Chapter 2

7 0 0
                                    


Maaga pa lang ay kumilos na agad ako. Naligo at namili ng susuotin. Ang napili 'kong suotin ay yung sleeveless dress ko at pinatungan ko ng denim jacket. Pinarisan ko din ng boots na galing ukay.

Pagkababa ko ay nakita ko si Kuya na paalis. Kaya naman dali dali ako para maabutan siya.

"Kuya!! Hintayin mo 'ko! Sasabay ako sayo" sigaw ko sakaniya.

"Aba, saan ka pupunta at bihis na bihis kang babae ka?" nagtatakang tanong sakin ni Kuya.

Sinabi ko sakaniya na mag eenroll na ako sa Bradford ngayon. "Oh eto, dalawang libo. Balita ko naubos mo daw ipon mo. Aguy 'bat naman kasi inubos." iling na sambit saakin ni Kuya.

Pinasalamatan ko naman siya kaagad. Blessing iyon para saakin, dahil ubos nga naman ang pera ko.

Tulad ng sabi ko Crystal ay sumabay ako kay Kuya para libre ang pamasahi ko papuntang Bradford Univ. Medyo malayo din kasi yon saamin.

-

Nagpasalamat ako 'kay Kuya pagkarating namin sa Bradford Univ. Nakita ko na ang itsura ng University sa online pero hindi ko pa din maiwasang hindi mamangha. Ang mga building halatang gawa sa mamahaling materyales.

Hindi ko alam kung saan ang office kaya naman ay naglakad muna ako sa hallway. Nagtitingin-tingin ako sa paligid ng may lumapit saakin.

"Hi miss, are you lost?" nakangising tanong saakin ng lalaking mukhang ulikba.

"Yes. I'm lost, but if you're going to help me. Thanks but no thanks." pambabara ko sakanya sabay ngiti. Mukhang napikon ang ulikba kaya naman ay hinawakan agad ako sa braso nito. Wow. Ang higpit ah, galit na galit dude? Tatawa-tawa kong isip.

"Ang yabang mo ah, porke maganda ka." puri nga saakin.

Ako naman ay nginitian siya kahit ang sakit na ng braso ko. Pinagtitinginan na din kami ng ibang estudyante. Awit saakin agad ang atensyon. Nang magsasalita na ako ay biglang may humila sa braso 'kong hawak nung ulikba. Napatingin naman agad ako sa humablot ng braso ko.

"Ano na naman ba ang trip ninyo ha? Lalo na ikaw Aaron, pinagtitripan ninyo na naman ay babae." saway nung lalaking humablot ng braso ko.

Hinigit ko ang braso ko sa lalaki, dahil omg lang ang dami nang nakatingin. Ampupu atensyon naman oh. Napatingin naman agad saakin yung lalaki.

"Eh kasi Avex ang yabang ng babaeng yan. Siya na ang tinutulungan siya pa ang natanggi." pasumbong na sambit ng ulikba sa tinawag niyang Avex.

"Ako na bahala dito. Umalis na kayo." taboy niya sa mga ulikba.

Pagkaalis nung mga ulikba ay siya namang alis nung Avex. Tch 'di ko naman kailangan ng tulong. Pero sige na nga, "Salamat! Pero di mo kailangan gawin 'yon!" sigaw ko sa Avex.

Gosh. Stressful ang araw agad. Buti na lang nahanap ko kaagad yung office. At nakapag enroll ako sa Nursing on time.

"Thank you so much for choosing our school. We assume that you are already aware that you'll stay here inside the University, right? Your dorm room number is written in your papers. And the keys will be given the day you'll move in. You have 2 weeks to move in, okay? Welcome to Bradford University!" habilin at bati saakin ng principal.

Nosebleed naman agad ako doon. Paano pa kaya yung mga estudyante. Kaso 2 weeks lang ang paghahanda ko? Napaka bilis naman. Kailan ba magsisimula ang pasukan wale. Habang ako'y nag-iisip ay 'di ko namalayan yung kasalubong 'kong tao. Nataob kaming dalawa, pakshet ang sakit ng puwetan ko.

"Ouch! What are you, blind?!" inis na tanong saakin nung babaeng maganda. Tumayo naman agad ako, at nilahad ang aking kamay sakanya upang tulungan siya tumayo. Tinanggap niya naman ito.

Bwisit english na naman. "I'm sorry. I'm not looking while walking. It's my fault. I'm spacing out. Sorry." paumanhin ko.

"No, it's okay. I'm sorry for blurting out. I'm not looking as well." sambit niya saakin.

Nag ngitian kami at nagpatuloy na sa paglalakad. Ano ba namang araw 'to. Malas naman oh! Nakalam na sikmura ko, saan kaya ako kakain naman oh.

May nakita akong karindirya doon kaya naman doon na lang ako kumain. At naisip 'kong itext si Crystal para kitain siya sa Festival Mall.

-

Pagkarating ko sa Festival Mall ay wala pa siya doon. Bwisit talaga yung gagang yon. Ang bagal bagal kumilos. Ako pa nauna, eh ako nga yung galing sa malayo.

Nang makita ko si Crystal na chillax kung mag lakad ay sinalubong ko agad siya ng batok.

"Aray naman Alexa, 'bat ka ba namamatok?" gulat niyang tanong saakin. Siniringan ko na lang siya bilang sagot. Napagkasunduan namin na sa McDo na lang kumain, at para makapag kwento na din ako sakanya.

"So, anong ganap nung nag enroll ka?" bungad saakin ni Crystal pagka order namin.

Napaismid na lang ako ng maalala yung dalawang lalaki kanina. Yung isa ay gwapo pero yung isa ay mukha talagang ulikba. "Okay naman,sana. Kung hindi lang talaga nangielam yung ulikbang 'yon grr." sambit ko sakanya. Kinuwento ko sakanya yung nangyari, sa kung paano ako tinanong nung ulikba hanggang sa dumating yung gwapo. "Avex tawag nung ulikba doon sa tumulong saakin. Kaya ko naman sarili ko umepal pa siya." sambit ko ng may buntong hiningang kasama.

"Avex... Avex... Avex...---" bulong ni Crystal.

"Ano 'bang problema mo at inuulit ulit mo yung pangalang Avex. Don't tell me nainlove ka kaagad sa pangalan psh." sambit ko sakanya ng may inis. Umiling na lang siya. Weirdo.

-

"Mama nakauwi na po ako!" sigaw ko pagkarating ko sa bahay.

"Oh ano anak? Kamusta ang pag enroll mo?" tanong saakin ni Mama.

Kinuwento ko sakanya yung mga sinabi saakin ng principal. Nalungkot naman siya kaagad dahil dalawang linggo na lang kami magsasama. Kaya tumaas na kaagad ako dahil baka magkaiyakan pa kami doon.

Nang makapaglinis at makapagbihis na ako ay nahiga ako upang mag-isip. Gusto ko malaman kung bakit ang weird ni Crystal kanina. Sino ba yung Avex na 'yon, baka naman ex ni Crystal. Ah ewan ko ba, magpapahinga na muna ako.

-

Kinaumagahan ay unti unti na akong nag-aayos ng mga dadalhin ko sa dorm. Naglista ako ng mga kakailanganin ko talaga upang mabuhay. Ngayon lang ako malalayo 'kay Mama hys.

Naging busy kami ni Mama dahil ang hirao mamili ng mga dadalhin sa mamahaling school na iyon. Ayoko naman na mapahiya dahil sa mga dadalhin ko, ayaw din naman ni Mama ng ganoon.

"Kuyaaaa! Epal ka talaga, bumaba kana nga doon. Wala ka namang naitutulong eh! Kainis!" pagtataboy ko 'kay Kuya. Nanggugulo ba naman.

"Eto na, bababa na ako. Galit na galit ka kaagad eh. Parang inaasar ka lang little sis." Tatawa-tawa si Kuya nung umalis na siya sa kwarto ko. Mamimiss ko ang pang-aasar non, kaso ayos lang. Matatahimik buhay ko, wala ng mambubulabog.

Pag-aayos ang inatupag ko buong linggo. Para hindi ako gahol sa paglilipat ng gamit ko. Tinutulungan din ako ni Mama kapag wala na siyang gagawin. Kaso ay 'di nawawala yung kadramahan naming mag-ina. Nalalapit na ang paglilipat ko. Kinakabahan kaagad ako, sana may maging kaibigan ako o kaya ay kahit kasundo ko lang.

One week na lang.
-

Thank you again for reading my story. Keep on supporting my story. Don't forget to comment, vote and share. Thank you for supporting, hanggang dulo sana!

Mahal ko kayo! Vote vote vote

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 18, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Bradford University [ON-GOING]Where stories live. Discover now