Chapter 3 - we meet again

264 19 0
                                    

Liza's Pov

arg! naiisip ko lang na may pasok na bukas naiinis ako. yes may part sa akin na excited sa new life that the world would give me, pero kasi bago pa ako dito baka hindi pa ako ready. pwede iextend na lang yung pasokan? sana sana. 

naisip ko rin, ang boring nga rin naman kung nandito lang ako sa bahay. wala masyadong ginagawa. cellphone dito cellphone doon. baka  mabaliw na ako kakacellphone. bumaba na lang ako sa sala para makipag laro sa pinsan  ko.

pagkababa ko nakita ko agad sila tita na nag babasa. kaya lumapit na ako sa kanila at nakisawsaw na sa ginagawa nila. hmm tinuturuan na pala ni tita mag basa si Laura. hmm sayang. kaya yun balik sa boring yung buhay ko. pati na rin yung pov ko na dadamay na. hmm ano kayang pwedeng gawin para malibang naman ako. 

alam ko na. pupunta na lang ako sa playground ng village. hindi ko kasi na enjoy last time. may bata kasing napadpad doon sa playground. kaya yun yung panyo ko nasa kanya. ni hindi man lang nag thank you. sama. mag-papaalam na muna ako "tita pwede po ba na mamasyal muna ako sa labas. doon lang naman ako sa playground" tanong ko kay tita. "o sige sige, basta mag iingat ka ha?" sabi naman ni tita. kaya napangiti na lang ako. "mama sama ako?" sigaw ni Laura "hindi pa nga tayo natatapos eh, ni hindi pa nga tayo nangangalahati. tong batang to" sagot naman ng mama nya "please mama, please" with matching puppy eyes pa. "huwag mo nang pansinin tong si Laura. pumunta kana doon" nag pout naman  si Laura dahil sa sinabi ng mama nya. 

kaya wala na akong nagawa kundi umalis nalang at bago ako maka labas narinig kong sabi ni tita "after we finish this,pupunta tayo doon sa playground" kaya yun ngumiti na si Laura. kaya ok na rin yun. lumabas na rin ako ng tuluyan at tinignan yung langit baka kasi umulan eh. pero hindi naman hindi nga rin ganon ka init eh. kaya ok rin tong weather ah. mukhang magiging maganda yung araw ko ngayon.

i started walking and sabi ko "this time hindi na ako mawawala." parang tanga lang. medyo good mood din ako ngayon kasi wala akong napanaginipan na masama. one of my fear is sleeping kasi. parati kasi akong nakakapanaginip ng mga masasamang bagay eh. kaya bago ako matulog dapat uminom muna talaga ako ng gatas para medyo antukin din at may halong music para feel ko yung kama ko. so weird.

ilang minutong paglalakad ay nakita ko na rin ang playground. yes hindi nga ako nawala buti na lang. kaya pumunta na ako sa may swing at umupo na. medyo tahimik dito kasi ako lang mag isa. kaya naalala ko na naman yung mga araw na ang saya ko. yung sayang totoo yung hindi pilit. yung saya na mararamdaman mo na papunta sa puso mo at alam mong hindi na talaga mawawala sa alaala mo. pero ngayon all my happiness is gone, like literal na gone kasi hindi ko na sila makikita. i feel like God is messing with me. hindi ba pwedeng sinama nya na lang ako. hindi yung iwan ako dito para ano? para mag isip na kunin yung sarili kong buhay? edi nag karoon na ako ng malaking kasalanan sa kanya. 

hay sana pala hindi na lang ako humingi ng tulong sa mga oras na yun. sana pala hinayaan ko na lang na mahirapan akong huminga. sana pala nagpaiwan na lang ako doon. sana pala nung nasa ospital ako tinanggal ko na yung mga nakatusok sa katawan ko. sana pala.

 bigla na lang tumulo yung mga luha ko. bakit parang hindi maubos ubos yung mga luha sa mata ko. hindi pa ba sapat na gabi gabi na lang akong umiiyak. uy luha ka, tigilan mo nga yang mata ko. kotang kota na yan sayo. kaya pinunasan ko na lang yung mga mata ko. 

habang nakatungo ako dahil pinupunasan ko nga yung mga mata ko, nagulat ako nung may panyo na nasa harap ko. nagulat din ako nung panyo ko yung nasa harapan ko. my oh so precious panyo. kaya tinaas ko yung ulo ko para tinignan ang taong nag abot nito. napangiti naman ako nung nakita ko si Daisy. kaya yun nag-katinginan na naman kami and you know the awkward stare begin. again. "titignan mo na lang ba ako o kukunin mo yung panyo?" taray na tanong nya. kaya kinuha ko na rin yung panyo ko.

imbes na ipunas ko yung panyo sa luha ko ay inamoy ko ito at nilagay sa may dibdib ko. yiie may panyo is back. hindi naman sa isa lang yung panyo ko well bigay kasi to ng bestfriend ko kaya dapat alagaan. "you're so creepy. why would you smell it instead of wiping your tears?" basag nya sa trip ko. pake nya. "i miss it" sabi ko sa kanya. "so you're saying kaya ka umiiyak because you're missing your handkerchief? that's even creepier" napailing naman ako. "hindi naman kasi ako umiiyak ng dahil sa mga konting bagay" sabi ko at inirapan nya lang ako. aba aba tong babaeng to.

well wala nang nagsasalita and mind you it's so awkward. bakit pag sya yung kasama ko bakit parang ang awkward. so weird. "so hindi ka umiiyak dahil na 'miss'mo yung panyo mo, so umiiyak ka kasi nasugatan ka rin?" napangiti naman ako sa sinabi niya. hindi naman ako umiiyak dahil sa nasugatan lang ako eh. "why are smiling?  you're so creepy you know" taray talaga nito. kaya hindi na lang ako ngumiti at umiwas na nang tingin.  

hindi ko namalayan na lumulutang na yung utak ko. "ahm excuse me? i'm still here" sabi nya. oo nga pala nakalimutan ko nga pala. kaya napangiti na naman ako sa kanya. "sorry" sabi ko. "so? you telling or what?" taray nyang sabi. "well it's true na i miss 'someone' not 'something' and yeah may sugat ako. napakalaki. dito." sabi ko at pagkasabi ko ng last na word tinuro ko yung puso ko na duguan. hindi dahil sa walang kwentang lalaki kundi dahil alam mo na. "you had a bad break up?" tanong nya, daming tanong eh "no. bakit ko naman iiyakan yang mga lalaking yan." sabi ko ulit sa kanya at sya naman parang nalilito "i don't get you, but whatever" taray nyang sabi at tumalikod na at aalis na sana sya nung hawakan ko yung wrist nya pero syempre naka upo pa rin ako sa swing.

nagulat naman sya sa ginawa ko at tumingin sa akin na nakasalubong na naman yung kilay. tinitigan ko sya sa mata sabay sabing "thank you" sabay ngiti na rin.  thankful ako sa kanya dahil sinauli nya yung panyo ko. syempre dahil binago nya rin yung mood ko. binitawan ko na rin yung kamay nya. "well, ahm , ah  yo-you''re welcome" bat biglang syang nauutal. baka nagulat siguro sya dahil hinawakan ko yung kamay nya. tumalikod na sya at nag-lakad. 

hindi ganon ka layo ay bigla syang lumingon "thank you.... for what you did" tumalikod din sya kaagad. ngumiti na namana ako dahil parang hindi sya sanay mag thank you. ganito ba talaga pag sobrang yaman mo na. kaya nung medyo bumilis yung lakad nya at medyo malayo na rin sya ay sumigaw na naman ako para marinig nya "MAG-INGAT KA. HUWAG KA NA RIN MADAPA. WALA PA NAMAN AKO PARA SALUHIN KA"  biro ko naman. kaya na tigilan naman ako sa tawa ko nung huminto sya pero hindi naman sya humarap. kaya sumigaw ako ulit "JOKE LANG. PEACE TAYO PEACE"  sabi ko at ilang segundo lang ay nag-lakad na rin sya. buti naman. 

tumingin ako sa langit at tinigna yung panyo ko. "let me live again. please." sabi ko habang nakatingin sa langit. 

kaya nung medyo madilim na ay tumayo na ako sa swing at nag-umpisang mag-lakad. kabisado ko na rin yung daan papuntang playground. ang ganda palang tumambay sa playground. nakakapag meditate ka. parang na rerefresh yung utak mo bigla.

nakaabot na ako sa bahay ni tita at nagtanong sya kung bakit natagalan daw ako blah blah blah. explain explain. then umakyat na ako sa kwarto ko dahil parang pagod na pagod na talaga yung pakiramdam ko. 

humiga ako sa kama ko at kinuha ko yung phone ko para magpamusic. 

'ikaw lang ang nagpatibok'

'muli ng puso kong ito'

'akala ko di na magbabalik'

'sa piling mo'y walang kibo'

'ngiti'y di maalis'

'sana'y ito na ang' 

'tanging pag-ibig at wala nang papalit'

napatingin ako sa bintana dahil hindi ko na takpan ng kurtina. kaya ngayon kitang kita ko yung isang kwarto sa kabilang bahay at bumuka yung bibig at pati na rin yung mata ko nung may nakita akong babae na nag bibihis. hindi naman sya dapat i-big deal kasi babae rin naman ako. pero yung babae kasi kilala ko. si Daisy.

so kapit-bahay ko lang pala sya? nung huhubarin na nya yung shorts nya ay tumayo na ako at tinakpan yung bintana. wow what a coincidence. bumalik na ako sa kama at humiga na. ilang minuto na ay nakatulog na ako. 

When The Bully Fell In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon