Wattpad Original
Mayroong 1 pang libreng parte

Kabanata 8

37K 1K 348
                                    




Coffee Shop

Pagkagising ko ay masama ang timpla ko. Hindi ko alam kung bakit sa pagdilat ko pa lang ng mga mata ko ay iritasyon agad ang nanguna sa aking loob. Nagtali ako ng buhok ko bago lumabas at nadatnan kong nagaalmusal na sila Papa.

"Kain na, anak..." sabi ni Papa sa malumanay na tono.

Tipid akong ngumiti at tahimik na umupo sa upuan ko. Hindi ako nagsasalita at wala rin akong balak silang tingnan, ayaw ko munang makipagusap dahil masama ang timpla ko.

"Cari..." hindi ko nilingon si Kuya kahit tinawag niya ako pero his voice is soft na para bang inaamo niya ako.

Minsan lang ako magsumimangot sa bahay at hindi kailanman naging invalid ang reason ko kapag ganito ako. Kapag maliit lang na bagay, as much as possible, ay hindi ko pinapalaki pero for now... hindi ko alam kung kaya kong matuwa sa nangyayari.

They are accusing Mama na she's cheating... ang mas masakit pa ro'n kapag totoo 'yon. Pinagtatanggol ko pa siya tapos totoo pala... mahirap 'yon tanggapin, lalo na at this is not the kind of problem na inaasahan kong haharapin namin.

"Pasensya ka na, nabigla rin ako sa mga nangyari..." sabi ni Kuya kaya tinapunan ko na siya ng tingin.

Pagod ang kaniyang mga mata habang hawak ang kaniyang kutsara't tinidor. He looks devastated and so was I...

Umiling ako. "It's okay, ayaw ko nalang muna makipag-usap ngayon... gusto ko munang lumipas 'yung araw na 'di ko 'yon iniisip at kapag okay na ako, atsaka ako makikipag-usap..." sabi ko kaya tumango si Kuya.

"Sige, kumain ka na..." sabi ni Kuya atsaka tipid na ngumiti.

Ayaw kong makipag-usap kapag emotionally unstable ako dahil malabo at magulo ang isip ko kapag ganito. Baka umiyak lang ako at magalit ng sobra kapag pinag-usapan namin.

It's better to cooldown first bago mag-usap para mas maging maayos. I can think properly kapag okay na ako pero not today...

Tahimik lang kami habang kumakain. Tanging ang tunog lang ng aming mga pinggan ang pumaloob sa aming mga tainga at nakikipag talastasan ito sa mga tunog na nagmumula sa labas.

Pagkatapos kong magligpit ng pinagkainan namin sa lamesa ay napatingin ako sa phone ko nang nag-vibrate ito at nakita ko ang text mula kay Dino.

Dino: Cari... Can you come over sa condo ko? I can fetch you kung gusto mo.

Ngumuso ako. It's Saturday today at may mga dapat akong tapusin na essays and reaction papers, pero puwede ko naman gawin kina Dino tapos puwede niya pa ako tulungan.

Cari: Sure sige, sunduin mo ako. Wala ako sa mood mag-commute at baka matulala ako nang sobra.

Nilingon ko si Papa na nakatingin sa akin.

"Pa, pupunta lang po ako kina Dino... doon na rin po ako gagawa ng mga gawain sa school. Gusto ko rin po munang mag-unwind..." sabi ko kaya pagod siyang ngumiti sa akin.

"Sige anak..."

Napatingin muli ako sa phone ko nang nag-vibrate ito at nakita ko ulit ang text ni Dino.

Dino: Hahaha! Bangag ka na naman. Sige, puntahan na kita ngayon...

Nang nabasa ko ang text ni Dino ay kumaripas agad ako ng takbo papunta sa cr para maligo. Hindi paspasan ang ligo ko dahil bigla rin ako natulala sa CR habang naliligo.

Bumalik lahat ng iniisip ko kagabi. Bigla ko na naman naalala kung nasaan si Ross at pakiramdam ko bumalik lahat ng nararamdaman ko kay Ross... at the same time parang pakiramdam ko I need his hug right now. Ross was my comfort and I don't think someone can replace his presence.

Taming the Heat (La Grandeza Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon