Nang lumabas ang guro sa pinto ay agad na naglapit ang apat na magkakaibigan. Kakatapos lang ianunsyo ng guro ang nalalapit nilang moving up. Ibig sabihin magkakahiwa-hiwalay na sila."Hindi ka talaga dito magaaral ng grade 11?" Malungkot na tanong ni Hana kay Jackie na nagaayos ng gamit nito.
Tinaasan siya nito ng kilay. "Ikaw din naman ha. Sabi mo uuwi ka sa papa mo sa Rizal."
Lalong nalungkot si Hana nang maalala nito ang pag alis nila. Gusto pa nito makasama ang mga kaibigan na pinapahalagahan niya.
"Don't worry girls. Bago mag-graduation mageenjoy tayo." Singit naman ni Dara.
Napatigil naman sa pagaayos si Kyla. "What do you mean?"
"Edi kakain tayo dun sa coffee shop malapit sa park." Natatawa niyang sagot.
Napamake face naman si Hana. Sawa na siya dun. Kung gusto nilang magenjoy dapat sa iba naman.
"Why not gumala naman tayo?" Suhestiyon ni Hana.
"Saan naman?" Si jackie.
"Somewhere na hindi pa natin napupuntahan." Tumingin si Hana kay Dara, para bang hinihingi ang approval nito.
Sa kanilang apat si Dara ang pinakamatanda kaya pakiramdam niya siya ang ate. Si Hana naman ang pinaka bata– at pinaka spoiled!
"Hindi pwede!" Sabay sabay silang napaangal. Kahit si Kyla na hindi naman interesado, kahit saan naman kasi ay go lang ito. "Hindi niyo ba alam yung pamahiin? Bawal gumala kapag graduating. Kundi may mangyayaring masama."
"At naniniwala ka don?" Natatawang tanong ni Kyla.
"Di naman totoo yun eh." Si Hana na nakapout pa.
"Ako bahala sa expenses." Ani jackie na nakataas pa ang kamay.
Hindi pa din kumbinsido si Dara. Sinusuri ang sinasabi ng mga kaibigan.
Lumapit sa kanya si Hana at yumakap sa braso niya. "Last na 'to promise! Aalis kami ni Jackie pagtapos nito, tapos ayaw mo pa pumayag." Tila nagtatampo pa ito.
Kung kinokonsensya siya nito, oo effective. Dara rolled her eyes, as if naman na may choice pa siya. "Okay fine. Basta sa malapit lang."
Napatalon pa si Hana bago yumakap ng mahigpit kay Dara. "Thank you!"
Natatawa na lang na napatingin siya sa mga kaibigan. Kapwa mga nakangiti. Kung magkakahiwa-hiwalay man sila. Mamimiss niya ng sobra mga ito.
* * *
Author's note
Ito pa din po yung under the rain na sinulat ko 3 years ago. May mga changes (madami lol), madami ang dinagdag, may konting nabawas, and umaasa ako na sana kahit papano ay nagimprove (writing skills). Sa dulong part ipopost ko yung original version ng under the rain (pero feeling ko talaga walang kwenta yun hahahaha).
Sa mga nakabasa na ng under the rain, sana po basahin niyo ulit!! I did my best para mag improve hahahaha kahit papano may improvement po ito. Thankyouuuu
BINABASA MO ANG
Under the Rain
Teen FictionDara hates rain. She hate it when it's raining, it reminds her of her past that she wants to forget. Everytime na umuulan pinapaalala lang nito ang sakit at pagkasira nilang magkakaibigan. Then he met this weird guy na may ari ng pusa na lagi niyang...