Chapter 14 - new friend?

150 10 0
                                    

Liza's Pov

This last few days sobrang caring ni Daisy sa akin. Like hindi ko akalain na ganon na lang ang pagtrato nya sa akin. Hindi ko nga alam na sweet pala sya eh. Lalo na pag recess or lunch hindi na ako kailangang bumaba kasi dinadalhan nya ako ng foods. Like what the actual fuck

Ngayon naman hindi na sya masyadong masakit. Nakakalakad na nga ako na walang crutches eh.
Pababa na ako ng kwarto kasi kakain na ako.

"Oh Liza upo ka na dito" tinulungan naman ako ni tita para makaupo ako. "thank you tita" sabay ngiti. Umupo na rin sya para sabayan akong kumain "nga pala Liza" sabi nya "po?" sabi ko naman sa kanya "napapansin ko lang, bakit lagi kayong sabay ni Daisy palabas ng school? Inaaway ka ba nya? Or tinutulungan?" tanong ni tita "hindi nya po ako inaaway, tinutulungan nya po ako"

Para namang nagulat si tita sa sinabi ko "tinutulungan ka nya? Bakit friends ba kayo?" tanong ni tita "parang ganon na nga po" sagot ko naman "eh diba.. Ah wala wala" parang alam ko na sasabihin ni tita "bully po sya? Pag po kasi kasama nya ako hindi po nya magawang ma bully ako more like ako yung nang aasar sa kanya" tapos napasmile ako

Alam pala ni tita na ganon si Daisy. Hindi na ako magtataka kung kilala nya kasi nga magkapit bahay kami. "alam nyo po pala ugali ni Daisy?" tanong ko kay tita "oo naman lahat ng tao dito sa village alam na alam. Wala ngang tao dito na hindi nya pinagtarayan. Bata man o matada" halaka grabi naman pala si Daisy "ganon po ba?" tugon ko "pero yung mama, papa at mga kapatid nya sobrang bait nyan. Na spoiled lang talaga yang si Daisy" sabi ni tita

"tita close ba kayo sa family niya?" tanong ko "oo naman. Lalo na yung mama nya. Naku best friends kami non. Kaya lang maaga syang nawala" nalungkot naman ang boses ni tita nung sinabi nya yun. "tita wag na nating pagusapan yun. Kain na lang po tayo" sabi ko sabay smile "ok" tapos nag smile din si tita

Hinatid ako ni tita sa school and malayo pa lang ako kita ko na sa harap ng gate si Daisy. Napasmile naman ako. Ang sweet nya pala. "bye po tita" sabi ko ang kiniss si tita sa cheeks "bye. Ingat" sabi ni tita. "opo" sabi ko kay tita at lumabas na ng sasakyan.

Nagpaika ika ako habang nag lalakad "ang aga mo naman" sabi ko kay Daisy "duh" yun lang yung sagot nya. Napasmile na lang ako sa kanya. Ewan ko ba dito. Hindi mo alam anong iniisip. "kanina ka pa ba dito?" tanong ko "no. I just got here. Kaya let's go. I'm tired standing up" sabi nya. Bago pa lang sya dito pero pagod na syang tumayo? "ok po ok po" sagot ko sa kanya para wala ng away.

Naglakad na kami ng may biglang tumawag sa kanya sa phone nya "wait, sasagutin ko lang" sabi nya kaya tumango na lang ako.

Bumalik naman sya after niya makipag usap sa tumawag sa kanya "tumawag sa akin tita ko. I have to go. Kaya mo naman siguro pumunta sa room mo" sabi niya "syempre. Ikaw lang kaya ang nag iinsist na ihatid ako" sabi ko sa kanya "duh" tas umalis na. Napatawa naman ako sa reaction nya

Ang cute kasi. Hay naku mukhang aagawan pa ata ng pwesto si Precious sa buhay ko eh. Pero i think that's too impossible. Precious is someone na hinding hindi mahihigitan ng kahit sino man. Oh god i miss her.

Nagulat naman ako ng may biglang sumundot sa tagiliran ko. Paglingon ko "Hey" with a big smile on her face "hi Kate" sabi ko naman sa kanya "wala ata si Daisy ngayon?" tanong nya parang lumilingon lingon sa paligid "tinawagan sya ng tita nya, nyo pala" napatawa naman sya.

"ah ganon ba" sabi nya "sooo is it ok if ako na lang sasama sayo?" sabi niya "ok lang naman, kung wala kang ginagawa" sagot ko sa kanya "wala naman akong ginagawa eh. Busy kasi yung boyfriend ko" sabi niya. Aaah may boyfriend na pala sya "may boyfriend ka pala? Swerte naman ng boypren mo" sabi ko, pero mukhang nalungkot naman yung expression nya.

When The Bully Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon