Hiyawan at tunog ng mga drums ang pumaloob sa aking tainga habang nakaupo ako sa bleachers ng school namin. Intramurals namin ngayon at nanonood kami nina Cassandra at Raflesia ng game nina Lucas ng basketball.Tiningnan ko si Cassie na tutok ang mga mata kay Lucas na naglalaro, habang kami ni Raflesia ay walang ganang nanonood dahil I was never a fan of sports. Hindi ko nga alam kung ilang beses na ako tinuruan ni Kuya maglaro ng kung ano-anong sports pero hindi ko talaga kaya.
All I can say that sports are not for me. Kung arts ang pag-uusapan ay maaring interesado pa ako. Mahilig akong mag-drawing at mag-paint ng kung ano lang ang maisipan ko pero bukod do'n ay hindi naman na ako masyado special.
"Cari, tara na. Ayaw ko na rito... kakabagot, sis..." ani Raflesia kaya mahina akong natawa.
"Iiwanan natin si Cassie rito? Atsaka kailangan natin suportahan sila Lucas baka mamaya magtampo pa 'yon sa atin tapos hindi tayo ilibre kapag nanalo sila," sabi ko atsaka ngumisi.
"Alam mo ikaw Cari, may point ka... sige na stay na tayo rito... sayang naman 'yung libre ni Lucas sa atin kapag nagkataon..." aniya kaya mahina akong natawa at binalingan na namin ang game.
Sa huli ay nanalo nga ang team nila Lucas at halos marindi ako sa sobrang lakas ng tili ng mga babae sa tabi namin. They could die for too much screaming. My God these girls can't calm their tits.
"Ang ingay naman ng mga fan girls ni Lucas at ni Dino. Mabuti na lang tayo ang mga maswe-swerteng mga kaibigan nila..." ani Raflesia na parang ikinagagalak niya talaga na kaibigan namin sina Dino.
Sina Dino at Lucas ang kambal na magkaiba ang pangalan. Bata pa lang silang dalawa ay mahilig na sila sa basketball. Maging sa soccer ay isa rin sa mga hilig nila. Sa sobrang gwapo nitong dalawang 'to ay hindi naman impossible na kabaliwan sila ng ibang mga babae kahit mas higher grade sila sa amin.
First year high school pa lang kami pero may mga nagkakagusto na sa kanilang mga Grade 10. Inaabangan sila lagi sa room tapos magpapa-picture kaya kami naman 'yung tamang taga tingin lang o kung minsan ay ginagawa pa kaming taga-picture.
Hinihingal at pawis na pawis na tumatakbo sina Lucas at Dino sa direksyon namin habang nakangisi.
"Panalo kami!" ani Lucas.
Pumalakpak lang kaming tatlo dahil hindi na naging bago sa amin 'yung palagi silang nananalo. Panigurado ay makakakuha ito ng scholarship sa malalaking university kapag nag-college na sila dahil sa galing nila mag-basketball.
"Wala namang bago," sabi ko kaya ngumisi siya sa akin.
"Tuwing napapatingin ako sa direksyon niyo rito ay walang gana ang mukha mo. Mukhang tinatamad ka panoorin kami ah?" ani Dino habang nakapamaywang.
Parehas silang gwapo pero ang pinagkaiba lang nila ay mahaba ang buhok ni Lucas. Abot hanggang sa likod ni Lucas kaya nakatali ito at nakasuot pa siya ng headband. Si Dino naman ay katamtaman lang ang haba ng kaniyang buhok pero natatali na rin 'yon.
Mabuti nga ay pinapayagan sila ng school sa ganiyang buhok. Nagpaalam naman nang maayos sina Tita sa principal na huwag ipagupit ang buhok nila. Hindi ako sigurado kung bakit pumayag.
"Ang arte mo, Dino. Hindi bagay sa'yo!" sabi ko at umirap.
Tumawa naman siya at inilapit ang mukha sa akin kaya bahagya akong napaatras.
Napalunok ako nang masilayan ko ang kaniyang ash gray na mga mata. Tumulong pa ang kaniyang makapal na kilay at mahahabang pilik-mata sa ganda ng kaniyang mga mata.
Nanliit ang kaniyang mga mata at napatingin sa aking labi pero mabuti na lang ay hinila siya ni Lucas. "Pinagti-trip-an mo nanaman si Cari. Baka mamaya sapakin ka niyan," sabi ni Lucas at humalakhak.
BINABASA MO ANG
Taming the Heat (La Grandeza Series #2)
Roman d'amourTo transform her family's life from rags to riches, Cari is determined to focus on her studies and set the idea of love aside. But upon meeting the mysterious Ross, she knew things will never be the same again. Will Cari be able to tame the fiery be...
Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte