Chapter 10 - 2 meters

148 10 0
                                    

Liza's pov

Wala talaga. Hindi ko talaga sya nakita sa weekend. Gusto ko na sya makita. Kahit di nya ako kausapin. Yun naman sabi ko eh. Wait, what if lumipat sya ng school ng walang nakakaalam. Pwede naman nyang gawin yun kasi tita nya naman may ari ng school. Ako ba dapat mag adjust? Ako ba dapat una pumansin sa kanya? No! Hindi talaga. Sya yung may kasalanan tapos ako yung makokonsensya, no mali yun.

Si Carla naman. Ito medyo malayo pa rin yung heart nya sa kin. Halata mo talaga na umiiwas padin. Pinapansin nya naman ako pero hindi gaya ng dati na sobrang clingy talaga. Pati nga yung ibang kaklase ko eh. Hindi talaga ako pinapansin. Nakakinis na.

Dumating naman yung teacher namin kaya yun nakinig na lang ako. Pero bigla naman syang natigil ng may tao sa door. Hindi ko na pinansin yun kasi nga nag take notes pa ko. "what can i do for you?" tanong ni teacher. "pwede ba ako muna yung mag salita dyan for like a minute?" nagulat naman ako sa narinig kong boses kaya napalingon ako sa pintuan. "I'd like to ask why" sabi naman ni teacher "would you let me talk or what?" naiiritang sabi ni Daisy

Kaya yun nganga lahat ng kaklase ko.
"mind your manners young lady" sabi naman ng teacher namin "do you love your job?" sabi naman nya at nag smirk pa halatang nangaasar. Halata naman na kinabahan si teacher kaya ayun "ok pwede ka mag salita dito, pero wag mo kunin lahat ng time ko" at umalis na sya sa harapan. Nag smirk naman si Daisy. Aaminin ko, masaya ako na nakita ko sya pero yung ugali nya grabe.

Pumunta naman sya sa harapan at tinignan yung teacher namin na nasa may pintuan "you don't have a business here, do you mind?" tas nag gesture sya na alis alis na gesture. Kaya yun lumabas na si teacher. Taena sana all kayang gawin yun sa teacher nila. Medyo naiinis nga ako sa ginawa nya eh. Kahit pa yung tita nya yung may ari ng school, hindi nya dapat gawin yun sa mga teachers. Kawawa kaya sila.

Tinignan naman nya ako sa mata at syempre di ako papatalo. Kaya nakipag eye contact na din ako. Pero kinakabahan nga ako eh. Nakita ko naman na lumipat ng ibang upuan si Carla, kaya ayun nalungkot na naman ako.

May kinuha sya sa bag nya at nagtaka naman ako. Bakit sya nag labas ng wireless headphone? Tumingin sya sa kin ulit. "may gusto lang akong sabihin sa inyong lahat, but before that" lumapit sya sa akin at pinasuot sa akin yung headphone.

Oh shit ang lakas ng tugtog. Ano ba to rock. Shit wala akong marinig. Mabibingi na ata ako "bakit ko kailangan neto?" tanong ko. Bigla naman syang ngumiti. "bakit?" tas nilagay nya yung index finger nya sa lips ko. Kaya tumahimik na lang ako nakita ko rin na nag smile yung iba kong kaklase. Bumalik naman sya sa harap.

May sinabi sya pero di ko madinig. Kaya tinanggal ko. Bigla naman syang nag salita "wag mong tanggalin yan or else I'm gonna rip off your hands" kaya natakot naman ako kaya ayun natataranta kong binalik yung headphone. Nag salita sya pero niisa wala akong marinig kaya ayun tinignan ko na lang sya at tinatanggap na after nito kailangan ko na gumamit ng hearing aid. Ok na yun kesa mawalan ako ng kamay.

Daisy's pov

Nakipag eye contact muna ako kay Liza bago ko umpisahan lahat. Namiss ko mukha niya eh. Then kinuha ko na yung headphones sa bag ko. Nagtataka siguro kayo bakit noh. Mag wait lang kayo. Ok "may gusto lang akong sabihin sa inyong lahat, but before that" lumapit ako kay Liza at nilagay yung head phones sa tenga nya. Bigla naman nanlaki mata nya. Masyado sigurong malakas. Ok kang yan. Ayaw ko marinig nya sasabihin ko. Nakakahiya.

"BAKIT KO KAILANGAN NETO?" sigaw nya. Napangiti naman ako. Masyado ngang malakas. "BAKIT?" tanong nya ulit. Ang daming tanong eh. Kaya ayun pinatahimik ko na sya. Then bumalik na ako sa harap

Before i start, i-sure ko muna kung maririnig nya ako "Liza can you hear me?" tanong ko. Pero tatanggalin nya sana pero nainis ako sa kanya kaya nasabi ko sa kanya to "wag mong tanggalin yan or else I'm gonna rip off your hands" nataranta naman sya kaya binalik nya ulit. Ang cute. Wait what? No no hindi. Joke lang

Tumingin ako sa kanila lahat and halata naman na natatakot sila and that's good. "ok. About don sa sinabi ko na layuan nyo si Liza" nagtinginan naman sila. "pwede nyo na sya lapitan or kausapin" bigla naman silang sumaya and that pissed me off. Hindi pa ako tapos eh "pero" nag stop ako at tinignan na naman sila "pag wala ako. Pag hindi ko kayo nakikita pwede nyo syang kausapin or lapitan pero pag nakita nyo na ako and kasama nyo sya make sure na you are 2 meters away from her" tinignan ko si Liza and she was looking at me. Kinabahan naman ako kaya lumingon ako sa mga kaklase nya

"pag nakita ko kayo na sobrang lapit nyo sa kanya. Make sure na you are ready for what's gonna happen." tas nag smile ako. Bigla naman naging seryoso yung mukha nila. "nagkakaintindihan ba tayo?" tanong ko. Sumagot naman sila pero sobrang hina. Nainis naman ako kaya tinanong ko sila ulit "are we clear or not?" tas hinampas ko yung table. Nagulat naman sila kaya napalakas yung sagot nila "yes" "oo" "opo" yan yung mga sagot nila.

Lumapit ulit ako kay Liza at kinuha yung headphones at bumalik sa harap. "we're done, thank you for your time" then umalis na ako. Halata sa mukha ni Liza na nalilito sya pero ok na yun.

Nong nasa hallway na ako sinubukan ko naman na suotin yung headphone pero "OH SHIT" sobrang lakas nga. Nag-alala tuloy ako kay Liza. Baka bingi na yun.

Liza's pov

Pagkuha ni Daisy ng headphones sa tenga ko para parin akong naka headphone or nabingi lang talaga ako? "we're done, thank you for your time" nagtaka naman ako. Ano yun? Ang unfair bakit ako lang walang alam.

Nagulat naman ako ng bigla akong ihug ni Carla "i miss you" sabi niya habang hug ako. Medyo naiiyak ako "miss daw. Bakit di mo kasi ako pansinin" sabi ko sa kanya "eh kasi natatakot kami kay Daisy" sabi niya habang naka hug pa din sa akin "bakit ka naman matatakot sa kanya?" tanong ko sa kanya "ayaw ko kasi matanggal dito sa school na to. gusto ko maka graduate dito. yun kasi yung gusto ng parents ko. Pareho kasi silang graduate dito. Gusto ko lang na ma happy naman sila sa akin" sabi nya and yeah naiintindihan ko na sya.

Lumapit naman yung iba kong kaklase sa akin at niyakap nila ako. Sobrang saya ko ngayon. Sobraaaang saya. Kung ano man yung sinabi ni Daisy kanina. Mag papasalamat ba ako sa kanya? "grabi naman kasi yun si Daisy eh. Bakit ba ayaw nya kaming ipalapit sa yo? Jowa mo ba yun?" tanong nila and nagulat naman ako "anong jowa hahaha baliw to" sabi ko naman "eh bakit nga?" tanong nila ulit "di ko alam eh"

Nawala naman yung group hug namin ng biglang dumating teacher namin. " bumalik na kayo sa kinauupuan nyo!" galit nyang sabi "kung hindi lang yung trabaho ko yung nakataya dito, talagang lagot sa akin yung batang yun!" galit na sabi ulit ni teacher. Then bumalik na ulit sya sa pagtuturo.

Sobrang happy ko lang ngayon kasi sa wakas pinapansin na ako ng mga kaibigan ko. Thank you so much

End of chapter 10

When The Bully Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon