Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Kabanata 4

39.8K 1.1K 735
                                    




Done

Nakakagat ako sa ibaba kong labi habang tinititigan 'yung bracelet na binigay sa akin ni Ross. Tuwing naalala ko kung papaano niya ako tinitigan no'ng gabing 'yon, para akong sasabog sa sobrang kilig ko.

Sa kaniyang birthday kami naging official, hindi ko maipaliwanag kung gaano ako kasaya no'ng gabing 'yon. He's my first boyfriend tapos crush ko pa siya, parang doble-dobleng pagkapanalo na 'yon para sa akin.

"Ross, magpa-practice kayo graduation?" sabi ko kay Ross habang na sa waiting shed kami at kumakain ng fishball.

Tumango siya habang nginguya ang kakasubo niya lang na fishball. Ngumuso ako at tumusok ng isang fishball bago muling binalingan si Ross na nakatingin sa mga punong sumasayaw.

Ilang araw na lang ay ga-graduate na si Ross and hindi ko pa rin nabubuksan sa kaniya 'yung topic about doon sa pag-college niya. Sabihin ko na kaya ngayon?

"Ross..."

Nalipat ang mga mata niya sa akin atsaka ako tinaasan ng kilay.

"Saan ka mag-co-college?" sabi ko. Umigting ang kaniyang panga at suminghap.

"I don't know, hindi pa ako sinasabihan ni Daddy about it. I want to study here in Manila para nakikita pa rin kita..." aniya at seryosong nakatitig sa akin.

Kinagat ko ang ibaba kong labi. "Papayag ba siya kapag sinabi mong dito ka na lang mag-aral sa Maynila? Maganda naman ang mga universities dito at hindi ka naman mahihirapan sa mga entrance exam dahil matalino ka naman at maganda ang background mo..." sabi ko.

Napasinghap siya. "Like I said Cari, there are still a lot of things we can't control kaya kailangan natin sabayan 'yung pag-agos nito habang hindi pa natin kayang tumayo sa sarili nating mga paa..."

"So ibig sabihin, may posibilidad na hindi ka sa Maynila mag-college?" sabi ko at bakas na sa aking boses ang takot at pagkadismaya.

"There's a possibility Cari... but we will continue our relationship and after kong grumaduate ng college, pupuntahan kita rito..." hinawakan niya ang kamay ko at marahan 'yon pinisa.

Ramdam ko sa kaniyang boses na sinasabi niyang dapat kong pagkatiwalaan ang kaniyang sinasabi. I trust Ross because he's really true sa mga sinasabi niya pero may bahid sa akin ng takot... hindi ko alam kung saan ito nagmula at bakit ko ito nadarama.

"Okay Ross, we will do that... we can call each other every night. Hindi naman mahalaga ang distansya as long as we are both committed, it will work..." sabi ko kaya ngumiti siya.

"That's my girl..." hinimas niya ang aking kamay atsaka 'yon hinila upang halikan ang likod ng aking palad.

That was before I knew it. I was wrong, ang akala ko it will work out but it didn't...

After Ross graduated sobrang bihira na lang namin magkita, even texts ay sobrang bihira ko 'yon matanggap sa kaniya. I barely receive good morning and good night from him pero binaliwala ko 'yon.

Hindi naman umiikot ang relasyon sa pagsasabi ng good morning at good night, it is more than that. So, hindi ko 'yon pinansin at pinagpatuloy ko lang 'yung pagte-text kay Ross kahit hindi siya nakakapag-reply sa akin o kung magre-reply man ay sobrang bihira.

I ignored my feelings, tinanggal ko ang takot sa dibdib ko dahil naniniwala ako kay Ross. I know that he's true to his words. He will never break it at 'yun ang aking pinanghawakan.

No'ng una ay napaka bilis mag-reply ni Ross at hinihintay niya ang aking mga tawag o text. He make sure na makakatulog muna ako bago siya matulog and for me, it's sweet.

Taming the Heat (La Grandeza Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon