Wattpad Original
Ito na ang huling libreng parte

Kabanata 9

45.2K 1.2K 484
                                    




Pathetic

Naramdaman ko ang panginginig ng aking mga kamay habang pinapanood sina Mama at 'yung Daddy ni Cassie na masayang umo-order ng kape. Lumipat agad ako ng upuan sa tabi ni Dino para hindi nila makita ang mukha ko.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Galit at sobrang pagkalungkot ang tanging nasa puso ko ngayon. Hinawakan ni Dino ang mga kamay ko kaya napalingon ako sa kaniya.

He looks really worried and at the same time he also looks disappointed.

"Do you want to go to restroom, or gusto mo lang sa tabi ko?" bulong niya and his voice was really soft. Para akong dinuduyan sa boses niya.

Nangilid ang luha sa aking mga mata. Halong takot at kaba ang dumagdag sa nararamdaman ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung kokomprotantahin ko ba siya o hahayaan ko na lang sila...

"I just want to stay here with you..." sabi ko kaya he took a deep breath atsaka mapait na ngumiti.

"Okay... you can cry... nasa dulo naman tayo," sabi niya.

Kaharap na namin ang pader at ito nga 'yung part na hindi matao. Inakbayan ako ni Dino at sinandal niya ang ulo ko sa dibdib niya. Doon na unti-unting bumuhos ang mga luha ko.

Paano ito nagawa ni Mama? Hindi ko maintindihan kung bakit ito nangyayari? Anong kulang sa amin, bakit naghanap si Mama ng panibagong lalaki? Cassie's family is really rich, they are selling perfumes sa ibang bansa at kilalang kilala ang apilyido nila.

Hindi naman mukhang pera si Mama kaya hindi ko masabi na ang habol niya ay ang pera ng Daddy ni Cassie. Hindi na ba masaya si Mama sa amin, kaya siya nag hahanap ng panibago? Ang mas masakit pa rito ay tatay pa ni Cassie ang kabit ni Mama. Hindi lang pamilya ko ang masisira rito pati ang pamilya ni Cassie... or worst baka pati pagkakaibigan namin ni Cassie ay tuluyan na rin lumubog.

"Sir Dino!"

Pinunasan ko ang luha ko at umayos ng upo dahil kukuhanin ni Dino 'yung order namin. Hindi ko alam kung iiyak pa ba ako o hindi na... nalilito na lang ako. Gusto ko ng sagot! Bakit ito nagawa sa amin ni Mama?

Kumalat sa aking kalooban ang apoy ng galit pero ayaw kong gumawa rito ng scene. We can talk about this properly pero huwag aasahan ni Mama na I will be okay sa ginawa niya.

Hindi ako lumilingon dahil baka makita ako ni Mama pero ang tagal ni Dino... he's taking too long. Hindi kaya nakita siya ni Mama at Daddy ni Cassie, dahil nga matagal na kami magkakaibigan nakilala na kami ng mga magulang ng bawat isa and how did Tito Hermin has that ego to have an affair with my mother?

Napatingin ako kay Dino nang umupo na siya sa tabi ko. He looks calmer now...

"Nakita nila ako and tinanong kung ano raw ginagawa ko rito..." sabi niya at nilapag sa table isang tray at ando'n ang order namin.

"Tapos?"

"Sabi ko I was just having a coffee with a friend kaya ginantihan ko sila ng tanong... sinabi ko bakit sila magkasama..." sabi niya kaya kinagat ko ang ibaba kong labi.

I am anticipating on what my mother will say. Hindi ko akalain na magsisinungaling ang nanay ko ng ganito, how could she cheat on Papa? Kapos lang kami sa pera pero hindi kailanman nagkulang si Papa bilang asawa sa kanya at ama sa amin ni Kuya.

"She said may paguusapan lang daw..." kumunot ang noo ko.

At ano naman ang pag-uusapan nila? How can they be so happy kung sinisira na nila 'yung pamilya ng isa't isa? Paano nakakayang sirain ni Mama ang pamilya namin? I want to her to give me explanations, masyadong magulo ang utak ko.

icon lock

Ipakita ang iyong suporta para kay JosevfTheGreat, at magpatuloy sa pagbabasa ng kuwentong ito

ni JosevfTheGreat
@JosevfTheGreat
To transform her family's life from rags to riches, Cari is determine...
Bilhin ang bagong parte ng kuwentong ito o ang buong kuwento. Anupaman, ang iyong Coins ay makatutulong sa mga manunulat na kumita mula sa mga paborito mong kuwento.

Ang kuwentong ito ay may 45 natitirang bahagi

Tingnan kung paano masusuportahan ng Coins ang iyong mga paboritong manunulat gaya ni @JosevfTheGreat.
Taming the Heat (La Grandeza Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon