Chapter 21- Ligaw

156 6 0
                                    

Liza's Pov

Pag-gising ko kinaumagahan binuksan ko ang bintana kung may respond na pero wala. Kaya tinanggal ko na lang yung papel na dinikit ko. Ano ba naman yan. Pagkatapos mag confess lalayuan ako. Mag toothbrush na nga lang muna ako.

Pupunta na sana ako sa cr pero biglang may nag message sa akin kaya kinuha ko yung phone ko.

"Hey Liza, sorry to bother you pero about don sa confession ko. I'm not pressuring you or anything pero you can just say that you don't like me back. Kasi habang pinapatagal mo yung respond mo sa akin the more i think about it, Kung gusto mo ba ako or hindi and it hurts. Kaya please just respond. Btw goodmorning" -Kate

Tae you're not trying to pressure me pa yan ha. It's clear naman na I don't like her that way. I mean gusto ko sya but as a friend lang. Gusto nya din na sabihin ko sa kanya na i don't like her back pero pano? Paano ba mang reject ng tao na hindi sya nasasaktan? I mean wala namang tao ang hindi masasaktan kung ireject. Mamaya ko na nga lang yan isipin mag totoothbrush na lang ako.

Pag katapos ko mag linis ng mukha at ng ngipin ko. Lumabas ako para pumunta sa bahay nila Daisy.

Pinindut ko yung doorbell and ilang minuto ang lumipas bumukas na ang gate. "Ma'am kayo na naman? Ano pong kailangan nyo?" Bungad sa akin ni manang tel "sorry po kung nakakaabala po ako pero nandyan po ba si Daisy?" Tanong ko kay manang "wala po si ma'am Daisy dito" sabi ni manang "baka tinatago nyo sya sa akin manang ha?" Pabirong sabi ko "ay hindi po. Umalis po sya kagabi papuntang farm. nandon po kasi yung papa at mga kuya nya" sabi ni manang.

Ang daya naman. Bakit nya ba ako iniiwasan? "Totoo po ba?" Tanong ko ulit kay manang tel "opo" sagot nya. "Sige po, salamat na lang po" sabi ko tapos bumalik sa bahay.

Humiga ako sa kama at kinuha ang phone ko. Binasa ko ulit ang message ni Kate. I will respond to her na. 

"Kate sorry kung natagalan yung sagot ko. Marami lang kasi akong iniisip. Pero sorry Kate. Wag mo sana isipin na may mali sayo ha. Iba lang talaga ang gusto ng puso ko eh. Sorry talaga" -sent

Tapos nakatulala lang ako habang nakatingin sa ceiling.

...

Kinaumagahan, wala pa rin si Daisy kaya sa school ko na ata sya makikita.

...

Nasaschool na ako at kanina ko pa sinusubukang lumapit kay Daisy pero iniiwasan nya talaga ako. Every break talagang hindi ko sya ma-timing. Kaya medyo napipikon na ako "Hey Liza. Ok ka lang ba?" Tanong ni Carla sa akin "no" sagot ko naman "why?" Tanong nya "kanina ko pa gustong kausapin si Daisy pero iniiwasan nya ako" sagot ko.

"Mas maganda nga yun eh. Kasi mas nakakalapit na kami sayo. Wala ka na ngang time sa amin na kaibigan mo eh" reklamo nya. Pero may point sya kasi si Daisy lang lagi kong kasama "i know and sorry if wala na akong time sa inyo pero this is different. Kailangan ko syang makausap. Kasi kung papatagalin ko to baka mag bago na ang isip nya and i will lose my chance" sagot ko sa kanya "ha? Ano bang chance sinasabe mo?" Nalilitong tanong nya.

Sabihin ko ba sa kanya or wag na muna? "Wala. It's about something" sagot ko sa tanong nya "ewan ko sayo. Nagseselos na ako" tapos nagpa cute. Kaya natawa naman ako sa kanya "alam mo, hindi bagay. Kadiri" tapos kunwari nasusuka. Kaya ayun hinampas nya ako sa braso.

Ah alam ko na. Mag papatulong na lang ako kay Monique or Keira. "Carla, samahan moko" sabi ko sa kanya "saan?" Tanong nya. "Kay Monique at kay Keira" sabi ko "hoy ayoko nga. Ikaw nga lang nakakalapit sa tatlong mga babaeng yun eh. Ayaw ko!" Sabi niya na medyo naiinis "edi ikaw ang pangalawang makakalapit sa kanila. Please?" pagmamakaawa ko ulit. "Alam mo ba anong ginawa nila don sa isang student na lumapit sa kanila? Muntik na nilang mabuhusan ng mainit na tubig sa mukha. Sa mukha! Kaya ayoko" sabi niya ulit.

When The Bully Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon