Chapter 15 - mini incident

129 12 0
                                    

Liza's pov

Naglalakad ako papuntang classroom. Hindi ko na pinagintay si Daisy sa akin kasi kaya ko na namang mag lakad eh. Sya lang tong gustong samahan ako kasi nga nakokonsensya sya sa ginawa nya. Para sa akin ok lang naman yun.

Bakit ba tumatakbo yang lalaking yan. Wait parang sa akin sya papunta ah. "LIZAAA! WAIT" sigaw nya. Oh shit nakakahiya. Bakit ba sya sumisigaw. Kaya napayuko ako. Nangmalapit na sya sa akin hinawakan nya yung balikat ko at hinahabol yung hininga nya. "excuse me? May kailangan ka ba?" tanong ko sa kanya

Hindi sya sumagot at nag gesture sya na parang 'wait lang'. Nahihirapan pa rin kasi syang huminga. May kasalanan ba ako "look. I reeaaally need your help" umpisa niya "para sa?" tanong ko "so this coming weekend may mini concert na gagawin ang music club and i really need your help. Please" sabi nya. Ano naman gagawin ko. "ano naman gusto mong gawin ko? Mag linis after ng mini concert?" tanong ko.

Parang ganon kasi gagawin ko eh "no, you are doing way bigger than that" sabi niya "just go straight to the point" medyo naiinis na rin kasi ako eh. Ang tagal kasi sabihin ano gagawin ko. Ano taga timpla ng kape "si Kevin kasi na ospital and he's our vocalist. So we need a temporary replacement. We need a temporary vocalist. And we need you to be that vocalist" sabi nya na nag mamakaawa na mukha.

"ha? Gusto mo ako ang kumanta para sa mini concert nyo? hahaha" natawa naman ako. "please please please ikaw lang makakatulong sa amin and everybody loves you so wala na kaming problema if ever may mag reklamo na wala si kevin. Please" nagmamakaawa na naman sya "hahaha seryoso ka? Baka walang pumunta sa mini concert na yan if malaman nila na hindi na si kevin ang kakanta at ako na?" sagot ko sa kanya

"no, definitely not. Gusto ka ng lahat, gusto ka nga ni Daisy eh" na caught off guard naman ako sa sinabi nya. Nahalata siguro nya na gulat ako sa sinabi nya "i mean kahit nga yung biggest bully ng school gustong makipag hang out sayo, yung iba pa kaya" medyo gumaan naman yung feeling ko kaya yun.

Hindi na ako sumagot kasi nagiisip ako eh "please we are not doing this for our selves. Ayaw kasi mag bigay ng fund ang school para sa instruments ng music club. Bago pa kasi ang music club. Lahat ng instruments na ginagamit namin is ours. Hindi sya sa School and we want to buy instruments para na rin sa mga gustong matutong tumugtog and para sa mga walang sariling instruments. Yung pera na binili nila ng tickets, lahat yun para sa instruments na bibilhin namin" sabi nya and wala na akong magagawa

Tinitigan ko muna sya bago sumagot "ok fine, pero kung walang pupunta dahil nag palit kayo ng vocalist, hindi ko na kasalanan yan ha?" sabi ko "oo naman. Pero alam ko naman na maraming pupunta kaya i won't take any blame at all." sabi nya. Magaling makipag negotiate tong lalaking to "anyway alis na ako. Thank you. So much" sabi niya

Tumakbo na sya palayo ng bigla syang tumakbo pabalik "wag kang mag skip sa flag ceremony later ha?" sabi nya at tumakbo na ulit. Ang dami namang energy ng lalaking to. Takbo ng takbo.

Pumunta naman ako sa school gymnasium para sa flag ceremony na gagawin.

Nag umpisa na ang flag ceremony blah blah blah chika chika ng principal and everything. Nung biglang pumunta sa harap yung lalaking kausap ko kanina. What the hell is he doing there.

"hi everyone. As some of you know I'm Ben. And I'm the lead guitarist of the school's band. And as all of you know, nasa hospital si Kevin. Which is our vocalist. And our mini concert will be this weekend." paguumpisa niya. "so imomove nyo yung mini concert nyo?" tanong ng principal and everyone is also confuse "no no maam. I'm not done yet" sabay ngiti.

Humarap sya muli sa students "well tuloy pa rin yung mini concert because nakakuha kami ng pansamantalang papalit kay Kevin and I'm so glad na pumayag sya" sabi ni Ben at tumigil ng konti "I would like to introduced to all of you our temporary vocalist for the mini concert" tumigil sya at tumingin sa akin. What the heck kailangan ba talaga to? "miss Liza Alijandro" sabi niya at pumikit na lang ako at tumingin sa sahig.

Narinig ko naman na may nag cheer at medyo umingay yung gym. "si Liza ang vocalist nyo?" tanong ng principal "opo" sagot ni Ben. "well kung ganon mukhang pupunta ako dyan" sabi naman ng principal. Wait tama ba narinig ko "miss Liza kidly come up stage" sabi ng principal.

Nag cheer naman yung mga kaklase ko at tinulak ako para pumunta sa stage. Binigay naman ni Ben ang mic sa akin at nag cheer ulit yung mga students

"hi guys. Sa narinig nyo, yes ako muna ang papalit kay Kevin. I know that i wouldn't top him or even match him but please do come" sabi ko tapos nag pouty lips ako hahaha di ko alam bakit ko yun ginawa kaya napatawa na lang ako "kasi this mini concert is for a cost and i would really, we would really appreciate it if you come" tapos nag smile ako.

"wooh classmate ko yan"

"wooh friend ko yan"

Sigaw ng mga kaklase ko and pati na rin yung mga friends ko sa ibang section

"WOOH LIZA KO YAN" nagulat naman ako sa may sabi  non pati lahat nagulat ng sabihin yun ni Kate. "what?" tanong nya "come on guys let's cheer for her" sabi niya "go liza, go liza, go liza, go liza"

"go liza, go liza, go liza, go liza" hanggang sa nag cheer na ang lahat

Napasmile na lang ako. Di ko kasi alam anong sasabihin ko eh.

Daisy's Pov

What the hell, bakit sya pumayag na mag vocalist. Nagulat ako kanina nung tawagin sya nung lalaking nasa stage pero mas nagulat ako sa sinabi ni Kate "WOOH LIZA KO YAN"  napataas naman ang kilay ko nung sabihin nya yun and bet you, i am clenching my fist right now.

Naiirita na rin ako sa mga nag checheer sa kanya. I want to go up stage and just make everybody shut up. Which i did. Pumunta ako sa stage at inagaw yung mic na hawak ni Liza. Natahimik naman sila lahat and i smirked. Hindi pa nga ako nag sasalita natigil na sila. Kaya yun tinapon ko yung mic. Mahina lang naman. At umalis na sa harap.

Pinulot naman ni Liza yung mic na tinapon ko at bigla syang tumawa "hay naku kahit kailan talaga napaka grumpy mo" kaya lumingon ako sa direksyon nya at tinaasan sya ng kilay. "you know you look sexy when you do that right?" sabi nya. Pinilit kong hindi ngumiti at tinitigan ko lang sya "oh heto na nga bababa na" tas bumaba sya ng stage at lumapit sa akin.

Inakbayan naman nya ako at sabay kaming bumaba ng stage "wag ka na ngang mag sungit dyan tumahimik na sila oh" sabi niya. Hindi ko pa rin sya sinasagot "alam ko naman na ayaw mo ng maingay eh. Wag ka na mag sungit. Please" tas nag pout ulit. Napabuntong hininga naman ako "smile ka na please" sabi nya ulit. At nag smile ako at balik sa galit na mukha "happy?" tanong ko sa kanya habang nakataas ang kilay "yeah" at ngumiti sya.

Bumalik naman sya sa line niya at ganon din ako. Napaka stupid talaga ng babaeng to. Tingin mo i was mad just because it was too loud? Oh my god

Third person's Pov

Nagulat naman ang lahat nung biglang pumunta sa stage si Daisy at kinuha ang mic na hawak ni Liza. Kaya natahimik silang lahat pero mas nagulat sila kasi di man lang natakot si Liza kay Daisy. Mas lalo naman silang nagtaka ng biglang akbayan ni Liza si Daisy.

Wala pang tao na naka dare na akbayan si Daisy. Pero mas mas mas mas nagulat sila ng biglang ngumiti si Daisy kay Liza. Kaya klase klaseng mga bulungan ang nangyari

"bakit iba ang actions ni Daisy kay Liza?"

"sila ba?"

"may gusto ba si Daisy kay Liza or si Liza ang may gusto kay Daisy?"

"ano bang relationship nila?"

"mag bestfriend ba sila?"

"wait nalilito na ako"

Pero walang nag dare na lakasan ang boses nila dahil baka may dumanak na dugo.

Kate's Pov

"she just made her mark" magaling talaga tong pinsan ko eh "pero I'll try better next time" i don't really know bakit ako nakikipag compete when it comes to Liza but all i know is that i want her attention too. I want to be her 'friend'

End of chapter

When The Bully Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon