Wattpad Original
Mayroong 4 pang mga libreng parte

Kabanata 5

38.2K 1K 486
                                    




Creep

"Congrats sa atin!" sabi ni Dino habang matamis na nakangiti.

Today, we will be leaving our high school life and start a new journey on our college life. I decided to choose business management dahil nawalan din ng trabaho si Papa at kakasimula lang din ni Kuya ro'n sa trabaho niya so ang perang naipon ni Papa para sa pag-college ko ay hindi sapat para sa fine arts.

Okay lang ako ro'n. Kukuhanin ko na lang ang fine arts kapag ako na ang mismo ang kumikita ng pera sa sarili ko at magsisikap ako makapag-aral ng fine arts. Natulungan ko ang pamilya ko at natupad ko pa ang gusto ko talaga.

That was my plan as I stepped outside my comfort zone. Ang dating pagsakay ko ng tricycle papuntang school ay mas naging mahirap. I was happy to explore outside. Nasanay kasi akong tricycle lang papuntang school tapos lakad pauwi.

I applied scholarship on University of Santo Thomas at nakuha ko 'yon dahil bukod sa nag-exam ako for scholarship ay gumraduate akong valedictorian sa school ko. My background was good at hindi pa ako nadadala sa guidance simula prep ako hanggang sa gumraduate ako ng 4th year.

Lumaki kasi akong masyadong paranoid sa paligid ko. As much as possible I don't take risks na alam kong mas malaki ang chance na pumalya ako o hindi ako gumagawa ng mga bagay na alam kong dadalhin lang ako sa wala.

Mas nag-focus ako sa pag-aaral ko at hindi ko muna inintindi ang love life dahil sabi nila, it will come in the right time and for now... I have to know what comes first and that is to help my family.

Bukod sa nag-aaral ako sa isang magandang university ay naging maganda pa ang takbo ng aking pag-aaral. Nagkahiwahiwalay kami nila Lucas dahil kinuha ng De La Salle University si Lucas habang si Dino at Raflesia ay kasama ko rito sa UST at si Cassie naman ay na sa Far Eastern University.

Ako lang naman ang kapos sa aming magkakaibigan at sila ay mga natural na mayayaman pero dahil si Dino ay varsity ng UST at si Lucas ay varsity rin ng DLSU ay libre na ang tuition nila. Matatalino pa kaya naman sobrang swerte ng magulang nila sa kanila.

"Hey... uminom ka muna ng tubig. Ang init kaya..." sabi sa akin ni Dino kaya kinuha ko inaabot niyang bottle of water.

Si Dino ay gusto maging lawyer habang si Raflesia ay nursing ang kinuha kaya magkakaiba talaga kami ng schedule at tanging lunch lang ang madalas kami nagkakasabay-sabay.

"Thanks..." tipid kong sagot at baling kay Dino.

Hindi pa rin tumitigil si Dino sa pangliligaw sa akin. Wala naman na kami ni Ross at wala na akong nararamdaman kay Ross kahit kaonti ay wala na. Paano niya akong nagawang iwanan ng gano'n na lang, I am already college at kahit hello ay wala akong natanggap kay Ross.

I finally decided to get over with him. We are completely done. It was nice and good experience dahil naramdaman ko kung paano magmahal kahit alam kong mababaw lang 'yon, it's still somehow love na naramdaman ko sa isang tao.

Hindi ko masabi na pagkagusto lang 'yon kasi I felt it is more than that. Pero at the same time hindi ko rin masabi na it is love. If it failed, it is not love... whatever, it's all in the past now and I am living on present at hindi ko na susubukin na balikan pa ang mga na sa nakaraan.

Masyado akong wise na tao and I won't let myself be stucked on the past. Hindi naman ako magpapakatanga dahil lang kay Ross. Kailangan ko pa rin ipagpatuloy kung ano 'yung dapat kong gawin and Ross won't stop me from doing those.

I am already 19 years old. I've grown up. Hindi lang by age but mentally as well. It's true that age doesn't really measure maturity but I can say na natuto ako sa mga nangyari.

Taming the Heat (La Grandeza Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon