na galing sa kusina at dala ang isang mangkok ng hiwa-hiwang mga hotdog. Mukhang ginisa niya 'yon at may kasamang sibuyas.
Naupo na rin ako nang umupo na si Papa sa isa sa mga upuan sa aming lamesa.
Simula nang nawalan ng trabaho si Mama ay mas naging simple na lang ang aming pamumuhay. Tanging ang pagta-trabaho na lang ni Papa sa isang hotel bilang isang manager ang bumubuhay sa amin.
College na si Kuya at scholar siya sa Far Eastern University, dahil na rin sa pagiging atleta niya. Ako ay hindi ko pa sigurado kung saan ako magco-college, pero sa tingin ko ay sa public na lang ako mag-aaral at magsusunog ako ng kilay para lang makapasok sa magandang unibersidad.
Palaging sinasabi sa akin ni Kuya na hindi raw biro ang college kaya dapat ko itong seryosohin, seryoso naman ako sa aking pag-aaral at hindi ako nawawala sa listahan ng mga honors. Simula noong elementary ako hanggang ngayong 3rd year ako ay na sa honor pa rin ako.
Marami akong pangarap para sa pamilya ko, gusto kong maiahon sila Mama rito. Hindi rin kagandahan ang lugar namin, maraming mga dikit-dikit na bahay malapit sa amin at tanging ang lupa lang na ito kung saan nakatayo ang aming bahay ang may parte kami dahil nakabayad na rito.
Masaya na ako sa simpleng buhay, hindi na ako naghahangad ng masyadong magarbong pamumuhay. Ang tanging pinaka gusto ko lang ay mas maging maayos kami at maka-alis kami rito sa bahay na 'to, makalipat man lang sa mas maayos na subdivision o makapagpatayo ng mas maayos na bahay.
Bungalow lang ang aming bahay at hindi pa kalakihan ang loob. Masaya na ako sa kung anong mayroon kami pero hindi rito natatapos ang gusto kong marating ng pamilya ko.
Gusto kong matupad ko ang lahat ng pangarap ko para sa pamilya ko at para na rin sa sarili ko. Whatever it takes, if it's for family... gagawin ko.
Napatingin ako kay Kuya nang pumasok siya sa bahay at dala na niya ang apat na sachet ng 3 in 1 na kape.
Ngumiti siya akin at ginulo pa ang aking buhok. Kaya ngumiti lang din ako pabalik sa kaniya.
Tinimpla niya muna 'yon para sa amin bago umupo sa tabi ni Mama.
"Kumusta naman 'yung sa inaaplyan mo ro'n sa La Grandeza, Thomas?" ani Papa kaya napatingin ako kay Kuya na sumisimsim ng kape.
La Grandeza? Taga roon si Ross, 'di ba?
"Okay naman po, kaso kailangan daw po muna maka-graduate ako bago nila ako tanggapin. Maganda raw ang qualities ko at pasok ako bilang isang manager. Pero kailangan muna nila ng diploma kasi isa 'yon sa mga requirements nila..." sabi ni Kuya.
Ngumuso ako. "Saan ka ba mag-aapply?" sabi ko.
"Sa Casa Aqua, isang resort. Mabait naman 'yung may-ari kaya sigurado na ako na roon ako magta-trabaho kapag ka-graduate ko. Mataas ang sweldo, 50,000 pesos per month kaya talagang quality ang hinahanap nila sa mga workers..." tumango-tango ako sa sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Taming the Heat (La Grandeza Series #2)
RomanceTo transform her family's life from rags to riches, Cari is determined to focus on her studies and set the idea of love aside. But upon meeting the mysterious Ross, she knew things will never be the same again. Will Cari be able to tame the fiery be...
Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte